45

663 4 0
                                    

Ang pagbabago sa aming dalawa ni sixto ay malaki, nagpa-drop out na sya sa university dahil ang enroll nya doon ay bilang si sixteen at hindi si sixto, nag sayang sya ng malaking pera pang tuition sa university doon para mabantayan lang pala ako.






Napunta pa rin naman sya sa may bahay namin kahit hindi ko sya masyadong pinapansin, dinadalhan nya ako ng bulaklak kahit paulit ulit ko lang iyon tinatapon, nilulutuan nya pa rin ako ng pagkain kahit alam nyang binibigay ko ang niluto nyang pagkain sa iba at pilit nya pa rin akong inaabangan sa gate ng university para sunduin kahit alam nyang hindi ako sasama sa kanya.








Masama pa rin ang loob ko sa kanya pagtapos ng mga ginawa nya, may trauma na ako sa mga panloloko kaya hindi madali sa akin para patawarin sya ng gano'n gano'n lang,







"Hatid na kita, cai"pag salubong nya sa akin sa gate ng bahay namin,







"Huwag na, sasakay na lang ako ng jeep"sabi ko at nilampasan ko na sya.









Mahal na mahal ko si sixto pero hindi ganoon kadali para sa akin na patawarin sya dahil sa pinag mukha nya akong tanga, nag pupursige ako sa pag aaral at araw araw akong naiyak para sa kanya at dahil miss ko na sya tapos malalaman ko na nasa tabi ko lang pala sya?







Pinupuntahan pa nya ako lagi sa library kung saan lagi akong nagre- review, alam kong iisa lang si sixteen at sixto pero bakit ganoon? Namimiss ko si sixteen na lagi kong kasama, bakit parang ang laki laki ng impact sa akin nung malaman kong si sixto lang pala si sixteen at hindi ko talaga nakilala ang totoong sixteen alonzo.








Parang miss na miss ko na si sixteen, parang araw araw akong nasasaktan pag naaalala kong hindi pala totoo si sixteen, parang.... parang ang sakit sakit sa dibdib na hindi ko na sya kasama sa araw araw.








Bakit hindi ko matanggap na si sixteen ay si sixto, bakit parang iba yung impact sa akin ni sixteen keysa kay sixto? Dahil ba sa mas matagal kong nakasama si sixteen kaya namimiss ko sya? O baka dahil sa vibes na gustong gusto ko kay sixteen pag kasama ko sya.








Pagbaba ko ng hagdan ay natigil ako sa pasilyo kung saan lagi kaming sabay ni sixteen maglakad,








Uy pansinin mo naman ako

Sama ako sa library





Ayun ang boses ni sixteen na naririnig ko kada nakakadaan ako sa pasilyo na ito, dati si sixto ang iniiyakan ko pero bakit nung malaman ko na hindi pala totoo si sixteen ay naiiyak na ako, si sixto pa rin naman si sixteen pero bakit parang iba na yung nararamdaman ko? Bakit namimiss ko ang taong hindi naman na pala nag eexist? Bakit ko namimiss yung taong hindi ko naman pala talaga nakasama at boyfriend ko lang pala din iyon.







Dapat nga maging masaya pa ako dahil si sixteen at sixto ay iisa pero bakit parang hindi, bakit parang sobra ang sakit na nararamdaman ko kada maalala ko na hindi na pala nag exist si sixteen at matagal na pala syang patay?







"Hindi ko lang po matanggap na iisa lang si sixto at sixteen, namimiss ko na po si sixteen"sabi kong naluluha habang yakap yakap si mommy, pag uwi ko ay ayun agad ang ginawa ko, ang yakapin si mommy para mawala ang bigat ng pakiramdam ko.






"Balikan mo si sixto, sya ang nag exist ibig sabihin sya lang rin ang taong makakapag paramdam sayo ng pagmamahal na binibigay sayo ni sixteen dahil sya at si sixteen ay iisa lang kaya sya lang ang tanging makakapag bigay sayo ng pagmamahal na iyon"sabi ni mommy, tumingin ako sa kanya at ngumiti.







Pinagpatuloy ko ang pag aaral ko at patuloy naman si sixto sa pagpapadala ng mga bulaklak at gifts sa akin pero ang kinaibahan ko lang ay tinatanggap ko na iyon,




"Goodmorning po, madam ko"pag salubong nya sa akin sa labas ng gate namin, ngumiti ako at bumuntong hininga,


"Goodmorning po, prinsipe ko" sabi ko at nakita ko ang ngiti nya,


Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya, nakita kong may paper bag doon ng jollibee at starbucks, may isang maliit pa na box ng kwintas.


Pagpasok nya ng kotse ay umangat ang tingin ko sa kanya, nakasuot sya ng white polo at cream trouser, napaka pogi nya lagi at mukhang expensive.







Nang makita ko na naman ang maliwanag nyang mukha ay tumigil na naman ang mundo ko, nainlove na naman ako at hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko pagtapos ko syang makita na naman,





Those smiles, those eyes and that nose. Nakakamelt ng puso, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko that time nang masilayan at matitigan ko ulit sya ng matagal.





I don't know kung si sixteen ba ito o si sixto ang kaharap ko pero kahit sino man ang kaharap kong ito ay wala akong pakealam basta kasama ko na sya, matagal akong nangulila sa kanya kaya susulitin ko na ang panahon na kasama sya,





"I bought this necklace for you"sabi nya sabay bukas ng box.


Silver iyon at may pendant na heart, naka- ukit sa heart na iyon ang pangalan ko, umangat ang tingin ko sa kanya na tila hindi makapaniwala,






"Sure ka na bibigyan mo ako ng ganito?"tanong ko at tumango sya,





"Everything for my love, binibini at reyna ko"sabi nya at napangiti ako, hindi pa nya nasusuot sa akin ang kwintas pero inunahan ko na sya ng yakap.







Minsan pag nakaupo kami sa bench dito sa may parke ay naabutan ko syang umiiyak, pag tinatanong ko sya ay lagi nyang hinahawakan ang kamay ko,






"May problema ba tayo?"tanong ko at bumuntong hininga sya,





"Wala, thankful lang kase ako na dumating ka sa buhay ko, sobra akong thankful na nakilala kita, minsan iniisip ko, ang dami kong kasalanan pero nagawa pa rin ng panginoon na bigyan nya ako ng katulad mo"sabi nya at ngumiti ako, hindi ko napigilang hindi maluha, lahat ng salitang sinabi nya ay nakakaantig sa puso ko,








"Hayaan mo, susunod, susuutan na kita ng singsing, abutin mo muna lahat ng pangarap mo saka kita pakakasalan" sabi nya at hinawakan ko ang isa nyang kamay,







"Pwede namang sabay nating abutin ang mga pangarap natin diba? Basta walang magloloko lang sa ating dalawa magagawa nating maging successful" sabi kong nakangiti,






Hinawakan nya ang pisngi ko at hinalikan nya ako sa noo ko, nilapit nya ang mukha nya sa akin at unti unting nag dikit ang mga labi namin, this is my first time kissing him and our first kiss happen under the sunset.









_____________________
___________________________
:)

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon