18

446 15 0
                                    


Nagpasko ako dito sa paris nang malungkot, mag isa dahil si alexa ay umuwi ng pilipinas para makapiling ang pamilya nya samantalang ako dito sa paris ay hindi pa rin makauwi dahil ayoko pa, hindj pa ako handa na umuwi dahil ayokong bumalik na makita ako ng mga kapatid at pamilya kong hinang hina dahil lalaitin na naman ako ng kapatid ko,







Habang nandito sa may loob ay narinig ko ang katok na mula sa pinto, tumingin muna ako sa may bintana at nakitang may nag iwan ng bouqet at regalo sa may labas ng pinto, nakita kong may papalayong lalaki, si sixto iyon.






Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita kong may letter sa may bouqet,



Merry Christmas, i hope you enjoy your christmas without me:)

-sixto

Napabuntong hininga akong pinilas ang letter at itinapon ang mga regalong ibinigay nya sa akin, hindi ko dapat itong tanggapin dahil lalo akong hindi makaka move on kung patuloy akong tatanggap ng regalo mula sa kanya.


Habang tinatapon ko ang regalo na ibinigay nya sa akin ay natanaw ko sya sa malayo, naka coat sya, naka bonet at nasa loob ng bulsa ng coat nya ang dalawa nyang kamay habang nakatanaw sa akin,

Napayuko ako at natigil sa ginagawa ko, nakokonsensya ako dahil kita ko sa mga mata nya ang luha habang nakatigil sa malayo na parang bato.





Para hindi na ako makonsensya ay tinalikuran ko na sya pero natigil rin sa mga salitang ibinato nya sa akin,





"Ayan ba ang magpapagaan sa kalooban mo?"tanong nya na parang walang reaksyon,


Dahan dahan akong napalingon at nakita ang nagmumugto nyang mata,




"Hindi pa ba sapat lahat ng binibigay ko sayong pagmamahal para hindi mo ko pansinin at itapon lahat ng binibigay ko?"tanong nya,






"Hindi ko naman kase sinabing bigyan mo ko ng ganyan karaming regalo" sabi ko, "hindi ko kailangan ng mga iyan kaya tinatapon ko na"







"Masaya ba sa pakiramdam na paulit ulit akong saktan?"






"Sino ba kase may sabi sayong mahalin ako sixto? Wala naman diba? Masasaktan ka talaga dahil minamahal mo ang taong hindi ka naman mahal" sabi ko,








"Puso ko ang may sabi na mahalin ka, hindi mo ba napansin na kahit masakit na o nasasaktan na akong mahalin ka ay patuloy pa rin ako sa pagmamahal sa iyo dahil sinasabi ng puso ko na kahit masakit na ay mahalin pa rin kita"sabi nyang naluluha,








"Tanga ka sixto kase nakikita mo naman na sinasaktan na kita tapos pinagpapatuloy mo pa rin ang pagmamahal na iyan sa akin? Dapat iniiwan mo na ako, dapat naghahanap ka na ng iba kase kung patuloy mo akong mamahalin ay patuloy ka lang masasaktan"sabi ko at umiling sya,






"Hindi, kase mahal kita e, pag mahal ko ang isang tao kahit gaano kasakit man mahalin ang katulad mo ay hindi ako susuko, patuloy pa rin kitang mamahalin hanggang sa mahalin mo ako pabalik"sabi nya natawa ako,







"Nagpapakatanga ka na lang talaga e 'no? Itigil mo na iyan sixto kase hindi ko naman na masusuklian iyan, lahat ng bouqet o ano mang pinapadala mo sa akin ay sayang lang dahil wala naman sa aking halaga lahat ng iyan e" sabi ko.





Pag pasok ko sa loob ng bahay ay umiyak ako, sinasabi ko lahat ng masasakit na salitang iyon para lubayan na nya ako, ayoko na ulit syang makita, para maghanap na sya ng iba at para ma-realize nya na kailangan na nyang itigil ang pag pursue sa akin.








Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon