CHAPTER 32: MAHAROT NA BILYONARYO

274 13 1
                                    

SANDY'S POV:

" Umalis ka nga diyan sa upuan ko! madumihan pa yan eh! "

Nanggigil na sigaw sakin ni Balerie, inerapan ko lang siya tsaka itinaas ang dalawa kong paa sa lamesa niya. Bigla Itong napangiwi, nakita niya siguro ang naglalaking butas ng sapatos ko, pero bahala siya diyan di ko apord bumili ng sapatos noh!

"Ang kapal talaga ng mukha mo noh! "

Umirap na naman ako.

" Oo na alam ko namang makapal talaga mukha ko di mo na kailangang ipaalala. Masanay ka na hangga't hindi pa ako pinapalayas ng salbahe mong boss, bubwesitin kita kahit kailan ko gusto. "

Kalmado kong sabi sa kanya habang tinitingnan ang mga kuko ko, kung may dapat mang sisihin sa kamalasan niya edi yung boss niyang mas bwesit pa sakin, yun ang patayin niya.

" Aba't! ayaw mo talaga ha!! "

Handa na sana siyang patayin ako ng biglang may nagsalita, kaya sabay kaming napalingon.

" I'm here to see Donovan where is he? "

Mataray na tanong nung babae, halatang mas impakta pa kay Balerie, pero impernes maganda ate niyo, pero mas maganda parin ako noh! maganda lang talaga damit niya at mga alahas tsaka parang kumikinang ina ay este kumikinang yung mukha niya, nanghilamos ata to ng stardust. Ha! di ko na kailangan ng ganyan mga mambabasa, natural talaga ang ganda ko.
(CONFIDENCE LEVEL 1000000000000000080)

" He's in the middle of an important meeting, kaya makakaalis ka na. "

Boom! sabog hahahahahah palayasin ba naman, bongga pa naman yung suot hahahahaha!!!

Paarteng napasinghap ang babae, ang maamong mukha nito'y bigla na lamang bumalasik, ayon! magsasabunotan na! yahahahahahahahaha! at syempre wala akong balak na makipagrambulan sa laban nila, di ako sanay makipag away sa babae kaya papabayaan ko na si Balerie, laban niya to nyahahahahahaha!

" How dare you! kilala mo ba kung sin - - - - - "

Hindi na natapos ng babae ang sasabahin niya dahil sumabat agad si Balerie. Para lang akong nanonood ng teleserye ah!

Agad akong dumokot ng chichirya sa bag ko, binuksan iyon at agad na kumain habang nanunuod parin.

" Of course I do, you're the infamous  social climber who desperately clings to every rich man, especially you know older men. "

Mapanginsulto nitong banat sa babae, sumobo ako ng chichirya at seryosong nanuod sa away nila.

Biglang namula yung babae at handa na sanang kalmutin si Balerie ng biglang....

" Don't waste your time in here woman, because we all know Mr. De Roux hates your guts. "

Nangiinsulto na naman, nitong banat sa babae, may lilinawin lang po ako, wala po akong naiintindahan sa paguusap nila ha, baka akala niyo bigla akong tumalino, juiceko mga mambabasa nakatunganga lang po ako dito habang nagpapapak ng chichirya, hininhintay ang pagsasabunotan nilang dalawa.

Ayun na nga, nagulat ako ng bigla na lang tumalikod yung babae atsaka walang sabi sabing lumayas, aba! akala ko talaga magsasabunatan na talaga sila, pero halata namang tumiklop yung isa.

Napabuntong hininga si Balerie tsaka inayos ang damit niya, malamang na stress dun sa babae at sigurado akong isa yun sa mga babae ni Bonux. Hindi nako magtataka pa kung sing dami ng mga pagkain sa ref ang mga babae ni Bonux, mga asul na mata pa lang pigtas na panty mo, pero wag lang talaga magsalita ang isang yun, alam niyo namang walang modo ang isang yun. Ok na eh ubod na ng gwapo pero ba't kailangan pang maging salbahe. Hay buhay, sayang talaga ang bantot ng ugali ng hinayupak, kung mabait lang sana yun,malamang wala nakong sinayang na oras at nilandi ko na siya, pero wala eh di ko kinakaya ang ugali niyang mas masahol pa sa nireregla na babae.

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon