04

1K 20 0
                                    

Nasa harap kami ng pagkain ngayon ni sixto, may awkwardness dahil galit sya sa akin dahil inakusahan ko syang may ginawa syang masama sa akin, ending ay wala pala, sadyang paranoid lang talaga ako,




"Sorry sixto, malay ko naman kase na hindi ka ganoong tao, yung nanamantala"sabi ko at napatingin sya sa akin sabay tawa,




"Pagtapos ng nangyari sa amin ng girlfriend ko, tingin mo may time pa ako na gumawa ng masama?"tanong nya at unti unting pumatak ang luha nya, "tingin mo gagawin ko yung kasamaan na ginawa ng girlfriend ko sa akin? Tingin mo demonyo ako?"

Natigilan ako kase nakita ko ang pagpatak ng luha nya at pamumula ng mga mata nya dahil sa sunod sunod na pagpatak ng luha nya,




"Tingin mo pagnanasaan pa kita pagtapos ng nangyari sa akin?! Tinulungan kita kase ayokong mapahamak ka at kung sino sino na lang ang pumulot sayo tapos pag iisipan mo pa ako ng masama? Ang harsh mo cai,"sabi nya, "hindi lahat ng tao ganon, hindi lahat ng lalaki ay masama katulad ng jowa mo"

Napatayo ako dahil nagalit ako at idinabog ang lamesa,


"Huwag mong pagsasalitaan ng masama si arnold! Kahit naging masama naman sya sa akin ay hindi naman nya deserve na masabihan ng harsh na salita!"singhal ko at natawa syang tumayo,




"Oh ngayon, alam mo na ang pakiramdam diba ng sinasabihan ng masasakit na salita, buti nga mild lang iyan e, di tulad ng sinabi mo sa akin noong isang araw na masama ako kaya ako hiniwalayan ng jowa ko"sabi nya, "ilang salita lang iyon pero ang laki ng impact sa akin kase nag overthink ako maghapon na baka tama ka nga, iniwan ako dahil sa ugali ko, inisiip ko na ako ba ang may pagkakamali kaya ako iniwan? O baka naman kase hindi na nya ako tanggap kaya nya ako iniwan"

Natigilan ako at hindi na kinaya ang mga nangyayari ngayon, kinuha ko ang sling bag ko at lumabas na ng apartment nya,



Natigil ako dito sa may poste at dito kumapit, bumuntong hininga at naluha.



Hindi ako ganito, hindi ito si cailen salvador pero bakit ganito na ako ngayon? Hindi ako nanakit ng damdamin ng tao pero nagawa ko.





Maghapon lang ako sa may apartment ko at nakatitig sa picture namin ni arnold, nakasakay ako no'n sa likod nya at pareho kaming naka wacky,


"Almost nine years ko na 'tong wallpaper at ang sakit sakit palitan ng solo picture ko"naluluha kong sambit at nanghihina't nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ang phone ko,


Masyado ko kaseng minahal ang taong ito kahit ramdam ko naman na noon pa na sawa na sya sa akin at nakikita ko ng naakit na sya sa ibang babae pero ako heto si tanga, nagbubulagbulagan lang kase nga mahal ko sya e, wala na akong magagawa kundi pumikit na lang sa tuwing alam kong naakit sya sa iba at sawa na sya sa akin.

Nagtiis na lang kase sya sa akin dahil ako ang provider nya, lahat ng kailangan nya, mapa-motor o kahit ano ay binibili ko para sa kanya kahit medyo gipit na gipit na ako, ang pagpapa- tattoo nya ay ibinigay ko sa kanya kahit hindi ko afford dahil sa mamahaling tattoo ang gusto nya,





Ang vape nya, ako rin ang nag provide kahit nakalista sa budget ko na hindi muna ako bibili ng hindi kailangan pero dahil sa kagustuhan nya at dahil mahal ko sya ay ginawa ko,

Lahat ng gusto nya ay ibinigay ko pero hindi pa ba ako sapat sa kanya para hindi nya ako mahalin at para ipagpalit lang nya ako sa babaeng kayang magpasexy at hindi tulad ko na takot na takot magpasexy dahil sa insecure ako sa katawan ko,

Tumingin ako sa salamin, hindi naman ako mataba, hindi rin naman ako payat ay sakto lang ang katawan ko, may shape naman ako pero bakit nya ako pinapalit.



Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon