CHAPTER 45: CONTINUATION

189 7 0
                                    

SANDY'S POV:

Talagang naimbyerna si Bonux sa kalokohan ko, kasi sa loob ng mahigit isang buwan na pangbubuntot ko sa kanya ngayon lang kami na tahimik. Hindi niya talaga ko kinikibo kahit panay ang silip ko sa kanya, bwesit na bwesit kasi siya pag tumitingin ako sa kanya para bang matutunaw ang kagwapohan niya, kaya nga palagi niya akong sinisigawan, pero ngayon ni pitsi wala akong narinig mula sa kanya, at talagang naninibago ako. Parang gusto ko pa ata yung naninigaw na Bonux kesa dito sa tahimik at halatang nagngingit na Bonux.

Napaayos ako ng upo sa passengers seat. bigla ata akong nakonsensya, ng mapagtanto ko ang kalagayan niyang pinaghalong takot para sa buhay niya at stress sa pagpapatakbo niya ng kompanya niya.

Haaaay! Napakagaga ko talaga! Ba't Kasi napaka isip Bata ko! yan tuloy! Galit na si Bonux sakin! Ayaw niya na akong pansinin!

Teka nga! Ba't ba pinoproblema ko kung ayaw akong pansinin ng damuhong toh?! Pake ko ba sa kanya!

Pero kasi, parang ayaw kong galit siya sakin..

Teka nga ulit! Parati namang galit tong lalaking to pag nakikita ako ah!! Ano pa bang bago?!  Ba't ba nagiinarte ako dito?

Iba naman kasi yung galit niya ngayon eh, hindi nakasigaw.

PUTANG-IN- -- !!! Ba't nakikipagtalo Ako sa sarili ko?!

Napa-ayos na naman ako ng upo ng  mapansin kong tinatahak na namin ni Bonux ang kalsada papunta sa mansyon niya. Nakalimutan ko atang sabihin sa inyo na nasa toktok ng maliit na burol nakatayo ang bahay ng maykililing na bilyonaryong toh. Hay naku feeling hari talaga tong lalaking to!

Haysssss! Di ko talaga kaya pag may taong hindi kumikibo sakin! Punyemas! Bahala na Kong mahigh blood na naman si Bonux sakin pagbinuka ko na namn tong bibig ko!

" Bonux sor- - - - - - "

BOOOM! BOOOM! BOOM!
Tatlong putok ng kung ano ang pumutol sa sasabihan ko.

Agad na inapakan ni Bonux ang break ng sasakyan, kamuntikan pakong tumilapon sa biglaang paghinto ng sasakyan mabuti na lang talaga at nakasuot ako ng seatbelt, may saysay rin naman pala to.

" HOLY FUCKING SHIT!  chto za chert! (what the hell! ) "

Hindi ko nagawa pang insultohin ang pag gamit ng bilyonaryo ng kakaibang linggwahe dahil bigla na namang may malakas na namang sumabog. Wala sa sariling tinanggal ko ang seatbelt at itinapon ko ang sarili ko sa harap ni Bonux napakandong nako sa kanya hindi ko na pinansin ang posisyon namin ang importante maprotektahan ko siya sa kung ano mang pumuputakte samin ngayon.
Sunod sunod na putok ang narinig namin mula sa labas ng sasakyan.

Napahigpit ang yakap ko sa bilyonaryong nanginginig sa takot.

Napapikit ako ng mapagtanto kong, kung binobomba kami ngayon ng mga taong gustong patayin si Bonux talagang magtatagumpay sila dahil wala na kaning takas, hindi kami pwedeng basta basta na lang lumabas dahil siguradong magkakapiraso piraso kami. At kapag nanatili naman kami dito sa loob paniguradong matutusta kami kapag napagdesisyonan na ng mga kampon ng kadiliman na pasabogin ang sasakyan.

Taimtim akong nanalangin sa Diyos na iligtas kami, lalong lalo na si Bonux dahil alam kong may pag asa pa siyang magbago, ugali lang naman ang may deperensya sa kanya at pwedeng pwede niya pa iyong baguhin.

" Parang awa niyo na Diyos ko iligtas niyo Po kami...."

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon