34

409 11 0
                                    


Kinabukasan, maaga pa lang ay pumasok na ako, nag luto na ako ng breakfast para sa pamilya ko, pinainom ko na ng gamot si mommy bago umalis,



Saktong paglabas ko ay nakita ko sa labas si sixteen na may dalang bulaklak, nakangiti at naka uniform na rin dala ang big bike nya,


"Sakto, kakadating ko lang"nakangiti nyang sambit at bumuntong hininga akong lumabas ng gate para kaharapin sya,



"Baka naman mamaya, hindi matapos ang araw na ito nang hindi tayo nag aaway"sabi ko at napayuko sya,




"Ayaw ni kuya na nasasaktan ang mahal nya sa buhay kaya bakit ko gagawin na saktan ka? Sadyang hindi ko lang kinaya iyon kaya nung kinagabihan ay nakonsensya ako" sabi nya at napabuntong hininga ako,




"Nakonsensya ka lang ba talaga ng kusa o saka ka lang nakonsensya nung time na nagsakripisyo lang ako? Kase baka kaya ka siguro nakonsensya kase nakita mo na yung sakripisyo ko sayo e"sabi ko,




"Maayos na ba talaga tayo cailen o nagpapanggap ka lang na maayos tayo?"tanong nya bigla at nagkaroon na ng awkwardness,




"Tara na nga sixteen, malate pa tayo sa klase"inis kong sabi sabay sakay na sa motor nya.





"

Magkakaroon daw agad tayo ng exam announce ng professor natin sa group chat"sabi ko habang nakatingin sa phone ko at patuloy lang sa pag drive si sixteen,




"Mamaya na iyan at baka mahulog ka pa, kapit ka mahigpit"sabi nya, ibinulsa ko ang phone ko at bumuntong hininga,





"Sana madali lang, review na lang tayo sa library mamaya pag break na natin" sabi ko at natawa sya kaya nagsalubong ang kilay ko,




"Sakit naman ng sinabi mo"sabi nya at mas lalong kumunot ang noo ko,





"Anong masakit doon?"tanong ko,





"Double meaning yung sinabi mong "pag break na natin" wala pa ngang tayo tapos mag break na agad tayo?" Tawa nyang sabi at napairap ako,





"Tungaw! Pag break time na"pag lilinaw ko at narinig ko pa ang pag tawa nya,




Pagdating namin ay saktong tumunog na ang bell, bumaba kaming dalawa ng motor at tinanggal nya ang helmet ko,




"Uy wait lang, yung kaibigan ko!" Sabi nyang masaya, "nandito pala iyang tarantadong iyan nag aaral" masaya nyang sabi habang naglalakad kami, tumakbo sya bigla para salubungin iyon nang may mahulog na libro sa maliit nyang bag na hindi naka zipper,




"S-sixteen---

Ihahabol ko sana yun nang makita ko ang title ng libro: Lihim by sixteen alonzo.




Imbes na ibigay iyon sa kanya ay pumunta ako sa may campus para umupo sa may bench at basahin ang makapal na libro, nacurious ako kase hindi o wala akong idea na nagsusulat pala sya ng libro.





Binuksan ko na ito at binasa ang nakasulat sa unang pahina,


Every chapter in this book is dedicated to a woman na hindi ko makuha o maabot dahil pagma-may ari na sya ng iba.


Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon