12

535 14 0
                                    

Habang dito ako naka stay sa apartment ni sixto ay unti unti na akong nagaling, inaalalayan nya ako lagi sa pagtayo at unti unti ko na syang natutulungan sa gawaing bahay, lagi pa ko pa ngang nadadatnan sa may mesa sa may kwarto ko na may paper rings galing sa kanya,


Nakangiti akong hawak iyon at itinatago as a memories, iba't ibang kulay lagi ang ibinibigay nya sa akin.

Pumapasyal rin kami, iniikot ang napakagandang lugar dito sa paris na nakakagaan naman sa kalooban, nakakalimot ako sa mga problema ko sa past dahil mahilig si sixto na libangin ako sa pamamagitan ng pag ikot namin dito sa paris,



Kinabukasan, ako ang nagising ng maaga kaya as a payback ay ako ang nagluto ng almusal para sa kanya at ginawan ko sya ng paper rings, inilagay ko iyon sa tabi nya at bumuntong hiningang tumitig sa kanya,



"Bakit kaya ako binigyan ng panginoon ng tulad mo?"tanong kong nakatitig sa kanya, "para kang anghel na hulog ng langit"






Lumabas na ako ng kwarto nya at naglabas ng magaan na magaang buntong hininga, nakakagaan sa kalooban na mayroong taong katulad ni sixto, nasa kalagitnaan na ako ng magpapakamatay ako pero nakilala ko sya at sya ang parang anghel na lumigtas ng buhay ko at gumabay sa akin patungo sa tamang daan ng buhay ko,




Paggising nya, nakita kong ang lalim ng ngiti nya habang hawak ang paper ring na ginawa ko para sa kanya, tumingin sya sa akin at napangiti,




"Salamat, paggising ko pa lang ginaganahan na ako kase nakaka- motivate yung letter na ibinigay mo sa akin"sabi nyang nakangiti sabay tingin ulit sa papel na kasama ng paper ring, "keep your smile on your face"pagbasa nya doon,




"Narinig na naman kase kita kagabi na naiyak dahil kay jas kaya naisip isip ko na gawin ko rin ang lagi mong ginagawang pagmo-motivate sa akin kaya ayan, salamat naman at na- apprecatie mo"sabi kong nakangiti,






"Syempre ma-appreciate ko 'to dahil ganito rin ang way ko ng panreregalo" sabi nyang nakangiti,


More on kulitan at tawanan kami pag kami ang magkasama, may instance pa na naiiyak kami pag nagke-kwentuhan kami about sa past toxic relationship namin, marami pa ring regret pero mas marami ang pasasalamat dahil sa may tumagal kaming relasyon, 10 years and nine years.

"Kahit para sa akin ay toxic yun ay importante pa rin sa akin iyon dahil kung hindi dahil sa relasyon na iyon ay wala akong mare-realize, na-realize ko na hindi mo dapat pala ibigay ang lahat sa taong iyon kung hindi ka pa naman sure na kayo na talaga hanggang sa huli, dapat balansihin mo ang pagmamahal mo sa taong iyon at sa sarili mo kase minsan pag sobra sobra mong minahal ang isang tao, minsan nakakalimutan mo na rin ang sarili mo."sabi kong nakangiti at bumuntong hiningang tumingala si sixto,



"Ako naman? Ang na-realize ko ay ang huwag masyadong mabait, huwag masyadong mapag bigay at huwag masyadong maintindihin kase inaabuso ng tao ang kabaitan na meron ka katulad ni jas, inabuso nya yung kabaitan ko at pag intindi ko sa kanya ng sobra sobra kaya ayan, napunta sa phase na niloko nya ako"sabi ni sixto, "narealize ko rin na deserve natin ng mas better keysa sa kanila, huwag na tayong magpadala sa ugaling pinapakita nila dahil maraming tao ang kayang magpakitang tao lang, maging mapanuri tayo sa lahat ng bagay na nasa paligid natin at huwag magpa- kampante kase sa huli, ikaw ang kawawa at maiiwan"





"Tama, yung tipong huwag ka kaagad magpadala sa kanila, kung kailangang kilalanin mo muna sila ng matagal ay gawin mo, magpakalakas ka at kung alam mo na yung taong iyon ay sasaktan ka sa huli, huwag ka ng mag take ng risk kase ikaw lang rin ang kawawa at sayang yung pagtake mo ng risk kung maling tao lang naman ang pinaglalaban mo"sabi ko at napangiti sya.




Pumasyal kami ni sixto sa may river malapit sa eiffel, naka tanaw kami doon at dinadama ang hampas ng hangin sa amin,





"Tanong ko lang, deserve ba ng mga tao ng second chance?"random na tanong bigla ni sixto, napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo,





"Bakit mo naman natanong iyan? Sa kalagayan natin, obviously? Hindi nila deserve ng second chance"sabi kong natatawa,



"No, not about our exes but others exes, did they deserve a second chance?" tanong ni sixto at bumuntong hininga ako,




"Depende, kung niloko ka, malamang hindi na no'n deserve ng second chance kase uulit at uulit lang iyan, kung dahil naman sa walang time ay pwede, hindi nyo naman kase kasalanan iyon na nawawalan kayo ng time sa isa't isa basta ibang rason bukod sa cheating at sa pagiging red flag ay deserve ng second chance" sabi ko, "ikaw ba? What's your thought about that?"






"Ako kase hangga't mahal ko pa ay paulit ulit kong bibigyan ng chance, kahit ano pa ang rason ng paghihiwalay namin kung mahal ko pa sya ay patuloy ko pa rin syang bibigyan ng chance, ganoon naman lahat e, kahit alam mo ng masakit ang ginawa nya kung mahal mo pa ay paulit ulit mong bibigyan ng chance hanggang sa ma-fall out of love ka na"sabi nya at nagsalubong ang kilay ko,





"So bakit hindi mo na binigyan ng chance si jas pagtapos ng ginawa nya sayo?"tanong ko at doon na sya nagsimulang lumuha,



"Paano ko bibigyan ng chance kung buntis na sya sa ibang lalaki?" naluluhang nyang sambit kaya natigilan ako,





"T-totoo ba?"tanong ko at tumango syang naluluha,




"Gusto ko sa kanyang bumalik pero nakita ko sa instragram nya na buntis na sya kasama yung lalaking nahuli kong kasama at kahalikan nya, matagal na pala nila akong niloloko at iyon ang dahilan kung bakit naiyak ako kagabi sa loob ng kwarto ko"sabi nya at napabuntong hininga ako,






"Ang sakit naman nyan, makita mong buntis na ang ex mo na gusto mo pang balikan sa ibang lalaki"sabi ko at tumango sya,





"Hindi ko alam pero ang malas ko naman kase nabuntis ang taong pinakamamahal ko sa ibang lalaki, hindi ko alam pero napakasakit dito oh"pagturo nya sa dibdib nya, "ang sakit kase binigay ko naman sa kanya lahat pero.... pero bakit?"






Hinimas ko ang likod nya para pakalmahin at patahanin sya,





"H-hindi ko alam, hindi ko malaman kung ano yung pagkukulang ko para magawa nyang magloko sa akin" pag luha nya at patuloy lang ako sa pag himas sa likod nya para pakalmahin sya,







"Tahan na sixto, kung nandyan na, wala na tayong magagawa, mabuti nga na maaga mo nalaman na nagloko sya keysa yung huli na ang lahat at buntis na sya, saka mo pa nalaman"sabi ko at napabuntong hininga sya,







"Hindi ba ako sapat para maghanap sya ng iba?"tanong nya,





"Kung binigay mo naman ang effort at buo mong pagmamahal sa kanya at kung hindi ka nagkasala sa kanya ng malaki ay masasabi kong sapat ka, kung nagawa mo naman lahat ng iyon ay sana makuntento na sya sayo"sabi ko, "sa aksyon mo ngayon sa akin, nakita ko namang napaka husband material mo at dapat hindi ka na nya pinalitan pa"







Sa sinabi kong iyon ay nagulat ako nang bigla nya akong yakapin, nanatili akong tulala at hindi makagalaw dahil napaka higpit ng yakap nya habang nahagulgol sya.






________________
_________________
:)

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon