28

389 9 0
                                    

Makalipas ang ilang araw na pagpapahinga ko kasama ang pamilya ko dito sa pilipinas ay hindi na ako nagpa-tumpik tumpik pa at nag enroll na agad ako sa may university para kumuha ng kursong doctor.


Ayan ang pangarap ko noon kaya habang may pambayad ako ng tuition ko ay patuloy akong mag aaral at aabutin ang pangarap ko para makauwi ako kay sixto nang may diploma.

Pinag-take ako ng university ng exam para makita nila kung karapat dapat ba akong maipasok nila sa university kaya ginawa kong mag exam.

Wala pa akong knowledge about sa exam na nandito, natulala nga ako dahil hindi ko alam na may exam pa palang kukunin, what if hindi ko 'to maipasa?


Haba ng exam na ito tapos wala pang choices kaya medyo kinakabahan pero nang dahil sa desidido talaga ako na mag aral at makapagtapos ay nagawa ko itong matapos nang ilang minuto lang, basta may inspirasyon ka parang hasa mo na ang pagsagot ng isang bagay na hindi mo naman alam kung ano ba talaga ang sagot.

"Hi"

Napaangat ang tingin ko sa bumati sa akin at laking gulat ko at muntik pa nga mapaatras sa gulat dahil ang bumati sa akin ay kamukhang kamukha ni sixto,

"S-sixto?"gulat kong tanong at nagsalubong ang kilay nya,


"Sixto? Sorry hindi po ako yun, do you have any extra ballpen miss? Mag sasagot rin po ako ng exam e"sabi nya at dahan dahan akong napailing at napatango syang lumayo at sa iba nanghiram ng ballpen.



Dahil sa nakita ko ay tila hindi na maipinta ang hitsura ko dahil kamukhang kamukha sya ni sixto, hindi kaya si sixto sya at umuwi na sya ng pinas?


Pinasa ko na agad ang exam ko at tinitigan ulit ang lalaki na ngayo'y may kausap na lalaki, lumapit ako ng unti sa direksyon nya at gulat na gulat.


"Sana nga pasa ako pare, hirap pa naman iyon"tawang sabi ng kamukha ni sixto at mabilis rin silang umalis, hindi ko alam kung bakit magkamukha sila ni sixto,



Nanaginip ba ako o guniguni ko lang iyon, dala lang ng pagkamiss ko kay sixto o talagang may kamukha si sixto.



Agad kong dinukot ang phone ko para i-contact ang lola at lolo ni sixto nang may humawak sa may siko ko, napalingon ako at iyon ay ang mag interview sa akin.



"Ma'am, mag simula na po yung interview po namin sa inyo"sabi nya at dahan dahan na akong sumunod sa babae nang hindi pa rin naalis ang tingin sa lalaking kamukha ni sixto.



Gusto ko ulit makita ang kamukha ni sixto at siguraduhin kong sya ba iyon o baka guni guni ko lang, dala ng pagkamiss ko kay sixto.


"Are you ready miss salvador?"nabalik ako sa katinuan nang marinig ko na ang boses ng mag interview sa akin, napasulyap pa ulit ako sa labas at hindi ko na alam kung saan ulit makikita ang lalaki.


"Miss salvador, what inspired you to take the course bachelor of medicine?" Panimulang tanong ng interviewer, wala akong idea dahil ang tanging nasa isipan ko lang ay gusto ko ang kursong ito at ito ang pangarap ko mula nung bata pa ako,

Pero hindi naman pwedeng iyon ang isagot ko dahil baka mamaya ay mawalan na ako ng chance na makapasok sa unibersidad na ito kaya nag isip ako ng mas clear at may sense na sagot,

"I have always had a passion for helping others and making a positive impact on people's live. The field of medicine allows me to combine my interest in science with my desire to serve others"sagot ko at napangiti ang interviewer, hindi ko alam kung tama ba sagot ko at hindi ko alam kung natatawa sya sa wrong grammar ko o natutuwa sya sa sagot ko na hindi ko malaman kung tama ba o mali.

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon