SANDY'S POV:
" Ano Bonux kakaain ka ba o hindi?! "
Tawag ko sa señorito, pero hindi parin ako nito sinasagot. Napairao ako sa hangin, puro pasakit lang talaga ang hatid ng talipandas nato! kakain na nga lang at lahat lahat antagal pang makapunta dito sa hapag! gusto siguro ng aninal nato ihatid ko pa sa kanya at isubo!
" BILYONARYOOOO!!! "
Halos mahimatay ako sa sobrang inis ng hindi parin ako nito nilingon mula sa pagkakaupo sa sofa. Kailangan ko ba talagang pagtiisan ang damuhong toh?! Aba oo noh! kung ayaw kong mapalayas kami at mawalan ng trabaho! para sa buong pilipinas magdudusa ako sa poder ng mapang alipustang nilalang nato!!
Padabog akong naglakad sa papunta sa sala sabay batok sa bilyonaryong kanina pako binubwesit!!" HOLY CRAP!!! "
Sabay kamot sa batok niya.
" krap karapin mo mukha mo! ano?! wala kang balak kumain?! o gusto mong isaksak ko sa bunganga mo ang pagkain?! kanina pa kita tinatawag ah! hindi ako nainporm na bingi ka na pala "
Sermon ko na halos maputol na ugat sa leeg ko. Inis na inis talaga ako kapag pinaghihintay yung pagkain eh! ilang beses natong ginawa ng lalaking toh pinalampas ko lang! pero ngayon hindi na pwede lalayasan na siya nag grasya sa ginagawa niya! pati ako madadamay!
" Hindi kita narinig kasi nakaearphone ako?! tsaka pwede ba mamaya nako kakain may tatapusin lang ako. "
Aroganteng sabi nito sakin sabay harap uli sa laptop niya.
" ANAK NG! baka gusto mong tapusin ko rin yang buhay mo! hindi pwedeng di ka sasabay sakin! sinong maghuhugas sa pinagkainan mo?! IKAW?! hindi diba? ako parin ang maghuhugas eh! kaya para maisa ko na sabay na tayong kakain! sa ayaw at sa gusto mo!!! "
Pangangatwiran ko sabay punta sa harap niya at nagpameywang. Grabe na talaga tong hindi pagkakasunduan namin! pati sa pagkain pinagaawayan pa! eh kasi naman tong halimaw nato! ayaw pang tumigil sa kakahalungkat ng pesteng laptop niya! masyadong masipag! eh baha baha na nga pera niya!
" Alam mo ikaw pinapalaki mo lahat eh! kumain ka na dun gutom lang yan. "
Napapikit nako sa sobrang inis, oo nga gutom nako! pero di ako makakain ng dahil sa tamapalasang toh! Sisigawan ko na sana siya ulit ng naunahan nako ng tiyan ko, sumigaw na ito sa sobrang gutom.
" Bahala ka na ngang bwesit ka! mapasma ka sana! "
Inis kong sigaw sabay layas at punta sa kusina.
Agad rin namang nawala ang inis ko ng makasubo nako ng ilang beses, pagkain lang talaga ang hindi nagbibigay ng stress sakin! eh yung walang utang na loob na bilyonaryong yun daig pa bata kung pilitin para kumain! bahala nga siya sa buhay niya! basta ko kakain ako dito at hinding hindi ko huhugasan ang pinagkainan niya! ano siya siniswerte?!
Napatigil ako bigla ng tumonog ang doorbell, pero agad ring nagkibit balikat at nagpatuloy sa pagkain, pakialam ko ba sa doorbell! eh klarong klaro namang bisita na naman niya yan! kaya bahala siyang magbukas ng pinto!
" Ano ba Dukha! yung pinto! "
Aba! ang kupal nato! walang modo talaga kahit kailan!
Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago inis na sumigaw, mahirap na baka mabulunan pako at mamatay! di pwede noh! hindi pako pwedeng kunin ni Lord! sino na lang ang magpapahirap sa bilyonaryong toh?! aba hindi pwedeng mabuhay to ng tahimik at matiwasay! kailangan ako ng mundo para magkanda letche letche ang buhay ng salbaheng toh!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Squatter Girl
RomanceDonovan Ash Chaidovsky De Roux, he got billions in his account, owned countless companies and had the looks to die for. Everyone wants to have a life like he had. Others wants to be his friend but half of the population hates his guts because Mr...