36

335 8 0
                                    

"Cailen, bago pa man maging kayo ni kuya, pinakilala ka na ba nya sa family namin?"tanong ni sixteen habang sya ang nagawa ng essay at ako naman sa isang task namin,


"Hindi pa, unexpected lang kase ang relationship namin dalawa"sabi ko, "pero nung na-coma sya, saka ko nakilala ang lolo at lola nya"


"Willing ka bang ma-meet ang parents namin?"tanong nya at napangiti ako,

"Oo naman"sagot ko. "Kung pwede mo lang akong dalhin sa kanila para makilala nila ang girlfriend ng anak nila"



"Oo naman, deserve mong makilala ka nila"sabi ni sixteen at napangiti ako.

"So eto yung introduction, body at eto naman yung conclusion"pagturo nya sa akin ng bawat parte sa essay na isinulat nya, "basahin mo na lang, tingnan mo kung ayos na iyan"

"Thank you sixteen huh, napabilis tayo sa mga task natin dahil sa tulong mo" sabi kong nakangiti at nakita ko ang malawakang ngiti nya na tila kinikilig,

"Katabi ko ang inspirasyon ko sa gawain kaya napabilis"sabi nya sabay akbay at tingin sa akin, "ikaw ang inspirasyon ko"



Tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko at bumuntong hininga,

"Tama na muna iyan, gawin na natin 'tong isa pang task at ang hirap nito" sabi ko at tumulong naman sya agad sa akin, patapos naman na 'to kaya keri na namin 'to ng ilang minuto lang.

Sixteen POV

Sa dami ng dapat naming tapusin na activities ni cailen ay umabot sa punto na sumuko na sya at nakatulog na sya, nakatulog syang hawak ang ballpen at papel para sa isa pang essay na pang individual.



Kahit marami pang dapat tapusin ay hindi ko na sya ginising pa, bagkus ako na ang nagtapos para pag gising nya ay ayos na lahat. Ako na rin gumawa ng mga individual task nya, tutal tapos na rin mga assignment ko kaya yung sa kanya na lang ang pagfo-focus-an ko.


"Tatapusin ko na 'to, basta para sayo lodi, nanginginig pa"sabi ko habang nakangiting nakatitig sa kanya,

Pagtapos ko ng gawain nya ay niligpit ko na ang gamit naming dalawa, inilagay ko sa bag ko ang mga pagma- may ari ko at inilagay ko rin sa bag nya ang kanya, natigilan ako nang biglang may nahulog na libro mula sa bukas nyang bag at iyon ay ang libro na ginawa ko para sa kanya.


Kinuha ko iyon at habang hawak hawak iyon ay tumingin ako kay cailen na ngayo'y tulog na tulog,




"A-alam mo na pala na may gusto ako sayo"sabi ko na kinakabahan at may kasiyahan rin na nararamdaman,

Alam kong mali ang magkagusto sa girlfriend ng kapatid mo pero hindi na kaya ng puso ko na hindi mapigilan, hindi ko rin kase alam na ang boyfriend ni cailen ay ang kapatid ko kaya huli na ang lahat para mapigilan ang puso ko na mahalin sya.


Tumitig ako ng matagal kay cailen, napangiti pa ako dahil grabe naman ang babaeng ito, tulog na sya ng lagay na iyan pero bakit ang ganda ganda pa rin nya? Hindi ba sya inaaresto sa salang pagiging maganda araw araw at kahit saang anggulo ay ang ganda ganda nya, kaya sinong lalaking hindi magugustuhan ang tulad nya, ang ganda na at nakakabighani pa lalo ay ang ugali nya na never kong nakita sa ibang babae.



Pag nakatingin ako sa kanya ay para na akong nasa langit, it feels like heaven lagi pag nakikita o natitigan ko sya pero tingin ko hanggang dito na lang ito, hanggang tingin o sulyap lang ako dahil kahit kailanman ay hindi ko sya magiging pagmamay-ari dahil pagmamay-ari sya ng kuya ko.





Tumingin ako sa wall ng room nya para tingnan ang magagandang picture nila ni kuya together, naalala ko tuloy ang manifestation ko bago pumunta si kuya sa paris.




Flashback


"Kuya, huwag ka ng umiyak dyan" sabi ko sabay tabi sa kanya at bigay ng inumin dahil wala syang tigil nang kakaiyak, magang maga na ang mata nya dahil sa kakaiyak.




"Hindi lang ako makapaniwala sixteen, ipinagpalit nya ang ilang taon naming relasyon sa ibang lalaki"sabi nya,



"Kuya, hindi ka dapat naiyak kay ate jas kase hindi mo naman kasalanan na naghiwalay kayo, hindi mo naman kasalanan na naging complicated kayo kase sya ang sumira ng relasyon ninyo" sabi ko sabay akbay sa kanya, "lahat ng ito ay magiging okay kuya, makakahanap ka ng babaeng deserve mo, yung hindi ka lolokohin"






"I think, i stop muna sa pag take ng risk at magpursue ng babae sixteen, kase ngayon ko napagtanto na masakit palang magmahal lalo na pag pumunta sa punto na maghihiwalay kayo" sabi nya at napangiti akong tumango,





"Manifest natin na sa oras na ready ka ng magmahal, sana ay yung babaeng deserve mo na ang makuha mo, yung hindi ka na talaga lolokohin para hindi na kita makitang naiyak"sabi kong nakangiti at nag alok sya ng fist bump.





"Sana sayo rin tol"sabi nya at natawa ako,



"Nako baka sa pag manifest natin ng same standard sa babae ay magkapareho tayo ng magustuhan" tawa kong sabi at doon ay napangiti sya.




Totoo nga yung na-manifest ko, totoo nga kuya na iisa lang ang babaeng mahal natin, ang ikinaibahan lang ay nakuha mo sya samantalang ako ay hindi dahil naunahan mo ako.




Kinabukasan, pag awas namin ay inaya ko syang kumain sa restuarant,



"Wow, may pera ka ngayon at ililibre mo ako dito sa mamahaling resto?" Tanong nya habang nasa tapat kami ng restaurant at napangiti akong bumuntong hininga,




"Basta ikaw ang kasama kong kumain, lagi kitang ipupunta sa mamahaling restaurant"sabi ko at nagsalubong ang kilay nya, "nakakahiya naman kay kuya pag nalaman nyang dinadala ko sa cheap na resto ang girlfriend nya, baka magalit iyon sa akin"







"Nako, pareho kayo ng kuya mo masyado, hindi lang sa mukha pati sa ugali. Ayos nga lang sa akin kung saan nyo ako dalhin basta masaya tayo, hindi naman kase porket dinala mo ako sa mamahaling restaurant ay magiging masaya na ako kase yung bond ang hinahanap hanap ko at iyon ang number one na nagpapasaya sa akin" sabi nya at napangiti ako,




"Nako, huwag kang mag alala, kase kahit nasa mamahalin tayong restuarant, hindi ka pa rin mabo- bored kase marami akong baon na topic na pwede nating mapag usapan" sabi ko at napangiti sya.







______________________
_________________________
:)

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon