SANDY'S POV:
" Kahit na ako'y titibo tibo! puso ko ay titibok tibok parin sayo! Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan at ang aking pagkaba-- - - -"
" Sandyyyyy!!! Hali ka nga dito!! "
Natigil ako sa pagkending kending habang naglilinis ng marinig ko ang nakakabinging boses ni Tyang mula sa kusina,uutusan na naman ako nito panigurado...
" Sagliiit laaaaaang!! "
Dali dali akong nagpunta sa kusina sabay hagis ng walis tambo sa isang tabi...
" Ano yun Tyang?? "
Naiirita kong tanong,inerapan lang ako ni Tyang...
" Bumuli ka nga dun ng shampoo,oh eto... "
Sinasabi ko na nga ba!
Bumusangot ako bigla,ako pa talaga inutusan kitang may ginagawa ako! Nasan na ba kasi yung hinayupak na si Edmond,parati na lang yung walang trabaho eh!!
" Si Edmond na lang Tyang may ginagawa pako.. "
Walang gana kong sabi,sabay talikod,hindi pa man ako nakakaisang hakbang ng biglang mag salita si Tyang..
" Alam kong trabaho ka,hindi naman kita gagambalain kung nandito lang sana yang pinsan mo,kaya wag ng matigas ang ulo kung ayaw mong kutusan kita! "
Padabog akong humarap ulit kay Tyang...
" Tyaaaaaaang!! Si Edmond ang umubos ng shampoo hindi ako!! Kaya siya ang utusan niyo,baka nadiyan lang yun sa labas. "
Nakakainis eh! Ako palagi ang inuutusan! Nakakatamad kaya!!
" Wala nga si Edmond diba?! Atsaka EXCUSE ME! gumamit karin kaya ng shampoo,kaya wag ka ng mag reklamo diyan,bilis bilisan mo yang kilos mo,kung ayaw mong ipalo ko tong tabo sayo!! "
Kontrabida talaga to si Tyang sa buhay ko,inerapan ko siya,aba't inerapan din ako!! ayaw talaga patalo sakin!!
" EXCUSE ME! rin Tyang! Hindi ng ako naka shampoo ngayon eh! Ni isang tulo wala! Inubus kasi ng butihing si Edmond!! Kay- - - - "
" Remember meeeeeeee!!! Kapag nag iisaaaaaaaaaa! "
Opo kumanta po siya habang nag sasalita ako,bastosan lang eh!
" Tyaaaaaaang!! tumahimik nga kayo!! Magkaka uhog yung tenga ko dahil sa boses niyo eh! "
Sabay takip sa dalawang tenga ko,nabolabog na siguro yung mga kapitbahay namin ngayon...
Hindi ako pinakinggan ni Tyang at sige parin ito sa pagkanta na para bang wala ng bukas,akala mo naman di sintonado!
" Ayoko sanaaaaa!! Na ikaw ay mawawalaaaaaa! "
Napasabunot ako sa buhok ko, papatayin ko talaga yung animal kong pinsan na nagngangalang Edmond,siya ang puno't dulo ng kahibangan nato at ng kalbaryo ko eh!!
" Oo na Tyang!!! Bibili na tumahimik lang kayo! "
Hinablot ko iyong pera sa ibabaw ng lamesa tsaka lumabas ng padabog,halos sirain ko na yung pintuan sa sobrang inis,humanda talaga sakin yung batang yun!!
Teka! Ano nga kaya yung excuse me na pinagsasabi ni Tyang? Natigil ako saglit sa paglalakad,sakto namang dumaan si Manong Sorbetero kaya tinanong ko na...
" Teka Manong! May itatanong lang ako. "
Tumigil ito sa harap ko at ngumiti...
" Anong - - - - - "
" Anong flavor ng ice cream ko?? Madami ining! May keso,tsokolate,ube- - - - - - "
Kinuha ko yung maliit na bell kay manong tsaka ko pinatunog ng sobrang lakas,kaya natigil si Manong sa kakadal dal tungkol sa ice cream niyang paninda...
" Mawalang galang na po pero hindi po yung ice cream niyo ang tinutokoy ko...Ano po kas- - - - - "
Naputol na naman ang sasabihin ko ng sumabat NA NAMAN si Manong,wag na lang kaya akong magtanong nauuwi rin naman sa ice cream pa lagi eh!!
" Alam ko na! Yung apa yung tinutokoy mo ining noh? Naku mas- - - - "
Hindi na natapos ni Manong ang sasabihin niya dahil pinutol ko rin siya,kita niyo na? nauwi rin sa ice cream!!!
Napairap ako sa isipan ko,hay naku,tigas ng bungo ni Manong eh...
" Hindi po tungkol sa ICE CREAM niyo ang itatanong ko. "
Paliwanag ko sa kanya,sabay ngiti,kumunot ang noo nito na naguguluhan...
Lumapit ako kaunti sa kinatatayuan ni Manong...
" Ano nga pala yung excuse me Manong? "
Bulong ko sa kanya,mas lalo lang kumunot ang noo nito habang nakatingin sakin na para bang hinihintay niyang sabihin ko na joke lang,ng makita niyang walang nag bago sa mukha ko ay nag salita na rin ito sa wakas.
" Hindi mo alam yun Ining? "
Gusto ko na talagang irapan si Manong pero dahil sa may kaunti pakong respeto sa katawan ko ay pinigilan ko na lang ang sarili ko...
" Kaya nga po ako nag tatanong eh. "
Nakangiti ko paring sabi kay manong,kaya napangiti narin ito.
" Padaan ako yun- - - - - "
" Teka teka!! lang Manong! sagotin niyo po muna yung tanong ko! Wala namang ganyanan oh! "
Natigil ako ng bigla na lang tumawa si Manong ,problema nito?
" Naku Ining! Ang sinabi kong pa daan ako kanina yun yung tagalog ng EXCUSE ME! Pwede Rin mawalang galang ganun. "
Tawang tawa parin nitong sabi sakin sabay alis,tiningnan ko lang si Manong habang papalayo,naiwan tuloy akong mag isa habang kakamot kamot sa ulo...
Kamuntikan nakong mapalundag ng marinig ko ang boses ni Tyang.
" Hoy Sandy!! Ano pang tinutunga tunganga mo diyan! "
Sigaw ni Tyang sa may pintuan,inerapan ko muna siya,sabay lakad ng mabagal magsisimula na sana akong mag bilang ng biglang.......
" Sayo na yung sukli kaya bil- - - - - "
" Oo Tyang! Aalis nako saglit lang lang talaga toh! "
At kumaripas nako ng takbo palayo,bigla akong sumigla dahil sa sinabi ni Tyang,minsan lang kasi yun nagbibigay ng pera kaya kung bibigyan niya ko sasagarin ko talaga at susundin ko lahat ng utos niya sa pagbabakasakaling mabigyan pa sa susunod kahit na labag sa kalooban ko...
At bago ko pa makalimutan ang pupuntahan ko pa pala yung hinayupak ko na pinsan para makutungan...
![](https://img.wattpad.com/cover/166090002-288-k588996.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Squatter Girl
RomanceDonovan Ash Chaidovsky De Roux, he got billions in his account, owned countless companies and had the looks to die for. Everyone wants to have a life like he had. Others wants to be his friend but half of the population hates his guts because Mr...