SANDY'S POV:
Napabuntong hininga ako, pang Isang libo ko na Ata to, isang buntong hininga ko pa talaga malalagutan nako ng hangin. Nasa labas kasi ako ng kwarto ni Bonux at may dalang isang basin ng gatas, gusto ko kasi sanang pagaanin yung loob niya, pagdating na pagdating kasi namin dito sa mansyon eh dumeretso agad siya sa kwarto niya, ni hindi ko magawang magdiwang dahil nasolo ko ang kusina, eh kasi naman tong Bonux nato kinkonsensya ako! hindi pa naman to sanay ng hindi naghahapunan baka magkaulcer tong lalaking to ako sisihin ng buong pamilya niya! Haaaay! sang lupalop na ba nagsususuot tong utak ko!
Napairap ako sabay katok sa pinto, ano pa bang kinakatakot ko dito eh sanay naman akong sigaw sigawan ni Bonux atsaka kailangan ko talagang pagtiisan ang paguugaling meron ang lalaking to kasi paninindigan ko na yung sinabi ko kanina, kakaibiganin ko na si Bonux kahit na medyo labag sa atay ko, gagawin ko parin, kasi malay niyo diba? Kapag naging kaibigan na kami eh pwede nakong makahuthot sa kanya baka nga pamanahan pa niya ko, at syempre biro lang yun alam niyo naman ako mapgbiro diba? Mapagbiro lang ako pero hindi ako opportunista noh! Lahat ng bagay pinaghihirapan hindi pwedeng umasa ka lang sa lakas ng iba dahil darating at darating rin ang panahon na sisingilin ka ng tao at ng Panginoon.
Idinikit ko ang tenga ko sa pinto, wala pa rin kasing sumasagot sa loob, kalimitan kasi kapag kakatok ako, pinapalayas agad ako ni Bonux o di kaya'y pinapaulanan ng mura, alam niyo naman yun ayaw paistorbo.
Kumatok ulit ako medyo malakas na baka nabingi lang yung nasa loob, pero ilang segundo ang lumipas wala paring kibo si Bonux, ni kaloskos wala. Pagdi talaga ako binuksan ng damuhong toh! Ihahagis ko tong gatas sa hagdan!
Pero bigla kinutuban ng hindi maghanda kaya pinihit ko agad ang door knob sabay pasok sa loob alangan naman pumasok ako sa labas diba?
Napahinga ako ng sobrang luwag na akala mo lalabas na atay ko sa ilong, eh kasi naman akala nag bigti na si Bonux! Juiceko! Para akong nabunutan ng tinik habang nakatitig sa nakataob na bilyonaryo.
Paika ika akong naglakad papunta sa malaking higaan, napairap ako sa hangin, hay naku! Gustong gusto talagang ibalandra ng lalaking to ang yaman niya, kasya ata buong barangay namin sa kama niya! Di ba pwedeng yung kasya lang sa kanya? Hula ko milyones na naman ang halaga ng kamang toh. Teka nga! Ba't ba pinoproblema ko pati kama niya? Pake ko ba! Eh pera naman niya yung ginasta na. Hay naku Sandy! Kung ano ano na lang talaga pumapasok sa kukote mo!
Ng makarating nako sa gilid ng kama niya agad kong inilagay ang isang baso ng gatas sa maliit na lamesa.
" Bonux? Pinagtimpla kita ng gatas, inumin mo hindi ka pa naman naghapunan. "
Pabulong kong gising sa bilyonaryo. Inis lamang itong pumitsi at padabog na tumalikod sakin.
Aba't! tong lalaking to ah! Napakapabebe!
Bumuntong hininga ako ng malalim at nagtimpi. Kailangan ko ng balde baldeng pasensya ngayong gabi, kakaibiganin ko nga diba? Asan na ba kasi tong pasensya ko, parang inabandona ako ng lokong yun ah!
" Bonux sige na inumin mo na. "
Pagpupumilit ko, sabay yogyog sa nagtutulog tulugang lalaki.
" Leave me alone. "
Walang ka emo emosyong sabi nito sakin, sabay tabig sa kamay at umusog palayo sakin.
Inambahan ko ng suntok pero agad ko ring ibinaba ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi ang magsisigaw ng walang tunog habang nangingisay sa sobrang inis. Kung wala lang pinagdaramdam tong salbaheng toh!
Talagang malilintikan to sakin ngayon!
Matapos kong mailabas lahat ng sama ng loob ko, napaupo ako sa kama ng salbaheng lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/166090002-288-k588996.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Squatter Girl
RomanceDonovan Ash Chaidovsky De Roux, he got billions in his account, owned countless companies and had the looks to die for. Everyone wants to have a life like he had. Others wants to be his friend but half of the population hates his guts because Mr...