Chapter 6:

866 24 5
                                    

Sandy's Pov:

Abala ako sa pag sunod sa kampon ng mga halimaw di ko tuloy na pansin ang jockpot na nakablandra sa daan kaya sapol na sapol ang pag kaka apak ko dun..bwesit na jockpot!!..Aha!!! Mwahahahaha!! May plano ako sa kamalasang to kaya humanda yung bwesit na nag papa alis samin...kaya hindi nako nag abala pang linisin iyon at dali dali ko ng tinanggal ang doll shoes ko...

Binilisan ko na ang paglalakad ng nakayapak dahil medyo nahuhuli nako,ang bilis mag lakad ng mga jumag eh...humanda ka talaga sakin kung dino kaman!!

Mga ilang dekadang takbohan ay makarating kami sa gusaling sobrang laki walang binat bat yung mall kanina sa sobrang laki ng gusaling toh,grabe pawis na pawis ako sa kakatakbo,di man lang nag abalang mag dala ng sasakyan ang mga shunga shunga nato,sabagay dapat pa ng akong mag pasalamat kasi kung nag kataon pang may sasakyan yung mga iyon baka hindi ko mabibigwasan yung boss nila ngayon,teka!! Asan na yun!!!

Pa linga linga ako ,hanggang sa makita kong pumasok sila sa loob,hihintayin ko muna silang lumabas para ma solo ko yung letcheng boss nila...

Nginangat ngat ko lang yung mga kuko ko pam palipas oras....nag mamasid lang ako sa paligid habang hinihintay kong lumabas ang mga kumag...

Ilang oras lang ay lumabas na ang mga ito na parang pinag sakloban ng langit at lupa,anyari??.

Ng tuloyan na silang maka alis ay tsaka naman ako nag lakad pa punta sa gusali,tumalim ang tingin ko sa gusali ng mapag tanto kong dito pala nag lulungga ang lapastangang nag papaalis samin,mayaman nga talaga ang bwesit..

Nakayapak parin ako hanggang ngayon parang tanga lang pero baka masira ang plano ko mamaya kung mag iinarte ako,patigasan lang ng mukha..

Patay malisya kong linampasan ang guard na parang may tuyo sa utak,hindi ba naman ako mapansin??..hindi naman ako maitim? sabagay hindi naman ako mukhang kriminal,sa ganda ko ba naman!! Walang aangal baka mabogbog ko kayo..

Bahala na nga! Hindi ko na kasalanan kong tatanga tanga tong guard nato..

Nagtagumpay naman talaga ako sa pagpasok ng walang umeepal..

Humalo ako sa mga taong pumasok sa parang kwartong ewan ko kung ano,basta sumunod lang ako sa mga tao..

Siksikan kami dito dahilan para maghalo ang lahat ng baho ng mga tao,nangunguna syempre ang amoy ng jockpot ng aso,nyahahahahahaha!!!

Umalingasaw ang baho sa loob,biglang nagsalita yung babaeng mukhang takong..

" Bes! Ba't parang nangangamoy Ano ng aso ngayon?? "

" Oo nga bes eh!! "

Sabay tingin sakin,binigyan ko lang sila ng sangkatutak na irap,aba'y inerapan din ako ng mga gaga!! Kumulo ang dugo ko dahil dun..

" Takip takip din ng bunganga pag may time!! parang yan kasi ang nangangamoy eh!! "

Pairap kong sabi sa kanila,ngumisi ako ng makita ang reaksyon nila! Eh ang mga shunga! naniwala! Nag takip nga ng bibig!!

Biglang may tumunog na Ting at bumukas ang pintuan,lumabas lahat ng tao kabilang na dun ang dalawang impakta,maliban sa lalaking may salamin,buti na lang,hindi ko pa naman alam kong ano ang bagay nato,tsaka di ko rin alam kung saang lupalop nag kukuta ang damuhong nagpapa alis samin..

Mataning nga kung saan ang opisina ng boss nilang baliw..

" Pare san nga pala makikita ang opisina ng boss niyo?? "

Parang tambay kong tanong dun sa lalaki,inayos niya muna ang salamin niya bago siya nagsalita...

" Nasa 25th floor ang office niya,paglabas mo ng elevator,you have to go straight,then turn right,then left,and then straight again..blah blah.. "

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon