43

404 4 0
                                    

"Tinatarantado lang ako ng kaibigan ko, wala naman kase syang sinabi sa akin na may party syang gaganapin tapos hindi ko naman talaga nakalimutan mga sinasabi nya sa akin, sadyang wala talaga syang sinabi"sabi nya





Habang ako ay patuloy lang sa pagbabasa sa libro, kahit walang napasok sa utak ko dahil sa nakaka distract sya ay patuloy pa rin ako sa pagbaba sa para lang masabi ko na busy ako at may ginagawa.






"Heto oh, may text sya sa akin" pagpapakita nya sa akin ng phone nya, sumulyap ako doon at nakita ko nga ang text ng kaibigan nya,





Bro, prank lang kinabahan ka naman




Sinarado ko ang libro at bumuntong hininga,

"Tumahimik ka na muna dahil nagre- review ako, kung hindi ka magre- review, feel free na lumabas at maghanap ka ng babae mo" sabi ko sabay patuloy sa pagbabasa ng libro,



"Ayoko, dito lang ako sayo"sabi nya at napairap ako,

"Kukulitin mo lang ako sixteen kaya maghanap ka ng uutuin mo at ng libangan mo, marami dyang babae na sasakay sa ka-cornihan mo"sabi ko at napabuntong hininga sya,


"Alam mo ba? Ikaw ang bobo"sabi nya at namilog ang mata ko kaya natigil ako sa pagbabasa ng libro,


"Kapal naman ng mukha mo para sabihan ako ng bobo?! Pag talaga sinumbong ko iyan sa kuya mo magagalit iyon dahil wala kang respeto sa akin-----

"Ang BOBO-o ng buhay ko"

Natigil ako at napabuntong hiningang umirap,

"Stress na ako sa academic, dami nating reporting tapos dami pang task tapos sasabihan mo ako ng corny pick up lines? Nakakainit ng ulo"sabi ko at tumawa sya,


"Huwag na kase mainit ang ulo, lalo ka lang naganda pag nagagalit ka"sabi nya at hinarangan ko ng libro ang mukha ko para itago ang ngiti na hindi ko mapigilan.



Sabay na kaming naglalakad pabalik sa classroom, may humarang pa sa aming lalaki at hinawakan nito ang kamay ko out of nowhere,


"Ang ganda mo talaga miss salvador" sabi ng lalaki, napa-sulyap ako kay sixteen na ngayo'y nakatingin sa lalaking hawak ang kamay ko,



"Salamat"sabi ko sabay bawi ng kamay ko at lagay no'n sa bulsa ng uniform ko para hindi na hawakan pa.


"Can i take you on a date?"tanong ng lalaki at natigilan ako, tumingin ako kay sixteen, namilog ang mata nya at pumagitna.

"Sorry, taken na kase si cailen, kuya ko ang boyfriend nya"sabi nya at ngumiti akong tumingin dito,



"Friendly date lang, gusto ko lang maka- date ang pinaka- magandang babae na nakilala ko"sabi nito,


"Hindi pa nga kita kilala tapos mag aalok ka ng date?"tanong ko at lumingon sa akin si sixteen,


"Papayag ka?"tanong nya at bumalik ang tingin ko sa lalaki na ngayo'y nakangiti,


"Hindi, dahil taken na ako"sabi ko, "sorry"

Nilampasan ko na ang lalaki, naabutan pa ako ni sixteen sa paglalakad at narinig ko ang buntong hininga nya,




"Akala ko papayag ka na"sabi nya at lumingon ako sa kanya,



"Hindi ko kayang mag date ng ibang tao lalo na at kami pa ng kuya mo"sabi ko sabay buntong hininga, "hindi nga kita pinatulan tapos iyon pa kayang hindi ko kilala"




Kinabukasan, pagpasok namin ni sixteen ay sumalubong na naman si francis, ang may gusto sa akin at pilit akong gustong maging girlfriend nya kahit ayoko.







"Heto, bulaklak para sayo"sabi ni francis, tiningnan ko lang iyon habang si sixteen naman ay kinuha iyon,





"Display ko na lang 'to sa bahay namin, sayang naman"sabi nya sabay akbay na sa akin ni sixteen para makalampas na kami kay francis.







"Sabihin mo lang sa akin huh pag inaabangan ka ng lalaking iyon huh para mabantayan kita"sabi nya habang nakain kami ng takoyaki, bumuntong hininga ako at napalunok,






"Bakit mo naman kailangan akong bantayan? Tingin mo ba papatulan ko si francis? Tingin mo ba ipagpapalit ko ang kuya mo sa ngayon ko lang nakilala?"tanong ko at natigil sya sa pagkain,






"Hindi, namis-interpret mo na naman ako"sabi nya, "sorry dahil iba pagkaka intindi mo sa sinabi ko. Baka kase may masamang balak ang lalaking iyon sayo lalo na hindi natin sya kilala kaya sabihin mo lang sa akin kung inaabangan ka nya pag uwi para mabantayan kita"






"Okay, sige alis na muna ako dahil mag review pa ako sa library"pag paalam ko sa kanya.







Pagdating ko sa library, hindi sadyang nahulog mula sa bag ko ang libro na isinulat para sa akin ni sixteen, bumuklat ang libro at natigilan na lang ako nang makita ang naka-ipit na picture namin ni sixto doon nung nasa paris pa kami, sya lang ang tanging may kopya no'n at bakit naman pagkaka- interisan ni sixteen na i-print ang picture namin ni sixto at iipit sa libro nya?




Dahan dahan kong kinuha ang libro maging ang picture at tinitigan iyon, may pirma namin ni sixto ang likod ng picture.






Flashback






"Love! Tara, picture tayo"aya nya out of nowhere,





Biggest flex nya kase ang bago nyang polaroid camera kaya mahilig na syang mag aya ng picture sa akin,






Lumabas na ang litrato sa camera at tumabi sya sa akin para ipakita ang picture namin together, naka ngiti sya samantalang ang pose ko naman sa picture ay naka-nguso lang.





"Ganda ng picture natin dito love, pirmahan ko lang para may proof tayo na ang ganito kagandang larawan ay sa atin"sabi nyang nakangiti at natawa ako sabay hampas sa kanya ng pabiro,






"Loko ka talaga, wala namang sense kung pipirmahan mo iyan"sabi ko,






"Ibibigay ko kase sayo 'to, lahat ng original at walang edit na picture natin together ay pipirmahan ko at ibibigay ko sayo para lahat ng original ay nakatago sayo"sabi nyang nakangiti at bumuntong hininga akong hinawakan ang kamay nya,







"Maganda iyon love, lalo na pag may anak na tayo. Makikita nila lahat ng picture natin together tapos makikita pa nila na may pirma mo"sabi kong nakangiti at tumango syang hinalikan ang noo ko.







Naluha ako habang hawak ang picture namin dalawa, naiwan ko lahat ng picture namin together na may pirma nya dahil halos lahat ng nadala ko ay picture ni sixto at napunta pa sa punto na nakalimutan ko ang picture namin together dahil sa depression na mayroon ako nung oras na iyon.








Hinalikan ko ang picture na iyon at tinitigan ang nakakamiss na signature ni sixto,






"H-hayaan mo, unting tiis na lang mahal, babalik na ako dyan sa paris at magsimula ulit tayo"sabi ko sabay lagay ko sa wallet ng picture at doon ulit umiyak, inaalala na naman si sixto.






______________________
___________________________
:)

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon