03

1.2K 28 0
                                    

Gabi gabi ako naiyak, akala ko hindi na masakit pero masakit pa pala, gina- gaslight ko lang pala ang sarili ko na kaya ko pero hindi pala, hindi ko pala kaya lalo na at ang taong pinagmo- move on-an ko ay ang taong nakasama ko ng nine years,

Habang nag scroll sa may phone ko ay nakita kong may bar pala dito, agad akong nag bihis ng fitted black sando at jeans, nagbaon ako ng jacket para kung sakaling lamigin ako ay may panangga ako.

Pag dating ko dito ay bumuntong hininga ako, hindi ko gawain ang mag party at uminom pero gagawin ko dahil alam kong ito ang way para mabilis ang pag wala ng sakit na binigay sa akin ni Arnold.

Uminom ako nang uminom ng alak, iba't ibang alak ang pinapasok ko sa sikmura ko, iba't ibang tao ang kinakausap ko para mas maging masaya ang party na pinuntahan ko,

Lahat kami ay nagsitilian pag may mga sumasayaw sa harapan namin na random guy, nag iba iba kaming drink at nag pingpong beer rin kami, more on truth or dare at sayawan,

Dahil doon ay nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko, habang nasayaw ako dito ay nakita ko si sixto na nagse- serve ng drink, bartender sya dito?

Kahit pagewang gewang na ang lakad ko at kahit nahihilo at blurred na ang paningin ko ay pinilit kong lumapit sa kanya, nakita ko syang natigilan at pumikit nang dalawang beses na parang minumukhaan ako,

"Cai?"

"Finally nakita na kita"mahilo hilo kong sabi, napunta pa sa punto na muntikan na akong matumba at buti nasambot ako ng stool,


"Lasing ka na Miss, pasundo ka na sa boyfriend mo"sabi nya at natawa ako,

"Anong boyfriend? Wala akong boyfriend, niloko ako no'n" pag upo ko sa stool at nagsalubong ang kilay nya,

"Kailan pa? Binully mo pa ako na kaya ako iniwan ng girlfriend ko ay dahil sa ugali ko tapos ngayon iniwan ka rin pala, now you know kung ano ang pakiramdam ng niloko at sinaktan tapos pinagloloko mo ko"sabi nya at natawa akong naluluha,

"Matagal na akong niloko ng boyfriend ko, kaya nga ako nandito e kase para maka move on sa pang-gagago ng boyfriend ko sa akin" sabi kong naluluha, "ngayong alam mo na naniloko rin ako, bullihin mo rin ako, sabihin mo na pangit, losyang ako at wala ng dating para makabawi ka sa mga sinabi ko sayo kahapon, iyon ang gusto mo diba?"


"What? Kahit ginawa mo naman sa akin iyon ay hindi ko naman iyon sayo gagawin kase alam kong masakit maloko at mahirap maka move on" sabi nya sabay lapit sa akin at upo sa katabi kong stool,


"Deserve ko bang gaguhin ako?"tanong ko, "deserve ko ba yung ganito? Magago?"

"Anong pinagsasabi mo?"tanong nya, "walang deserve maloko okay? Hindi natin deserve na lokohin tayo ng mga jowa natin, choice nila iyon e"

Nagsimula akong humagulgol at patawa tawa pa na tila nababaliw na, sumabay ang sakit at hilo dahil sa kalasingan kaya para akong baliw na iniisip pa rin nang paulit ulit ang ginawa sa akin ni Arnold.



"Ang sakit diba? Binigay ko naman sa kanya lahat, ginawa ko sa kanya lahat at pinagkatiwalaan ko sya ng buo pero bakit nagawa pa rin nya akong lokohin?!"singhal ko,

Natulala rin sya at bumuntong hiningang lumuha, natigil ako sa pag iyak at napatitig sa kanya dahil ang tahimik nyang umiyak,



"Diba sinabi mo na niloko ka ng jowa mo?"tanong ko, dahan dahan syang napatingin sa akin at tumango,

"Oo"pagsagot nya.

"Jasmine ang name nya, yung nakita mo sa polaroid na babae, sya yun" pag kwento nya at naglalakad kami ngayon sa may gilid ng daan, nag papahangin lang at gustong pagkwentuhan kung paano kami ginago ng dati naming karelasyon,

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon