SOMEONE'S POV:
" O ang aga mo ata ngayon Bonux ala singko pa lang ah! "
Namamangha kong bungad sa nakabusangot na namang bilyonaryo, kung ako lang talaga nasa posisyon niya baka napunit na tong bibig ko kakangiti, sa dami ba namang pera ng damuho sinong sira-ulo ang mababadtrip. Oo nga pala si Bonux lang pala ang sira-ulong sobrang yaman pero malungkot pa rin.
" Ano na namang drama mo bakit byernes santo yang mukha mo. "
Dugtong ko, hindi pa kasi ito kumikibo at basta basta na lang pumasok sa loob ng kusina.
" Wala kang pake. "
Bulong nito mula sa kusina, bumulong pa eh rinig na rinig ko naman!
" Bahala ka nga sa buhay mo! "
Inis kung sigaw, at itinuon ko ulit ang atensyon ko sa t.v na nagpapalabas sa kuha ng mga CCTV sa buong lugar ng mansyon ni Bonux. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na merong dalawang t.v ang sala ni Donovan. O diba andaming pera ng lolo ninyo pero may panahon pa siyang malungkot!
Napalingon ako sa kanya ng marinig kong lumabas ito sa kusina, may bitbit itong isang karton ng coco crunch, nakasando na ito, wala na ang long sleeve na suot suot nito kanina, nagsalubong ang kilay ko.
" San mo na naman ba nilagay ang damit mo? Baka tinapon mo na naman sa ibabaw ng lamesa! "
Inis kong sabi, hindi ako kinibo ng kumag, nilabas nito ang laptop, binuksan iyon at nagpipindot na habang ngumunguya pa.
Hindi ko na tinanong pa ulit ang tinutopak na namang bilyonaryo, padabog akong tumayo mula sa sopa at nagpunta ng kusina.
Marahas akong napabuntong-hininga ng makitang nasa ibabaw nga ng lamesa ang damit ng walangya!
Hinablot ko iyon, itatali ko na sana sa leeg ni Bonux ang long sleeve ng makita ko ang nakatunga-nga nitong mukha.
Napakunot noo ako, Nngayon ko lang kasi nakitang lutang si Bonux, palagi naman kasi itong nakatutok sa laptop o kaya'y sa selpon niya.
Dahan dahan akong naupo ulit sa sopa habang nakatitig lang sa gwapong mukha ng lalaki.
" Hoy Bonux ano bang problema mo? "
Mahinahon kong tanong, nakakapanibago kasi hindi niya man lang ako pinalayas ng maupo ako sa tabi niya, ayaw niya kasi ng may katabi naalibadbaran siya, pero himalang hindi man lang ito nag protesta ngayon.
" Napakachismosa mo, manahimik ka nga. "
Napa-irap ako sa hangin.
" May problema ka nga hindi ka nakasigaw eh. "
Lumingon ako sa kanya ng marinig ko ang mabigat nitong buntong hininga.
" Teka! Nalulugi na ba kompanya mo?! Naku Bonux problema nga yan, kung ako sayo magpakabait ka na! "
Payo ko pa at dudukot na sana sa coco crunch ng biglang tampalin ni Bonux ang kamay ko.
" Aray ko ha! Andamot nito! "
" Ano bang klaseng utak meron ka? O may utak nga ba? "
Di nako nakatiis tinadyakan ko na nga sa braso, hindi man lang ito kumibo at patuloy lang sa kakangat-ngat sa kinakain.
" Baliw ka na talaga Bonux. Nababaliw ka na kasi ayaw mong mag sher ng blessings, pati coco crunch pinagdadamot mo. "
Inis kong pitsi sabay tirintas ng buhok.
" Sinabihan na kita, kainin mo na lahat ng pagkain na na sa ref wag lang tong coco crunch. "
" Para kang adik Bonux, napaka tabil ng dila mo. "
Wala sa sariling sabi ko.
" You're right kaya nga nabogbog ako dahil sa katabilan ng dila ko. "
Napahinto ako sa ginagawa ko at wala sa sariling napalingon sa kanya.
" ANONG SABI MO?! NABOGBOG KA?! "
Halos lumondag ako sa kinauupuan ko at agad na sinipat ang katawan niya kung maypasa ba. Pag may nakita akong pasa ni katiting lang sa katawan ni Bonux talagang- - - -
" What the hell are you doing?! "
" Pag may nakita talaga akong pasa mamamatay ang kung sino mang nambogbog sayo. "
Parang baliw kong sabi habang sinisipat ang buong katawan niya, halos hindi naman magkanda-ugaga si Bonux para pigilan ang kamay kong kung saan saan na dumadapo.
" Ano ba! Noon yun! nabogbog ako noon! "
Natigil ako sa ginagawa ko at napatingin na lang sa kanya.
" Huh? "
Parang tangang tanong ko.
" Nasa college ako non, binogbog ako ng mga kabarkada ng kapatid ko, ni hindi niya ko tinulungan, sampong taon na ang nakakalipas hindi ko parin siya magawang mapatawad at ngayon gusto niyang magka-ayos kami. Hindi ko alam kung may kakayahan pakong magpatawad. "
Halos mapanganga ako sa narinig ko. Pero teka lang...
" Teka may kapatid ka? "
Napamaang kong sabi, mas lalo itong bumusangot sabay tulak sakin palayo.
" Bakit ba nagsayang pako ng laway na makipag-usap sayo. "
Tatayo na sana siya ng bigla ko siyang hinila ulit paupo.
" Ito naman! Sorry na! Kung gustong makipag-ayos sayo ng kapatid mo, makipag-ayos ka. Wala pa namang namamatay sa pagpapatawad Bonux. "
" Madali sayong magsabi ng magpatawad, hindi ikaw ang nabogbog eh. "
Napabuntong hininga ako.
" Ang problema naman kasi sayo sobrang taas ng pride mo kaya nahihirapan ka talagang magpatawad, kung ako sayo harapin mo ang kapatid mo, mag-usap kayo, mag sigawan kayo ng mailabas lahat ng hinanakit niyo sa isa't isa. Pamilya pa rin kayo Bonux, kahit isang beses lang sa buhay mo magpatawad ka. "
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Bumaba ang tingin niya sa kamay naming magkalapat.
" Pakinggan mo lang kung anong sasabihin ng kapatid mo ng magkaintindihan kayo. "
Yun lang at tumayo nako sa sopa para makapagluto na ng haponan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Squatter Girl
RomanceDonovan Ash Chaidovsky De Roux, he got billions in his account, owned countless companies and had the looks to die for. Everyone wants to have a life like he had. Others wants to be his friend but half of the population hates his guts because Mr...
