CHAPTER 34: MILAGRO SA HATINGGABI

481 10 3
                                    

SANDY'S POV:

" Ayun na nga pare! hinagis niya sakin yung upuan ni Balerie! pasalamat lang talaga yung krazy na yun na hindi ako natamaan kasi kahit daplis lang talagang hindi ko siya tatantanan hanggat hindi napupuno ng pasa ang buo niyang katawan! "

Ratrat ko kay Dabid na nasa kabilang linya at halos hindi na makasingit sa walang preno kong bibig.

" Hay Sands sana pinagusapan niyo na lang nagkasakitan pa tuloy kayo."

Biglang nangasim ang mukha ko sa sinabi ni Dabid.

" Ay naku! may sayad yun pare! marunong nga mag english bobo naman! ayaw makinig sakin, sabi ko umalis na siya minalditahan ba naman ako?! ano?! pababayaan ko lang soyang alipustahin ako ng paenglish?! naku hindi pare! kailangan niyang mamulat sa realidad na di lahat ng tao eh maaapi niya! hindi ko nga inaatrasan si Bonux na bilyonaryo at kaya akong ipapatay o ilibing ng buhay, sa kanya pa kayang puro kabit lang ang papel sa mga palabas?! "

Iwinasiwas ko pa ang kamay ko habang nagsasalita na para bang nasa harap ko talaga si Dabid.

Sumandal ulit ako sa sopa, nasa sala kasi ako at nagrerelax kakatapos ko lang kasi magpalit ng benda,ewan ko kung bumuka ba yung mga sugat basta sigurado akong huminto na iyon sa pagdugo, nilinisan ko na lang.

" Mabuti at hindi ka pinagalitan ni Mr. De Roux. "

Sabi nito sabay tawa.

" Hindi, kasi pagod daw siya, wala siyang panahon para makipagbasag ulo sakin, kasi alam niyang hindi ako magpapatalo at mangangatwiran talaga ako! "

Rinig kong tumawa na naman si Dabid kasabay ng tunog ng naggigisa, nagluluto kasi siya ng hapunan niya, mag isa lang kasi siya sa apartment niya, nasa probinsya kasi pamilya niya.

Hmmmm mabisita na tong lalaking to minsan, malamang malungkot buhay nito kawawa naman.

" Nasan na pala si Miss Schuningham? "

Nagsalubong ang kilay ko.

" Missa Ska- - - - ano?! "

Natawa na naman si Dabid.

" Yung babaeng pinatulog mo nasan na? isinugod niyo ba sa ospital, namaga mukha non ah tapos may black eye pa, kawawa naman. "

Napairap ako sa kawalan, masyado talagang maawain tong lalaki na to, malas lang ng baliw na yun na ako ang nakaharap niya, may awa naman ako pero dun lang sa mga taong kailangan naman talaga ng awa. Hindi din namn ako nakokonsensya kasi para naring iginaniti ko yung mga taong inaalipusta niya kasi alam kong hindi lang ako ang inaapi niya kaya tama lang talaga yun sa kanya no!

" Wag ka nga maawa dun at isa pa pampagising lang na yun sa isip niyang parang natutulog at ayaw gumana. Hindi na namin siya dinala sa ospital dumeretso na kami sa mansyon at ang doctor na mismo ang pumunta samin at chinek si Aling Isya. Wala naman daw nabasag sa mukha at ulo niya matapos ko siyang ihampas sa pader na parang naghahampas ng tindang yelo, hindi na nga namamaga mukha nung krazy eh may malaki nga lang blak eye. "

Medyo napahagikhik si pero agad ring tumigil, naaawa na naman siguro.

" Hey!! Gutom nako magluto ka nga! "

Lumipad ang kilay ko ng paglingon ko'y tumambad sakin ang nakakaimbyernang babae na may blak eye, hindi na man namaga yung mata niya, medyo pula nga lang tas anlaki ng pasa.

" Tawag ako maya Pare ha may papatulugin ulit ako. "

" Sandsss parang awa mo na ma- - - - - - "

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon