14

509 9 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?"galit na tanong ko at umayos sya ng tindig,

"Buti naman at nahanap na kita"sabi nya at tinaasan ko sya ng kilay,

"Kamalasan naman na nahanap mo ko, sixto please? Pwede bang layuan mo na ako?"paglampas ko sa kanya pero patuloy pa rin sya sa pag sunod sa akin,

"Bakit naman?"tanong nya habang nasunod sa yapak ko,

"Diba gusto mong wala na ako? Para wala ng pipigil sayo diba? Lumayo na ako kaya bakit mo pa ako hinahanap?" tanong kong galit at napipikon na,



"Cai naman, matagal na iyon, patawarin mo naman ako"patuloy sya sa pagsunod sa akin habang ako ay busy sa pag aasikaso sa mga costumer,

"Sixto, huwag kang gumawa ng eksena dito, umalis ka na kundi ako ang malilintikan ng boss ko"pag banta ko sa kanya,



"Pero kase---

"Walang pero pero sixto, umalis ka na, kung gusto mong patawarin kita, susundin mo ang gusto ko'"pagdilat ng mata ko sa kanya, dahan dahan syang bumuntong hininga at napatango sabay alis na palabas ng restaurant.

Napapasok ako sa staff room at napasandal sa pader sabay buntong hininga,

"Ayun na ba si paris boy?"tanong ni alexa at dahan dahan akong tumango habang sya ay tumili,

"O My Fucking God! Ang pogi nya"

"Shush, huwag ka ngang mag mura, baka marinig ka ni sir, mamisinterpret" sabi ko at bumuntong hininga syang nanginginig sa kilig,

"Tangina kase girl, ang pogi nya tapos ang ganda mo, may chemistry kayo!" pagtili nya at nagsalubong ang kilay ko,


"Kahit ba may chemistry kami kung masasaktan rin ako ay huwag na lang"

"Girl lahat naman ng love ay may consequences so accept mo na sya, pogi sya tapos maganda ka, sayang kayo, sige ka makahanap pa yun ng iba" sabi ni alexa,

"Hayaan mo na syang maghanap ng iba para naman mapayapa na ang buhay ko"pag buntong hininga ako,

"Asus, alam kong masasaktan ka kase may feelings ka na sa kanya tapos makikita mo sya sa daan na may kasamang iba, awts, girl mas masakit iyon"sabi nya at natigilan ako.




Hindi ko alam sa sarili ko kung na- attach na ba ako ng tuluyan kay sixto o isip ko lang iyon na mahal ko na sya?

Saglit lang kami nagsama kaya napaka impossibleng maramdaman ko kaagad na mahal ko na sya kaya todo ako tanggi sa nararamdaman ko ngayon pag nandyan sya sa tabi ko,

Nilalayuan ko na rin sya dahil baka totoong mahal ko na sya, hindi kase normal para sa akin ang nararamdaman kong nami-miss ko sya dahil sa strangers lang naman sya, stranger na tumulong lang sa akin at wala ng iba,



Once a stranger, always a stranger, ayoko ng may mabuo pa akong feelings sa kanya dahil ayoko ng masaktan, ayoko na ulit sumugal sa pag ibig pagtapos ng break up ko sa nine years kong nakasama.



Masarap magmahal, totoo naman iyon pero ayoko na dahil ang nine years nga naming pagsasama ng boyfriend ko ay naputol, iyon pa kayang pagmamahal ko kay sixto na nararamdaman kong saglitan lang 'to.





"Uy cailen? Ayos ka lang?"

Nabalik ako sa katinuan nang kulbitin na ako ni alexa,




"Uh sorry"

"Sino ba iniisip mo? Yung ex mong manloloko o si paris boy?"tanong nya at bumuntong hininga ako,



"Si paris boy, iniisip ko at hinihiling ko na sana ay hindi na lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya dahil takot na ulit akong maloko"sabi ko,




"Hindi naman masama kung mag try ka ulit diba? Try mo lang then let see kung mag work"sabi ni alexa at umiling ako,




"Hindi na, nahirapan nga akong mag move on sa past kong relasyon tapos dadagdagan ko pa ang sakit na nararamdaman ko?"




"Malay mo naman diba na mag work at malay mo naman na sya na ang tamang tao para sayo, baka isang pagsubok lang iyang ex mo para marami kang ma-realize sa buhay mo pero malay mo si paris boy na ang para sayo"sabi ni alexa at bumuntong hininga ako,





"Tingnan natin kung sya na talaga ang para sa akin, kung talagang mahal nya ako, hihintayin nya kung kailan ako magiging handa sa relasyon"sabi ko,




Tingnan natin kung kakayanin mo sixto na mag antay sa akin ng matagal, tingnan natin kung susuko ka ba agad o mag stay.


Naniniwala kase ako na ang taong para sayo talaga o itinadhana para sayo ay ang mga taong nag stay sa tabi mo kahit hindi ka pa handa sa pag ibig ay patuloy silang mag aantay kahit gaano pa iyan katagal.


Makalipas ang ilang linggo, malapit na ang pasko, nagta-try akong maghanap ng libangan at kaibigan hanggang sa makita ko ang dating app, dito ako naghahanap ng kaibigang filipino na nasa paris rin para sa pasko ay mag meet up kami at may kasama akong mag celebrate,

Nandito lang ako sa may apartment ko at nakikipag usap sa nakilala kong taga paris na filipino, his name is deadshot shawty napaka comfortable ko pag sya ang ka-chat ko,


Napakabait at okay sya sa pagiging magkaibigan naming dalawa, hindi ko pa nakikita ang face nya pero sabi nya, malalaman ko daw sa pasko.





Deadshot shawty:

Do you ever believe in love ba?


Humble bee:

Hindi, alam mo kung bakit?


Deadshot Shawty:

Hmm? Bakit naman?

Alam mo bang masarap magmahal?


Humble bee:




Oo naman, sobrang sarap sa pakiramdam na may mahal ka kaso galing ako sa breakup:(



Ayun yung dahilan kung bakit hindi na ako naniniwala sa love, feeling ko kase ay lolokohin ako lagi ng makaka relasyon ko kaya nagpahinga na ako sa pagmamahal na iyan.


Deadshot Shawty:


That sad naman,

Ayaw mong mag try ulit? Baka sakali sa susunod mong relasyon ay totoo na.

Ayaw mong tumesting? HAHAHHA





Napangiti ako sa chat nya at bumuntong hiningang humawak sa dibdib ko,



Kaya ko ba na pumasok sa relasyon?


Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko ng ganyan, kung handa na ba ako para malimutan ko si arnold pero sinisigaw talaga ng puso ko na hindi pa ito ang tamang time para dyan kaya hindi pa ako makapasok sa isang relasyon.






"Teh? Niloko ka na, kaya palitan mo na rin"sabi ni alexa habang naglalakad kami sa side walk para kumain sa isang restaurant, "huwag ka ng mag heal heal sa taong niloko ka, gawin mo palitan mo na ng mas better, hindi yung iiyak ka sa bwisit mong ex na ngayon naman ay masaya na, deserve mong maging masaya kaya kung sino man ang nandyan at handang maging girlfriend ka, why not na sumugal ka"








"Tingin mo magwo-work?"tanong ko,





"Kung alam mo at pakiramdam mong hindi sya katulad ng ex mo then go, sumugal ka na"sabi ni alexa at napangiti ako,







Kung heto ang way para maka move on ako sa toxic past relationship ko ay gagawin ko, gusto ko lang talagang makaligtas sa mapait na mundong 'to at gusto ko ng magkakulay ulit ang buhay ko kaya susugal na ako kahit alam kong may consequences ang lahat ng ito sa huli, susugal pa rin ako kahit alam kong masasaktan lang rin ako sa huli at saglit lang ang kasiyahan na ito.







___________________
_______________________
:)

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon