EPILOGUE

929 12 2
                                    

"Oh love?"pag lapit nya sa akin dito sa may living room, nakakalat lahat ng notes at libro ko, bukas na ang finals namin at kinakabahan na ako dahil palapit na nang palapit ang graduation namin, mag take pa ako ng board exam after no'n kaya kailangan kong mag pursige pa lalo sa pag aaral,



"Bukas na kase ang finals namin kaya kailangan kong mag review ng todo" sabi ko at bumuntong hininga syang hinawakan ang kamay ko,


"Tara, samahan at tulungan kitang mag review"

"Huwag na love, kaya ko naman"



"No, i won't let my girlfriend alone, sabi ko nga kahit saan dapat magkasama tayo at nagtutulungan"sabi nya sabay hawak sa pisngi ko, "tutulungan kitang mag review para makapasa ka sa finals"





Kinabukasan, nag prepare na ako, nakatingin ako ngayon sa salamin na parang may dismayadong expression,



"Tingin mo ba sixto, mapapasa ko ang finals?"tanong ko sabay tingin sa kanya, natigil sya sa pagluluto, hinubad nya ang apron nya sabay lapit sa akin, niyakap nya ako mula sa likod at narinig ko ang pag ngiti nya,





"Alam kong kaya mo iyan, naniniwala ako na mapapasa mo iyan"sabi nya at doon ako ginanahan.



"Kain ka ng marami para marami kang enerhiya sa pagpasok sa university" sabi nya habang nakain kami ng almusal,



"Huwag masyado, baka tumaba ako" sambit ko at natigil ako sa pagkain nang hawakan nya ang kamay ko,




"Huwag kang mag alinlangan na tumaba ka, sinabi ko naman sayo na hindi kita ipagpapalit kahit maging ano ka man, wala akong pake kung dumoble pa ang size mo o kung ano man ang mangyari sa mukha mo, tatanggapin pa rin kita kase mahal kita"sabi nya at unti unti akong ngumiti,





"Baka sinasabi mo lang iyan dahil inlove ka pa sa akin ngayon, masasabi mo pa kaya iyan kung na fell out of love ka na sa akin?"tanong ko at napalunok syang bumuntong hininga,




"Hindi ko 'to sasabihin kung hindi ako sigurado sayo, tingin mo ba pagtapos ng nangyari sa akin? Lolokohin pa kita?"tanong nya, "mahal na mahal kita cai, hindi ko maisip ang sarili ko kung wala akong ikaw, saan na lang ako pupulutin sa paris kung hindi ikaw ang makakatuluyan ko"





"Para akong basura sa paris noon at ikaw ang taong pumulot sa akin,  binago mo ako at hinilom mo lahat ng sugat na natamo ko mula sa pag apak ng mga tao sa akin. Ikaw gumawa lahat kaya ako ito ngayon, buhay na buhay kaya bakit ko ipagpapalit ang babaeng nagsakripisyo sa akin sa babaeng hindi naman nag sakripisyo para sa akin" sabi nya, "hindi ko gagawin ang ginawa ng ex mo"




"Ayoko na kaseng umabot pa tayo ng 12 years or 11 years bago natin mapagtanto na hindi pala tayo ang para sa isa't isa, kaya sabihin mo na lang sa akin pag ayaw mo na, bibitaw na ako para hindi na ako masaktan pa ng malala"sabi ko at umiling iling sya,







"Naniwala ako noon sa quotes na, pinagtagpo pero hindi tinadhana, hindi pala iyon totoo dahil tayo mismong mga tao ang gagawa ng sarili nating kapalaran"sabi nya at nagsalubong ang kilay ko,




"Huh?"



"Pag nagtagpo ang dalawang tao, kung gusto talaga nila ang isa't isa, gagawin nila ang lahat para tumibay ito"sabi nya at kinuha nya ang lighter, binuksan nya iyon at hinawakan nya ang kamay ko, "halimbawa tayo iyon at itong lighter ang nagsisilbi nating love, nagpapalitan tayo ng pagmamahal pero once na napagod na ang isa sa kakasindi nitong lighter, bibitawan na nya iyon pero kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit gaano ka pa kapagod? Never mong papatayin ang apoy ng inyong pagmamahal and that's how love works"




Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon