Chapter 24:

463 14 2
                                    

SANDY'S POV:

Opo mga mambabasa buhay pa po ako at eto naka tulala parin sa loob kahit pa nakaparada na yung sasakyan, sino ba naman ang hindi matutulala! Sa lakas ba naman magpatakbo ng damuhong to eh aakalain mo hindi ka na masisikatan ng araw. Nakahawak parin ako sa sitbilt ng upuan at parang wala ng plano bumitaw.

Nabalik lang ako sa katinuan ng marinig ko ang boses ng hinayupak na lalaki. Nasa labas na pala siya ng sasakyan.

"Baba"

Bagot nitong mando sakin, agad akong napalingon sa kanya at pinanlisikan siya ng mga mata pero ang gago nagawa pakong ngisihan kahit na halata naman sa itsura kong gusto ko na siyang katayin!

" Bahala ka nga diyan tingnan lang natin kung hindi ka maligaw."

Mapanuyang sabi nito sakin sabay padabog na isinara nag pintuan ng kotse. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang lumabas na rin pero bago mangyari yun ay nagpakawala muna ako ng malulutong na mura sa loob para sana maibsan ang abot langit kong inis pero mas lalo lang akong nabwesit kaya lumabas nako agad.

Aish!! Kung hindi ko lang talaga naiisip ang kahihinatnan nina Tyang at Edmond kapag hindi ko sinunod ang talipandas na yun malamang lumipad nako pa uwi!

Napabuntong hininga ako siguro pagtitiisan ko na lang ang malabasurang pag uugali ng bilyonaryong yun hanggang sa matapos ang problema niya. Kung bakit ba kasi may pa trit trit pa hindi na lang patayin agad ng matapos ang problema! Nadamay pa tuloy ako!

Pabalibag kong isinara ang pintuan na halos ikayanig ng buong sasakya, oo ganun ako ka lakas kaya manahimik na kayo diyan.

Tiningnan ko ng nakakamatay ang nakatalikod na si Bonux, ang sarap niya talaga este ang sarap niya talagang tirisin!!

Hindi nako nagtaka pa ng tutokan ako agad ng baril ni Manong, malamang sa itsura ko ba naman ngayon na parang may balak na masama sa amo niya. Kung alam mo lang manong kung gano ako kagigil patumbahin itong amo mo!

" Babang baril! Este sino ka?"

Biglang napalingon sakin si Bonux agad ko siyang inerapan, nakakainis yung mukha eh!

"Ako po yung tagapagligtas niya."

Bagot kong sabi sabay nguso kay Bonux na nakapikit na sa inis, yan tama lang yan sayo para tabla na tayo!

Bumalik ang tingin ko kay Manong na pabalik balik na pala ang tingin sakin at kay Bonux.

" Kumalma napo kayo Manong at ibaba niyo na yung baril niyo, ka- - - - -"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla na lang akong kaladkarin ni Bonux papasok at palayo kay Manong, at hindi lang po basta hawak ang ginawa niya sa braso ko, piniga niya po iyon na para bang nag pipiga siya ng mga labahin at sa madaling salita nasasaktan na po ako!!!

Hindi nako nakatiis pa't walang sabi sabing siniko ko ang kamay niyang may hawak sa braso ko.

Agad niya na mang nabitawan ang braso ko. Hinipan ko ko yubg braso kong hinawakan niya tsaka pinagpag na para bang may nakakapit na dumi doon.

" Ow! The fuck did you do that?!"

Namimilipit nitong sabi sakin habang hinihimas himas niya yung kamay niya. Binigyan ko lang siya ng ngiting aso. Ginalingan nito ang pagtitig sakin ng nakakamatay, pulang pula na siya sa sobrang galit na kulang na lang ay bugahan niya ko nga apoy.

" Dapat lang yan sayo! Kaya sa susunod wag ko nakong hahawakan! "

Nakasimangot ko ng sabi, nagpakawala lang ito ng marahas na buntong hininga hindi lumampas sa paningin ko ang pag igting ng panga niya habang naka iwas ng tingin sakin , nagtitimpi lang itong bangasan ang mukha ko, naku subukan niya lang hindi ako magdadalawang isip na burahin ang gwapo niyang mukha!

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon