41

379 7 0
                                    

"Sixteen? Kilala mo si arnold?"tanong ko at nakita ko na naman ang kaba na hindi maipinta,


"Uh... uh oo kase naging kaklase ko iyan noon e"sabi nya, tumingin ako kay arnold, nakita kong magkasalubong ang kilay nya sabay tingin sa akin,




"Hindi ko matandaan brad, pasensya na"sabi nito, "cai, balik ka na sa akin please"




"Wait, arnold, ayoko na at sixteen mag usap tayo"sabi ko sabay higit sa kanya palabas ng convinience store, hinarap ko sya at bumuntong hininga,


"Ayokong mag isip o mag hinala ng kung ano ano, ayokong isipin na ikaw si sixto dahil malabo pero kase halata na, sixteen. Sino ka ba talaga?"tanong ko,



"Pinakita ko naman na sayo, yung birth certificate ko, sixteen alonzo kaya bakit ka pa magdududa?"tanong nya, "hindi naman ako nagsisinungaling sayo"



"Ang gulo kase sixteen, bakit alam mo yung mga bagay na kay sixto ko lang ikinekwento? Paano?"tanong ko at bumuntong hininga sya,


"Baka nagkakataon lang, pero hindi talaga ako ang inaakala mo"sabi nya at nag walk out na ako.







Nakatingin ako sa bintana ng kwarto ko, iniisip at nag hihinala na dahil sa bawat kilos ni sixteen ay mararamdaman mo talagang para syang si sixto.





Kinuha ko ang jacket ko at sinuot iyon, pupunta ako sa bahay ni sixteen para alamin ang katotohanan, hindi ako papayag na hindi ko malaman ang totoo, saka na ako titigil ng kakahinala sa kanya pag napatunayan kong totoo syang si sixteen alonzo.








Kahit hating gabi na ay pinilit kong pumunta doon, pag tigil ko sa tapat ng bahay nya ay bumuntong hininga akong napahawak sa dibdib ko, hindi kaya ako mapahamak sa gagawin kong pag tuklas ng katotohanan kay sixteen?






Dahan dahan akong kumatok sa bahay nya, wala pang ilang minuto ay binuksan na nya iyon. Nakita ko syang nakatapis ng tuwalya sa ibaba nya at nagpupunas ng buhok nya. Namilog pa nga ang mata nya nang makita nya ako,






"Hating gabi na, bakit ka pa nandito cailen? Dapat natutulog ka na dahil may pasok pa tayo bukas"sabi nya at bumuntong hininga ako, nag iisip ng ipapalusot.







"Nagkatampuhan kami ng pamilya ko, pwede bang makitulog?"tanong ko at nagsalubong ang kilay nya,






"Sigurado ka ba? Tayong dalawa lang, baka magkaroon ng malisya sa ibang tao dahil tayong dala--- tinakpan ko ang bibig nya at ngumisi,






"Wala iyan, hindi mo naman ako diba gagalawin pag tulog ako?"sabi ko at napalunok sya.





Kung paano kabahan si sixto ay ganoon rin si sixteen, grabe naman ang magkakambal na 'to kung lahat sa kanila ay pareho.





"Magbihis lang ako tapos tuturo ko na sayo ang tulugan mo"sabi nya at papasok na ng kwarto nang tawagin ko sya ulit,






"Pwede bang dyan na lang ako sa loob ng kwarto mo matulog?"tanong ko sabay lapit sa kanya at hawak sa braso nya, parehong pareho sila ni sixto ng katawan, yung laki ng bicep ay katulad ng kay sixto.







"Uh..."binitaw nya ang kamay ko sa pagkakahawak sa bicep nya at napalunok sya, "don't worry, maayos naman ang guess room ko"






"Pero sixteen, gusto ko kase sa room mo, mukhang malamig"sabi kong nakangiti, tumitig sya sa mga labi ko at napalunok, "doon ka na lang sa guess room, dito na lang ako sa kwarto mo"






"B-bakit? Ang random mo naman cai" sabi nya at hinawakan ko sya sa pisngi,






"Akala ko ba gusto mo ako? Dapat kung gusto mo ako ay gagawin mo lahat at ibibigay mo ang lahat ng gusto ko" sabi ko at nakita ko ang kaba nya,






"S-sige cai, basta ikaw"sabi nya at ngumiti ako sabay bitaw sa kanya,






"Sige na sixteen, magbihis ka na"sabi ko at tumango sya, pagtalikod nya ay may nakita akong taling sa gitna ng likod nya, pareho sila ni sixto.






Bumalik sya at pagbalik nya ay agaran nya akong inalok ng kape, hindi naman ako tumanggi, napahaba nga ang kwento naming dalawa, mas nauto ko sya at naalis sa isip nya ang pag hihinala nya na pinaghihinalaan ko sya.







"Natutuwa nga ako dahil biglaan ang pagpunta mo dito"sabi nya at ngumiti ako,







"Ikaw lang kase ang malapit kong kaibigan sixteen kaya dito ako dumiretso para may matulugan, gabi na rin kase e"sabi ko at tumango tango sya,







"Naka aircon yung room ko, pag nilamig ka, hinaan mo na lang huh" sabi nya at tumango ako,





"Pwede na bang matulog na tayo?" Tanong ko at ngumiti syang tumango, ako na sana ang tatayo nang unahan nya ako,






"May iimisin lang ako---- pinigilan ko sya sa pamamagitan ng pag hawak ko sa kamay nya,







"Huwag mo ng imisin, hindi naman ako mangengealam ng gamit mo dahil makikitulog lang ako"sabi kong nakangisi at tumango tango sya na parang kinakabahan at dismayado.







Pumasok na ako sa kwarto nya, nakita kong ang dami dami nyang drawer dito kaya hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa, sumilip muna ako sa pinto ng kwarto nya at tiningnan kung nakapasok na sya sa kwarto, nakita kong ni-lock na nya iyon at nakapatay na ang lahat ng ilaw sa labas ng kwarto kaya sinarado ko na rin ang pinto ng kwarto.






Nagsimula akong tumingin sa paligid at binuksan ang unang cabinet, puro mga damit ang ibang drawer, nahirapan ako sa paghahanap dahil kahit puro damit lang ang nandoon ay hinalungkat ko pa rin iyon dahil baka mamaya ay nasa ilalim lang ang proof na hinahanap ko na sya si sixto at hindi si sixteen.







"Kailangan kong malaman ang totoo dahil hindi ako patutulugin ng instinct ko pag wala akong napatunayan" bulong ko habang naghahalungkat.




Bigo ako sa isang drawer kaya tumingin ako sa last na drawer na hindi ko pa nabubuksan, bumuntong hininga akong pumunta doon at binuksan, lumaki ang ngiti ko nang makita ang dapat kong hanapin.






"Finally, nakita na kita"pag bulong ko sabay kuha ng papeles. Hinanap ko ang pangalan na nigel sixto alonzo sa birth certificate, sa ID nya doon o maging sa iba pa nyang papeles, maging sa report card nya ay sixteen alonzo ang nakalagay.




Napaupo na lang ako sa sahig nang manghina ang tuhod ko,




"T-totoo palang si sixteen ka" pag bulong ko habang hawak ang birth certificate nya, nakita ko ang pag ikot ng door knob at nambilog ang mata ko.






Paktay







_____________________
_________________________
:)

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon