CHAPTER 22:

854 23 10
                                    

SANDY'S POV:

Naglalakad nako pauwi galing sa bahay ng aking Mahal ,na walang iba kundi si DalanDan,sino pa ba sa tingin niyo?! Oh! Masungit yung lola niyo kasi dismayado ako ngayon! Eh pano ba naman! Mga kurtina at mga gamit pangbahay lang ang pinalabhan niya sakin! Akala ko kasi mga damit na! Edi sana maamoy ko yung mga damit niya!

Pero mabuti narin siguro yun baka kasi hindi ko na iyon malabhan at iuwi ko nalang.

Tinulungan ko na rin siya sa pag aayos ng mga gamit niya nung matapos ako sa paglalaba,para narin maka iscor sa kanya,pasalamat na lang talaga ako at nakasama ko pa siya ng matagal tagal. Alam niyo bang kamuntikan nakong mahimatay ng makita kong tinalian niya yung buhok niya,alam ko mababaw lang pero kung nakita niyo lang talaga ang mukha niya baka nag laway na kayo mga mababasa! Grabe ang gwapo niya talaga at napaka bait pa! Lutoan at pinakain ba naman ako?! Para tuloy kaming mag asawa! Pero ang lahat ng yun ay kailangang mag wakas dahil sa mag gagabi narin at baka masabunotan na naman ako ng bungangera kong Tyahin na pinag lihi sa inahing manok. Atsaka hinatid pako ng aking Prens Charming sa tindahan ni Aling Tina mabuti na lang at wala yung maharot na baklitang si Tony kundi todo papansin yun sa DalanDan ko!

Napangiti ako sa sarili ko,hindi ko na talaga pakakawalan ang isang toh,kung kailangan kong manligaw,aba gagawin ko yun! Wala ng arte arte pa! Desperada na kung desperada,wala akong paki alam bakit? Lalaki lang ba ang marunong at pwedeng manligaw? Wala nakong paki alam,basta gora nako!

Napakunot ang noo ko ng makita kong papalapit sakin si Edmond habang tumatakbo na animo'y hinahabol ng asong ulol,ano na naman kayang kalokohan ang naiisip ng batang toh?

" Ateeeeeeeeeh! "

Huminto ako sa paglalakad at hinintay kong makarating ito sa kinatatayuan ko...

Agad ako nitong hinawakan sa braso at nagtago sa likod ko,sinamaan ko siya ng tingin..

" Ate! "

" Ano! Kung makapag tago ka diyan sa likod ko para kang bakla! "

Inis kong sabi habang pilit na inaalis ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko.

" May ano kasi ate- - - - "

" Ano nga! "

" JOKE! "

Sabay bitaw sakin at nginisihan ako..

" Sinasabi ko na nga ba!!! Ikaw talagang bat- - - - "

Bigla niyang itinaas ang dalawang kamay niya tanda ng pag suko,itutuloy ko kasi sana ang pagbatok ko sa kanya mabuti na lang at natauhan tong kumag nato...

" May naghahanap kasi sayong lalaki. Nandon sa labas ng bahay natin. "

Kumibit balikat ito at maglalakad na sana palayo ng hilahin ko ito pabalik sabay lakad,panigurado akong tatakas na naman ito sa hugasin,sarap talaga batokan eh!

" Ate! Maglalaro pa kami ni Bot- - - - "

" Botchoy na naman! Aba Edmond iwas iwasan mo ng sumama diyan sa tabatsoy na yun baka isang araw magkapalit na kayo ng mukha! "

Sigaw ko kay Edmond habang hinihila siya,sinasadya kasi nitong bagalan ang paglalakad.

" Ate! Sige na! Uuwi din na- - "

Mas lalo ko pa siyang hinila tatakas talaga eh! Akala niya hindi ko nahahalata! Bobo nga lang ako diba? Hindi ako tanga!

" Akala mo matatakasan mo ang mga hugasin? Pwes hindi! Dahil hindi pako ulyanin para kalimutang ikaw ang naka toka ngayon sa paghuhugas! "

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon