44

499 11 0
                                    


Isang taon ang nakalipas

Pagtapos ng klase ko ay dumiretso ako sa may sementeryo para dalawin ang magulang nila sixto at sixteen, nagdala ako ng dalawang basket ng prutas at ipinwesto iyon sa ibabaw ng lapida nila, umupo ako sa may tabi, naramdaman kong parang may malaking bato akong naupuan.

Agad akong tumayo, inalis ang maraming damo at buhangin na nakaharang doon, napaatras na lang ako nang makita kong may lapida at kilala ko kung sino ang nakalagay doon na pangalan. Natakot at kinabahan ako, hindi alam kung totoo ba ang nakikita ko,

Sixteen Alonzo

Born: March 16 1992
Died: February 8 2023

Nandoon pa ang picture nya sa lapida, naka peace sign at mukhang cropped pa ang picture.

Tumayo ako sa gulat at napahawak sa dibdib, takot na takot at hindi alam ang gagawin, sisigaw ba ako o tatakbo.


Ang petsa ng pagkamatay nya ay yung araw na umalis ako ng pinas para pumunta ng paris.

"K-kung patay na si sixteen, sinong sixteen ang kasama ko?"bulong ko, tumakbo na ako at hindi ko namalayang naiwanan ko ang bag ko sa ibabaw ng lapida ng nanay ni sixto.



Tumakbo ako papunta sa bahay ni sixteen, saktong papunta ko doon ay nakasalubong ko na sya na nagjogging.

Nagulat pa nga sya at napatigil, hinubad ang headphones nya at ngumiti sa akin,

"Cailen, papayag ka na ba sa alok ko sa party na ipapatapon ng kaibigan ko mamayang gab----

"Umamin ka nga, sino ka ba talaga?!" Pagtaas ko ng boses sa kanya, nagsalubong ang kilay nya at natawa pa,


"Anong nangyari sayo? May amnesia ka ba para tanungin ako kung sino ako? Sixteen alonzo---

"Pero patay na sya, magkamukha nga kayo pero sino ka!?"tanong ko at kita ko ang kaba at gulat na hindi maipinta sa mukha nya.


"Anong pinagsasabi mo? Cailen naman" susubukan nya akong hawakan nang lumayo ako,

"Huwag kang lalapit and don't touch me, stranger"sabi ko, "just tell me who you are at anong kailangan mo sa akin para magpakilala pang si sixteen even you are not sixteen!"


"Ako si sixteen alonzo, nag enroll ako at kita mo naman sa birth certificate ko na ako si sixteen alonzo, ano pa bang dinududa mo?"tanong nya,


"So paano mo ieexplain ang sixteen alonzo na nakita ko sa sementeryo, ang lapida nya at katabi ng lapida ng parents nyo ni sixto"sabi ko, "paano mo ieexplain iyon?!"

"Okay cailen, i give up already"sabi nya, "let's go inside my house and i will explain everything, huwag dito dahil maraming tao ang nakatingin"

"Tingin mo ba sa panloloko mo sa akin ay may tiwala pa ako sayo?! Explain everything right now and i don't care about the people around us, just tell me who the fuck you are!"singhal ko at kita ko ang gulat sa mukha nya,


Tumakbo sya papasok sa bahay nya, bumalik rin sya kaagad at may inabot syang passport sa akin. Pagkakuha ko no'n ay agaran kong binuksan at nabitawan ko agad nang makita iyon.

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon