SPECIAL CHAPTER

81 2 0
                                    

Last breath

Pagkalipas ng limang taon, Me and Sixto are married and living our best life na, nagpapasalamat ako dahil umabot kami ng taon nang walang toxic sa paligid, doon namin napagtanto na ang kailangan lang pala namin ay ang isa't isa para makabangon at magkaroon ng healthy relationship.


"Hindi ko akalain na aabot tayo ng ganito katagal"sabi ni Sixto habang nakatingin sya sa kawalan habang ako ay nakatitig lamang sa kanya habang nakangiti,



"H-hindi ko akalain na ikinasal na ako sa lalaking pinangarap kong makasama sa habang buhay"sabi kong nakangiti at hindi mapigilang hindi maluha, "ang challenging man ng naging journey natin para makasama ang isa't isa pero hindi iyon naging hadlang para hindi tayo mag sama"



Tumingin sya sa akin at nakita ko ang ngiti nya, hinawakan nya ang kamay ko at bumuntong hininga syang hinawakan ang pisngi ko,




"Thank you for staying and i love you so much, Cailen"sabi nya at niyakap nya ako, "promise ko na hindi na ako maghahanap ng iba, magkakaroon lang ako ng babae pag babae na ang anak natin"



Ngumiti ako at naluluhang hindi napigilang mayakap sya ng mahigpit.



Lahat iyon ay pinangarap ko pero hindi ko naman ineexpect na ang makakatupad pala ng pangarap ko ay si Sixto, napaka- challenging man ng buhay ko sa past, nagpapasalamat naman ako dahil ngayong future ay feel ko na makakapag pahinga na ako sa bisig ng taong mahal ko nang walang iniisip na kahit na ano o kahit toxic na mga tao ay wala na, lahat na sila naglaho.




Ngayon ko napagtanto na tama pala yung ginagawa ni God sa buhay ko, nagtatanggal sya ng mga bagay bagay sa buhay ko para makagaan gaan ang loob ko, kusa na nyang nilayo ang mga toxic na tao para mabilis kong matagpuan ang para sa akin. Kahit pala napakasakit ng past ko o mga nangyari sa akin, nabawi naman dahil mayroon na akong taong talagang mamahalin ako at ang definition ko ng TRUE LOVE.



"Love? May property ako na nahanap, pwedeng iyon ang pagtayuan natin ng mansion natin"



Salubong nya sa akin pagpasok ng bahay, niyakap at hinawakan ko sya sa pisngi habang sya ay nakahawak lang sa waist ko habang nakangiting pinagpapawisan ang noo.



"You sure na bibili tayo ng property using your money lang? I have my own money, pwede tayong mag ambagan para hindi ka naman lugi----




"My money is your money, your money is yours. Mag asawa na tayo kaya lahat ng mayroon ako ay pagmamay- ari mo na rin, Cailen"sabi niya sabay hawak sa pisngi ko, "lahat ng paghihirap ko na maabot at pera ko ay sayo na din, lahat ng mayroon ako ay sayo na dahil mag asawa na tayo. You're Mrs Alonzo, right?"




Doon tumulo ang luha ko, sakanya ko na pala mararanasan na inaangkin nya ako bilang asawa nya, makakasama nya talaga sa habang buhay, bilang katuwang nya sa lahat, bilang isang Mrs. Alonzo na.





"Oo, Mrs Alonzo na nga ako pero iniisip ko pa din at natatakot pa din ako na sabihin yung gusto ko na mangyari, natatakot pa din ako na angkinin ka bilang asawa ko, sabihin na lahat ng pag aari mo ay parang sa akin na din, natatakot ako na ikaw lang ang gumastos sa ating dalawa, sa mga pangarap natin, at syempre, natatakot ako na maranasan ko yung mabilangan" naluluhang sambit ko, "mabilangan na "sa akin naman 'to kaya wala kang karapatan dito" ayoko ng maranasan iyon kaya nagpapasalamat ako na dumating ka, Sixto"





"Ano ka ba naman, lahat ng property na binibili ko, lahat ng bahay na mayroon tayo maging kontrata ng negosyo natin, sayo ko ipinangalan" sabi nya at natigilan ako, doon tumigil ang luha ko at ang pagtibok ng puso ko, "sayo ko ipinangalan lahat para kung akalain mong nagloloko ako at hiwalayan mo ako, maiiwan mo akong walang wala, ayun yung assurance ko sayo na hindi kita lolokohin, Cailen"




Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon