Chapter 53:

159 5 3
                                    

SOMEONE'S POV:

" Hi Valerie! ang ganda mo ngayon ah! "

Pangisi ngising bati ni Sandy sa secretary ni Donovan sabay kaway. Medyo magkasundo na kasi silang dalawa simula nung pinagkaisahan nilang iligpit ang babae ng boss nilang si Alicia.

Hindi pa man nakakasagot si Valerie ay nagsalita na ulit si Sandy sabay hinto sa harap ng desk nito.

" Sabay tayong mananghalian mamaya ah! "

Biglang napangiwi si Valerie, sa tuwing sasabay kasi si Sandy sa kanyang mag lunch ay palagi siya nitong inuubusan o di kaya'y nagpapalibre ito, palagi ngang butas ang bulsa niya kapag ito ang kasama dahil talaga namang patay gutom ang kaibigan.

Napatango tango na lamang si Valerie, isang solusyon lang ang nasa utak niya, isasama niya si David para may kahati siya sa gastosin.

Walang kaalam alam si Sandy na nagpapnic na si Valerie at pasipol sipol pa siya habang bumubontot sa boss niyang wala paring kibo. Pero bigla itong napatigil sa harap ng pintuan nito, kaya napahinto na rin siya.

Pinasadahan siya nito ng tingin, mula ulo hanggang paa, inangilan niya ito dahil alam na alam niyang pinipintasan na naman siya nito.

" Ano?! "

Inis kunyari niyang singhal sabay halukipkip, pero sa loob loob niya'y bigla siyang na-conscious, nakasuot lang kasi siya ng simpleng t-shirt na maluwang sa kanya at pantalon na malaki laki rin sa kanya, tapos naka tsinelas pa siya ng sobrang laki, mukha talaga siyang basahan.

Pero agad rin niyang pinalis ang kahihiyang nararamdaman, napagtanto niyang ano bang kinahihiya niya eh araw araw naman siya nitong nakikitang dugyot! Mas malala pa nga kung nasa mansyon siya dahil palaging butas butas na pajama ang suot niya! Bakit ba Siya nagiinarte dito! Si Bonux itong kaharap niya! Wala itong pake-alam kung anong suot niya at kung anong itsura niya!

Nabalik siya sa realidad nang marinig niya ang buntong hininga ng boss niya,  tinalikuran siya nito at binuksan ang isang pinto ng double doors.

Nanlaki ang mga mata ni Sandy ng makita niyang isasara na ni Donovan ang pinto kaya wala sa sariling inilagay niya ang braso niya sa siwang ng pinto para pigilan ito.

" ARAY! "

Napasigaw siya sa sakit ng isara ito ng tuluyan itong isara ni Donovan, naipit tuloy siya. Agad din namang binuksan ulit ni Donovan Ang pinto.

" Ano bang problema mo?! Ba't ka sunod ng sunod sa'kin! "

Sumimangot si Sandy habang tinitingnan ng nakakamatay ang Boss na wala man lang balak magsorry sa kanya.

" Aba! Wala man lang bang sorry diyan?! Ansakit ng braso ko ha! Kung makasara toh! Ba't ayaw mo kong papasukin sa opis mo?! May tinatago ka noh?! "

Nacu-curious na sabi ni Sandy sabay silip silip sa loob, habang tinutulak ang pinto para makapasok.

" Wala kang pake! Napag-usapan na natin toh! Bawal ka dito! Diyan ka sa labas! "

Pagtataboy nito, pero ayaw paawat ni Sandy at patuloy parin nitong binubuksan ang pinto. Her mind was already fixed on one thing and that was to not let her boss feel alone anymore, kahit pa isumpa nito ang buong pagkatao niya dahil sa pamimiste niya.

" Promise ititkom ko bunganga ko! Hinding hindi ako magsasalita o makikipag-usap sa'yo! Promise yan! Promise! "

Pagpupumilit na Sabi ni Sandy habang tinutulak parin ang pinto para mabuksan ito.

" Bakit ba ayaw mo kong lubayan ngayon?! "

Inis na sigaw ni Donovan, panay rin ang tulak nito sa pinto pasara.

" Gusto lang kitang samahan! Baka bombahin ka diyan! Edi ako na naman may kasalanan! "

Sigaw pabalik ni Sandy.

" Sa ingay ba naman ng bibig mo! Mas ok pa sigurong mabombahan ako dito! Kesa makasama ka sa iisang silid! "

Napatigil si Sandy sa pagtulak, pero nakasadal parin siya sa pinto kaya hindi parin tuluyang maisara iyon ni Donovan.

" Mapanakit ka ha, gusto ko lang naman samahan ka,tsaka di nga ako magiingay diba! Napakasalbahe mo talaga. "

Pabulong nitong sabi, pero rinig na rinig iyon ni Donovan kaya napatigil na rin siya sa ginagawa. Biglang sumikdo ang puso niya sa sinabi ni Sandy, he felt it, Sandy doesn't want to make him feel alone, and that thought made him feel a little weird inside before he can venture what is it, pabalabag niyang binuksan ang pinto.
It was so sudden that Sandy doesn't have the time to react, napasubsob siya sa carpeted floor ng office ni Donovan.

She instantly look up, still sprawled on the floor, she was ready to give Donovan her piece of mind but before she can throw a single profanity at him, naunahan siya nito.

" Kapag may narinig akong kahit isang salita lang galing sa'yo, kakaladkarin kita palabas. "

He threatened not looking at her and proceeded to go to his table.
Walang ibang nagawa si Sandy kundi ang mag-ingay at magmura sa isipan niya.

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon