11

560 13 0
                                    

Kumain kami sa isang engrandeng restaurant, dahil nga nanghihina pa ang ibang laman ko sa parteng kamay at dahil mahapdi pa ito dahil sa sariwa pa ang sugat ko dito ay si sixto na ang naghimay ng steak para sa akin at sinalinan nya ako ng tubig at juice bago nya kainin ang pagkain na inorder nya,


"Sorry huh dahil pinapahirapan pa kita"

Hindi ko maiwasang magsabi no'n nang paulit ulit dahil sa nahihiya na ako, sobra sobra ng pagiintindi ang ginagawa nya at sobra ko na syang naabala kaya sobra akong nahihiya at hindi kinakaya ng puso ko na makita syang nahihirapan sa pag iintindi sa akin,


Hindi naman kase kami magkaano- ano tapos inintindi nya ako, he is just a stranger na nakilala ko lang dito sa paris at nakausap lang ng saglitan para intindihin nya ako.



"Ilang beses ko bang sasabihin sayo cai na hindi ka pabigat, never kang naging pabigat at hindi ikaw ang dahilan na nahihirapan ako, ikaw ang dahilan kung bakit ako malakas at may siglang pagsilbihan ka"sabi nyang nakangiti, "kumain ka na at huwag mo ng isipin ang ganyang bagay dahil hindi iyan makakatulong sayo para gumaling ka"



More on tawanan lang kami hanggang sa pinag usapan namin ang tungkol sa plano namin pag lumipas ang araw na naka move on kami.






"Kagaya nga ng sabi ko sayo, uuwi ako ng pilipinas para doon makapag simula, mag sisimula ako ng business ko at kung may time pa ako ay babalik ako dito sa paris"sabi kong nakangiti at napabuntong hininga syang yumuko, "ikaw? Sigurado ka na bang mag stay ka dito sa paris? Hindi ka man lang ba uuwi ng pilipinas para makasama mo pamilya mo?"




"Wala na kase akong uuwian sa pilipinas"sabi nya at nagsalubong ang kilay ko, "wala akong pamilya, ampon lang ako ng nagpalaki sa akin dahil namatay na ang totoo kong mga magulang tapos tinaboy ako ng mga step sister at step brother ko kaya wala na akong uuwian, si jas na nga lang ang inuuwian ko pero nagloko pa sya kaya dito na muna ako kase dito tahimik ang buhay ko"



Naluha ako kase kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot, gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa dahil hindi ako makatayo kaya hinawakan ko na lang ang kamay nya,




"Nakaya mo iyon? Yung tinaboy ka na ng adopted family mo tapos niloko ka pa ni jas?"tanong ko at napailing sya,



"Hindi kase masakit iyon, parang feeling mo tinalikuran ka na ng mundo sa mga nangyari, feeling mo wala ka ng mapupuntahan at wala ng nagmamahal sayo kaya nag desisyon ako na dito ako pumunta para dito makapag pahinga ang puso kong puro sugat at ang utak kong litong lito at kinekwestyon kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa buhay ko"sabi nya sabay punas ng luha nya at tawa, "sorry, sobrang ma-drama ko, nabalik na naman tayo sa topic na dapat hindi na talaga pinag uusapan"






"No it's okay, kung gusto mong pag usapan natin at gusto mong ilabas ang sama ng loob mo tungkol sa problemang iyon ay handa naman akong makinig"sabi ko at napailing syang bumuntong hininga,






"Huwag na at dadagdag lang iyon sa iisipin mo at sa ikaka-stress mo"sabi nya, "kumain na tayo para mamaya ay papasyal ulit tayo"




"Sixto, kung hindi mo na kaya pang pumasyal, huwag na natin ituloy kase baka mamaya ay may nararamdaman kang hindi maganda tapos gagala pa tayo, it is better na mag rest ka muna para makapag pahinga ang katawan mo at ang isip mo"sabi kong nakangiti at napangiti sya pabalik.







Nandito na kami sa apartment nya at natutuwa akong makita syang napaka husband material, nagmop sya tapos sinasabay pa nya ang pagluluto nya, gusto ko man tumulong pero mas mabuti na lang daw na magpahinga ako para hindi na daw mas lumala ang kalagayan ko.






"Malapit na ang pasko, ilang araw na lang, saan ka magpapasko?"tanong nya bigla at nagkibit balikat ako,





"Hindi ko alam pero kung sa araw ng pasko ay okay okay na ang kalagayan ko, okay na ako at naka move on na, siguro oras na iyon para umuwi na ako sa pilipinas"sabi kong nakangiti,






"Desidido ka talagang umuwi na 'no? Baka mamaya ay guluhin ka lang ni arnold doon"sabi nya at nagbuntong hininga ako,





"Wala na akong magagawa, kung guluhin nya ako then go, wala naman na akong pake sa kanya e, hindi ko naman na sya babalikan kahit ano pang beg nya sa akin"sabi ko at napayuko syang tumalikod, narinig ko ang pag singhot nya na tila umiiyak nang palihim.





"Sixto naman, bakit ka naman umiiyak dyan?"tanong ko, pinunasan nya iyon bago humarap sa akin at kita ko ang mugto ng mga mata nya,







"Mawawalan na kase ako ng kasama dito sa paris, gusto man kita mag stay pero wala na akong magagawa dahil sa buhay mo naman ay stranger lang ako at dapat hindi ako mangealam sa buhay mo"sabi nya at napabuntong hininga ako,







"Sorry kase ayokong mag stay dito kasama ka dahil bukod sa gusto ko ng umuwi ay ayokong magka feelings ako sayo"sabi ko at unti unting pumapatak ang luha,





"B-bakit? Am i not worth it para hindi mo gustuhin?"tanong nya at umiling ako,





"Hindi yun, worth it ka ngang gustuhin kase na sa iyo na ang lahat"




"Pero bakit? Bakit ayaw mo at takot kang gustuhin ako? Compatible naman tayo sa isa't isa kaya bakit hindi?" tanong nya, "deserve naman natin ang isa't isa kase pareho tayong niloko, bakit ayaw mong gustuhin ako?"







"Takot ako na masaktan ulit dahil alam kong pagtapos ng sarap ng pagmamahalan ay mauuwi lang sa maraming consequences, ayoko ng ma- attach pa sayo ng tuluyan kase alam kong sooner ay lalalim na ang nararamdaman ko para sayo at ayoko ng humantong pa sa ganoon dahil masasaktan ko lang ulit ang sarili ko" sabi kong naluluha at lumapit sya sa akin at tumabi sa akin,









"Hindi naman kita sasaktan----





"Hindi mo nga ako sasaktan pero mapaglaro ang tadhana, hindi mo alam kung ano ang pwede nyang gawin para mapaghiwalay tayo at hindi tayo mabigyan ng happy ending"sabi ko at nagsalubong ang kilay nya,







"Huh? Kung magiging matatag naman tayo at kakapit tayong dalawa, hindi impossibleng magtagal tayo, matapang at malakas tayo, matatag tayo at alam kong kakapit tayo kahit gaano pa karami ang pagsubok na dumating basta matatag tayo, magkakaroon tayo ng happy ending"sabi nya at umiling ako,





"Ayoko na muna sixto kase gusto ko muna ngayon unahin ang sarili ko keysa sa pag ibig na iyan"sabi kong naluluha at napatango syang nakangiti ng pilit na tila bigo,





Ayoko na munang masaktan, gusto ko muna magpahinga sa pait ng pag ibig at sa mapaglarong tadhana, nine years kong nakasama na lalaki ang nawala sa akin kaya ayoko ng dagdagan pa kase masasaktan lang ako nang paulit ulit.








__________________
______________________
:)

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon