05

892 15 0
                                    


Nagsimula na kaming dalawa ni sixto na mag move on ng sabay, nandito kami ngayon sa may harap ng eiffel tower, pareho kaming naka coat, walang tinginan kase may awkwardness pa kaming nararamdaman ngayong magkasama kami,




"Kung may dumating ba na tao na handa kang mahalin, tatanggapin mo ba?"tanong nyang hindi natingin sa akin kundi sa eiffel lang





"Ngayon ay hindi pa kase kahit niloko ako ni arnold, mahal ko pa rin sya pero baka sa susunod"sabi kong nakatingin sa kanya, "ikaw?"







"Hindi, dahil mahal ko pa si jas, sobrang mahal na mahal ko sya hanggang ngayon, kahit alam ko na niloko nya ako ay mahal ko pa sya" sabi nya, "tingin mo ba sa ten years naming pagsasama ay ganon ganon na lang ang paglaho ng feelings ko para sa kanya?"





"Hindi kase ganoon rin naman ako kay arnold e, hindi ko sya kayang kalimutan at hindi ko masisikmura na magmahal pa ng iba dahil sya lang ang laman nito"pag turo ko sa puso ko at bumuntong hininga syang napayuko,








"At iyan ang mission natin, ang kalimutan sila dahil kung lagi natin silang maalala ay patuloy lang tayong masasaktan at patuloy lang nating maalala kung paano nila tayo ginago" sabi ni sixto at tumango akong nakangiti, "kaya mo ba?"



Naluluha pa rin ako, kahit hindi pa kami nag uumpisa ay alam ko ng hindi ko kaya at susuko ako agad dahil grabe ang pagmamahal ko kay arnold pero kung hindi naman ako magpush na gawin iyon ay ako ang kawawa sa huli kaya kahit mahirap, go lang para sa sarili ko, sabi ko nga sarili ko naman ang uunahin ko.







"Kahit mahirap man, kakayanin ko para sa sarili ko"sabi kong nakangiti at inakbayan nya ako.







Unang ginawa namin ay pumunta sa apartment nya, pinakita nya ang album nila ni jas at ang mga picture frame nilang dalawa,




Naiyak syang hawak iyon, hindi nya ata kaya ang first activity na gagawin namin para maka move on dahil ang activity na iyon ay ang sunugin o burahin ang memories na mayroon kayo ng ex mo,






"Sakit naman ng ganitong first activity natin para maka move on kase ang dami nito at lahat ng ito ay parte na ng buhay ko"sabi nyang naiiyak, dahil sa iyak nya ay nadala rin ako dahil masakit rin para sa side ko na burahin lahat ng memories na wala kami ni arnold,







"Ginawa namin 'tong album na ito simula nung mag isang taon kami, ako nag suggest sa kanya na gumawa kami nito para may paglalagyan kami ng litrato naming dalawa na nagta-travel"




Flashback:



"Dito natin ilalagay lahat ng mga memories na gagawin natin"sabi ko sabay abot sa kanya ng album, natawa syang nakatingin dito sabay angat nya ng tingin sa akin,





"Baka masayang lang, baka in the end iwan mo lang ako, sayang lang 'to"sabi nya, tumabi ako sa kanya sabay hawak ko sa pisngi nya,





"Hindi kita iiwanan, never, sigurado akong aabot tayo ng sampung taon, basta wala lang magsasawa at wala lang magloloko sa ating dalawa"sabi kong nakangiti sabay kuha sa kanya ng album, "lahat ng litrato natin ay ilalagay ko dito para pag nagkaanak tayong dalawa, makikita nila kung gaano tayo kasaya, kung gaano ka healthy ang relasyon na mayroon ang magulang nila"







Nakatitig lang syang nakangiti sa akin, hinawakan nya ang kamay ko at bumuntong hininga sya,




"Basta walang magloloko at susuko sa relasyon na ito, siguradong matutupad ang pangarap nating dalawa na maikasal at magkaroon ng anak"sabi nyang nakangiti,





Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon