29

412 8 0
                                    


Pagtapos kong maligo ay nakita kong nakikiusap si nikki kay mommy kaya agad akong lumapit sa kanila para maki-osyoso habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya,






"Ano ba iyon?"tanong ko at tumingin sa akin si nikki,






"Ikaw siguro sumulsol kay mommy 'no na hindi ako payagan pag magpa-party ako dito sa bahay natin 'no?!"singhal agad ni nikki kaya nagsalubong ang kilay ko,






"Huh?"tanging naitanong ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi nya, wala naman akong kahit na anong sinasabi kay mommy at isa pa hindi naman ako nag desisyon na hindi sya payagan magpa-party,








"Palibhasa KJ kayong lahat! Mga walang saya sa puso nyo kaya ayaw na ayaw nyong magdala ako ng kaibigan ko dito!"singhal ni nikki,






"Nikki, hindi ka naman pagbabawalan ni mommy na magdala ng kaibigan dito kung alam naman nyang good influence, baka mamaya ay mga bad influence pala iyan kaya ayaw ni mommy dyan"sabi ko at natawang napairap si nikki,






"Nasa legal age na ako ate at mommy tapos natatakot pa rin kayo na magkaroon ako ng bad influence friend? What the fuck!---





"Nikki!"saway ko,







"Napaka-praning nyo kase, ayaw nyo na lang akong hayaan sa gusto kong gawin, masyado kayong problematic at KJ"sabi ni nikki sabay walk out,






"Mommy, sundan ko na muna sya"pag alis ko rin para sundan si nikki, nang maabutan ko sya sa paglalakad ay hinila ko ang braso nya palapit sa akin at inis syang humarap sa akin,







"Bakit na naman ba ate?! Lalayo na ako at sa bahay na lang ako ng kaibigan ko magpa-party tutal selfish kayo e, porket kayo ang nagtayo ng bahay at wala akong ambag sa putanginang bahay na iyan ay hindi nyo ako pinapayagan na mag imbita ng kaibigan!"







"Hindi yun ganoon nikki, hindi sa ayaw namin na mag imbita ka ng kaibigan, ang inaalala lang namin ni mommy na baka hindi mapagkakatiwalaan ang mga kaibigan mo dahil iba na ang panahon ngayon nik"sabi ko at tinaasan nya ako ng kilay sabay tawa,






"Hindi mapagkakatiwalaan? Wow ate, coming from your fucking mouth?!" Singhal nya kaya natigilan ako, "ate, mas mapagkakatiwalaan pa ang mga kaibigan ko keysa sa inyo e, lalo na sayo! Tingin mo, sa tagal mong nawala sa tabi namin, tingin mo buo pa ang tiwala ko sayo?!"



"Bakit hindi?"tanong ko,





"Aba malay ko ba sayo na baka mamaya nag adik ka sa ibang bansa o baka mamaya natuto kang pumatay ng tao, ang problematic mo nung umuwi ka dito, napaka problematic mo na tila naka drugs ka dahil namamaga ang mata mo! Kita pa sa mga mata mo ang puyat, tingin mo buo ang tiwala ko sa pagdating mo dito mula sa ibang bansa?!"singhal ni nikki,



"Nikki, i already explain everything to you! Hindi pa ba valid ang dahilan ko para maibalik ang tiwala mo at awa mo sa akin?!"singhal ko at unti unting pumatak ang luha, "ganyan na ba ang kapatid na pinag aral ko, suwail? Walang galang? Pasinghal kung sumagot at hindi nagtitiwala sa sarili nyang pamilya pero sa ibang tao ang bilis bilis magtiwala?!"






Natigilan sya at napabuntong hininga na lang na umangat ang tingin sa langit,







"Ayaw kong isumbat lahat ng sakrispisyo na ginawa ko sa pamilya natin dahil kusang loob ko iyon ginawa pero sobra ka naman na kase nikki, wala ka ng respeto at utang na loob!" Singhal ko at hindi na sya nakapagsalita, "sinakripisyo ko lahat lahat para mapag tapos lang kayo ng pag aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan tapos sa lahat ng sakripisyo ko, eto lang ang isusukli mo?"




Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon