Chapter 52:

169 5 0
                                    

SANDY'S POV:

Padabog akong kumakain ngayon kaharap ang boss kong sobrang tigas ng utak. Nanggigil akong ibato itong kinakain kong cupcake sa pagmumukha nito.

Eh pano ba namang hindi ako magngingit-ngit dito! Sabihan ba naman akong pupunta kami ng opisina para makapagtrabaho siya!

Juiceko! tinambangan na kami't lahat lahat ayaw parin nitong paawat sa pagtatrabaho! Wala naman itong pamilyang binubuhay! At mas lalong walang sandosenang anak na pinapakain! Sarili niya lang naman ang binubuhay niya! Kung kumayod kasi tong ungas nato parang isang batalyon ang pinapakain!

Tumirik ang mga mata ko sa sobrang inis ng tumayo na ito para lumayas.

" Pinagkainan mo! Wag mong iiwan diyan ilagay mo sa lababo! Hindi Yan kusang lilipad papunta dun! "

Singhal ko, sabay taas ng kamay kong may hawak na mansanas, ibabato ko sana pero agad rin akong natauhan kaya wala akong ibang nagawa kundi ang ngatngatin ng padabog ang mansanas habang nakatitig sa boss kong nag aayos ng butones ng long sleeves niya. Bawal magsayang ng pagkain bukod sa magagalit si Lord, ayaw na ayaw kong may nasasayang na pagkain kaya mas mabuting kainin ko na lang toh!

" Talagang hindi yan lilipad, walang pakpak yan eh. Isabay mo na yan sa pinagkainan mo, walang utak. "

Bagot nitong pintas sa pagkatao ko.

Aba't ang talipandas na'to!
Kamuntikan ko na namang maihagis ang mansanas sa siraulong lalaki. Parang lumevel up ang pagiging salbahe nito ah!

" Anong walang utak! Meron ako non! Med- - - - "

" Oo Meron nga polpol naman. "

Napatayo ako sa sobrang inis at handa na sanang sunggaban ang bastos at mapangalipustang lalaki para sabunutan, agad akong napatigil ng maalala ko na naman ang pangako kong magiging kaibigan niya ko! Pero parang mamatay muna ako bago pa mangyari Yun!

" Bilis bilisan mong kumilos diyan baka padlockan ko yang ref oras na malate ako ngayon. "

Padabog akong umopo sabay kain.

" Manahimik ka diyan! Bakit ka ba natatakot na malate diyan, eh ikaw naman ang boss! "

Hindi na ito kumibo pa at nagtuloy tuloy na papuntang sala.

Napairap na naman ako sa hangin, kainis talaga tong huklubang to! Parati na lang niyang sinisira Ang kain ko! Bahala nga siya diyan! Siya naman ang boss kaya ok na ok lang na malate siya, masyadong pasikat tong ungas nato dinaig pa ang araw! Tsaka haler! Sabado ngayon alam kong wala siyang masyadong gagawin sa opisina niya kundi ang magpadala ng magpadala kay Valerie ng kape! Habang nakatunganga sa laptop niya, tapos nag dodrawing ng mga sasakyan, pero sabi ni Valerie at Dabid model daw yun, aba malay ko ba kung ano yang model model na yan, basta kakain ako dito hangga't gusto ko.

" Dukha bibilisan mo diyan o padlockan ko yang ref?"

Palundag akong napatayo ng wala sa sarili ng marinig ko ang banta ng salbaheng tao na imposibleng kaibiganin!

" Oo na! Nanggigil talaga ako sa pagmumukha mo Bonux! "

Nanginginig sa inis kong bulyaw sabay lamon sa natitirang mga pagkain. Lukot na lukot ang mukha habang nagliligpit sa hapag. Kapag kausap ko talaga tong lalaking toh! Nasisimot pasensya ko! Parang magiging mamamatay tao ako ng wala sa oras!

Lord! Pahiramin mo naman ako ng pasensya!

Nagdadabog parin akong naglakad papunta sa kwarto ko, pero bago ako umakyat sa hagdanan ay sandamak-mak muna na irap ang ipinukol ko sa salbaheng bilyonaryo, kamuntikan ko na ngang tadyakan ang ulo nito, nakatalikod kasi ito sa'kin at nakaupo sa sopa habang may kausap sa selpon iya.

Pabalabag kong binuksan ang pinto ng kwarto ko, sabay hagilap ng gutay gutay kong sapatos. Pero agad rin akong napatigil ng mapagtanto kong naiwala ko pala iyon kagabi.

" Haaaay! Kung minamalas ka nga naman oh! Ano gagawin ko ngayon magpapaa?! "

Inis kong sigaw, mangingisay na sana ako sa sobrang inis ng makita ko ang pares ng malalaking tsinelas sa sulok.

Dahan dahan akong naglakad papunta dun. Bumontong hininga ako ng maalala ko kung saan at kanino galing iyong higanteng tsinelas.

Kay Bonux ang tsinelas na toh, napangiti ako ng bahagya, iyon ang kauna unahang pagkakataon na pinasilip niya sa'kin ang kabutihan niya. At sa isipang iyon nawala na lang bigla ang inis na nararamdaman ko para sa bilyonaryo.

Alam ko may kabaitan din yung unggoy na yun ayaw niya lang ipaglandakan dahil nga sa ayaw niya sigurong magmukhang mahina.

Wala sa sariling isinuot ko iyon kahit pa sobrang laki nito, wala nakong pake, magiinarte pa ba ko eh gipit nga ako ngayon at kailangan magtipid.

Dali Dali nakong nagpunta sa sala, baka tuluyan ng padlockan yung pinakamamahal kong ref! May saltik pa naman sa utak yun!

" Tara na Bonux! Ano pa bang inuup-upo mo diyan! "

Singhal ko habang nakapameywang sabay suot ng paborito kong sombrero.

Hindi kumibo si Bonux, ni hindi man lang ako tiningnan at basta basta na lang itong tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sopa, isnilid ang laptop niya sa bag, sabay layas.

Ah ganun pala ha! Dededmahin mo na naman ako! Humanda ka sa'kin! Pepestehen kita buong araw! Tingnan na lang natin kung di ka mastroke sa inis!

Napataas ang kilay ko ng bigla itong napahinto, sabay tingin sa mga paa ko.

" Asan ang sapatos mo? Ba't nakaganyan ka?! "

Nakasimangot nitong puna sa'kin. Umirap lang ako.

" Tara na, wag na madaming satsat! Baka isampal ko to sa'yo! Tsaka wala ng bawian ha! Ibinigay mo na'to sa'kin! "

Ito naman Ang napairap sabay talikod.

" Nasan ba Kasi yang sapatos mo?! Ang sagwa sagwa mo tingan! Para kang Bata! "

Naimbyerna na namang singhal nito sa'kin.

" Nawala kagabi! Wala akong ibang sapatos kaya ito suott ko! Ano ebrybody hapi na ba?! "

Sarkastiko kong bulyaw pabalik. Napapikit na ito sa inis.

" Magpabili ka kay Spencer. Para kang tanga suot suot yan! "

Napahalukipkip Ako.

" Ayoko! Wala akong Pera! Wag mo akong minamanduhan! "

" Bahala ka nga sa Buhay mo! Ba't ko ba pinoproblema toh! "

Yun lang at nilayasan nako nito.

" Oo nga! Ba't mo ba pinoproblema! Manahimik ka na lang! "

Sigaw ko habang sumusunod sa bugnoting lalaki, daig pa talaga nito babaeng nireregla eh!

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon