42

382 3 0
                                    

"Uh cailen, may ibibigay lang pala ako sayo----




Natigilan sya sa isang tabi nang makita nya akong hawak ang birth certificate nya at nakita nyang may ilang bukas na drawer nya.


"What are you doing? Anong kinukuha at hinahanap mo?"tanong nya sabay lapit sa akin at kuha ng hawak kong papel, tumingin sya doon at bumuntong hininga,

"Hindi ka pa rin ba naniniwala na ako si sixteen at hindi ako si sixto?"tanong nya, "nakita mo naman ata na lahat ng papeles na iyan ay sixteen alonzo, wala kang makikitang sixto dyan dahil hindi nga ako iyon, lahat ng papeles ni kuya ay dinala nya sa paris"


"Sorry, grabe na kase yung pakiramdam ko na hindi ka totoong si sixteen dahil bawat galaw mo ay may kakaiba at lahat ng galaw mo ay tugma sa kilos ng kuya mo nung kasama ko sya sa paris"sabi ko sabay buntong hiningang hinawakan ang ulo,



"Nababaliw na ata ako kase impossible namang maging si sixto ka dahil nasa paris sya"sabi ko sabay hawak sa mukha ko at sigaw, "sorry sixteen, hindi ko talaga sinasadya"



"No it's fine, atleast na-prove ko na yung sarili ko na hindi ako si kuya sixto"sabi nya at tumango tango ako.

Kahit alam ko na ang totoo na sya si sixteen ay hindi pa rin talaga ako mapakali kahit nasa klase kaming dalawa,


"Miss salvador? May problema ba at ang lalim ng iniisip mo sa klase ko?" Tanong ng prof namin kaya natauhan ako, "o baka naman nag day dreaming ka dyan na kasama mo ang crush mo"




"Yieee"pag dugtong naman ng mga kaklase ko kaya bumuntong hininga akong humilot sa sintido ko,



"Sorry po prof, may i go out just for a minutes?"tanong ko at ngumiti ang prof,


"Okay, valid naman na lumabas ka muna saglit dahil mukhang hindi ka talaga okay miss salvador"sabi nito at ngumiti ako,


"Salamat po"huli kong sinabi bago ako tumakbo palabas.





Nasa comfort room ako, nakatingin sa salamin at pinupukpok ang ulo gamit ang kamay at nagsisigaw pa na parang nababaliw.




"Baliw ka na ba cailen para pag hinalaan si sixteen na sya si sixto?" Tanong ko sa sarili ko, "AHH! Sabihin mo na lang kase na namiss mo si sixto at gusto mo na syang makita at mayakap"



"Sana mayakap na kita sixto, miss na miss na kita"

Habang parang nababaliw dito sa loob ng cr ay may kumatok kaya natigil ako,


"May tao po---


"Si sixteen 'to"



Binuksan ko ang pinto ng CR at dahan dahang lumabas para harapin si sixteen, nagulat na lang ako nang bigla nya akong niyakap.




Ramdam ko yung yakap nya na parang yakap ni sixto, namilog ang mata ko nang higpitan nya ang yakap nya sa akin.

"B-bakit mo ako niyakap sixteen?" tanong ko na nauutal na sa sobrang gulat,



"Narinig ko na kailangan mo ng yakap kaya habang wala pa si kuya sa tabi mo ay ako na muna"sabi nya, hindi ako makabitaw sa yakap sa kanya dahil parang si sixto ang kayakapan ko.





"Habang wala pa si kuya, pwedeng isipin mo na muna na ako sya para hindi mo sya ma-miss"sabi nya at umangat ang tingin ko sa kanya sabay ngiti,




"Salamat"



Sabay kaming bumalik sa classroom, pagpasok namin ay tumingin ang mga kaklase namin sa amin sabay tili.




Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon