37

352 6 0
                                    

Habang nakain kami ni sixteen ay bigla na lang tumulo out of nowhere ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan para hindi na makita ni sixteen pero huli na pala ang lahat at nakita na nya,

"Is everything okay? Cailen?"tanong nya at ngumiti akong tumango,



"Oo, may naalala lang ako, sorry kase epal yung luha ko, biglang natulo" sabi ko at nagpatuloy sa pagkain habang sya nakatitig at hindi pa itinutuloy ang pagkain.





"Anong naalala mo? Can you share it with me naman"sabi nya at napangiti ako,




"Nami-miss ko lang ang kuya mo, ganito rin kase kami ni kuya mo araw araw sa paris, nakain sa restaurant at same pa kayo ng kamay na ginagamit sa kutsara, kaliwang kamay"sabi ko at napatingin sya doon at natawa ng kaunti,




"Gusto mo kanan ko na lang na kamay ang gamitin ko para hindi mo na maalala si kuya?"biro nya at nang makita nyang seryoso pa rin ang expression ko ay tumigil sya sa pagtawa at itinuloy ang pagkain nya.





"Gusto mo, bumyahe tayo papunta sa paris para makita mo ulit si kuya?" Tanong nya, napaangat ang tingin ko.





"Gusto ko pero huwag na muna dahil may pangako ako sa kanya na babalik ako sa paris nang naka-graduate na at may hawak na diploma"sabi ko,






"Then, punta na lang tayo sa bahay namin ni kuya, marami syang picture doon, pwede mong kunin at gawing display sa bahay nyo para lagi mo syang makita at hindi ka na umiyak" sabi nya, nakita ko ang awkwardness na nararamdaman nya, nagpatuloy sya sa pagkain habang ako ay hindi na lang umimik.



Habang nakain ay biglang may tumugtog na music inside this restaurant, mas lalo kong namiss si sixto at mas lalo akong nasaktan nang marinig ang kantang leaves by ben&ben.


Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Oh you never really love someone until you learn to forgive

Iba ang impact sa akin ng kantang ito dahil ito ang kinakanta ni sixto pag gusto kong ma-relax ang isip ko, ito yung kanta na talagang naiisip ko sya.




Habang nakain ay patuloy rin ang pag patak ng luha ko, umangat ang tingin sa akin ni sixteen at sumalubong ang kilay nya,





Inabutan nya ako ng tissue at ipinwesto nya ang sagabal kong buhok sa likod ng tenga ko bago nya iangat ang mukha ko paharap sa kanya,



"Huwag ka ng umiyak cailen, anong gusto mong gawin?"tanong nya, "pumunta tayo ng enchanted kingdom, gusto mo ba? Para malibang ka"




"May contact ka ba sa kuya mo? Miss na miss ko na kase sya sixteen, gustong gusto ko syang makita o makausap, malaman kung okay ba sya"sabi ko sa kalmado kong boses.




Paglabas namin ng restaurant ay patuloy pa rin sya sa pag contact sa lahat ng contact number na meron sya na konektado kay sixto, sinubukan nyang icontact ang social media ni sixto pero walang kahit na anong sagot, nag tinginan kaming dalawa ni sixteen.




"Hindi pa ata okay si kuya, cai"sabi nya, "lahat naman ng contact na ito ay active dahil bago sya umalis ay ito daw ang gamit nyang mga number para kung sakaling kailangan ko sya"





"Pwede bang puntahan nalang natin ang parents nyo? Can i talk to them?" Tanong ko at tumango syang nakangiti.


Bumyahe kami gamit ang motor papunta sa magulang nila, natigilan na lang ako nang pumasok kami sa may sementeryo,




Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon