02

1.6K 32 0
                                    

"Sigurado ka ba na mag stay ka sa paris?"tanong ni daddy habang nasa pinto sila ni mommy at pinapanood ako sa pagbabalot ng damit ko,



"Opo, kase kung patuloy lang po akong mag stay dito sa pilipinas ay patuloy lang rin po ako masasaktan dahil maalala ko lang ang ginawang katarantaduhan sa akin ni Arnold kaya better po siguro na lumayo na po muna ako para mabilis po akong maka move on"sabi ko sabay zipper na ng maleta ko at ayos ng sarili ko sa salamin,





Habang nag aayos ng sarili ay hindi ko kinaya na naman nang maisip ang ginawa ni Arnold sa akin na panloloko, natigil ako at nagsimulang humagugol, niyakap ako ni mommy at hinarap sa kanya,



"Cai, huwag ka ng umiyak please"sabi ni mommy, "huwag mong iyakan ang taong wala namang ginawa sa buhay mo kundi bigyan ka ng toxic life, hindi sya worth it na iyakan ng napaka ganda at napaka bait na babae, you deserve someone better and that someone is not him"





"S-sa nine years po naming pagsasama mommy, ang sakit sakit po" pag iyak ko, "binigay ko po lahat sa kanya tapos gagaguhin nya lang po ako? Ang sakit mommy kase nagpakatanga po ako sa kanya"





"Sigurado ka na pupunta ka sa paris?" tanong ni mommy at tumango ako.


"Sure na sure na po and i hope paris will help me to move on from my toxic past"



Paris


Pagdating ko sa paris ay nilanghap ko na ang hangin, naluluha akong naglalakad, bawat hakbang ko ay isang patak rin ng luha ko,



You know the craziest things about love is yung akala mo na para sayo na talaga ang taong nakasama mo ng ilang years, akala mo sya na yung end game mo pero its a prank! Paglalaruan ka ng tadhana na biglang gagawa ng way ang tadhana para mapag hiwalay kayo ng taong nakasama mo ng matagal patungo sa tamang tao para sayo, pinatikim ka lang ng unting kasiyahan at sasaktan ka rin.



Sabi nila iyan ang way patungo sa tamang tao na inilaan sayo ng maykapal pero sino ba iyon? sa eight billion na tao sa mundo, hindi mo matutukoy kung sino sa lahat ng taong nakapaligid sayo ang para sayo, pwedeng French, pwedeng afam o sugar daddy, pwedeng magnanakaw at mamamatay tao at pwede rin pulubi. Ganyan mapaglaro ang tadhana.


Habang naglalakad ay natigil ako sa may tapat ng bench, umupo ako doon at doon pinanood ang mga pamilyang ang saya saya na pumapasyal.




Ganyan sana kami ni Arnold in the future kaso wala, nagloko sya sa akin, mas pinili nya ang lumiko ng landas keysa dumaan sa diretsong daanan papunta sa magandang future namin,



Mahal na mahal ko sya pero bakit naman nya iyon ginawa sa akin? Paulit ulit akong nagtatanong sa sarili ko kung ano ang mali sa akin para tratuhin nya lang ako ng ganito, tratuhin nya ako na parang gago para gawan nya ako ng ganito at sa bestfriend ko pa talaga,




Nang gigitil ako hanggang ngayon dahil sa hindi ko maisip na gagawin nya iyon sa akin, sa nine years naming pagsasama, never kong inisip na magloloko sya sa akin kaya hindi ko sya pinag higpitan at never kong kinuha ang phone nya to check kung may ka- text sya, sobra sobra ang tiwala na ibinigay ko sakanya pero hindi pa pala sapat iyon para hindi nya ako lokohin.




Habang nasa bench ay nakita ko sa harapan ko na may hinangin na polaroid picture, kinuha ko iyon at nakita ang picture ng mag jowa,


Nagsalubong ang kilay ko dahil nakita kong familliar ang lalaki, parang sya yung nakita ko doon sa may bukiran, yung may hawak ng box ng singsing.




Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon