19

461 11 0
                                    



One month later



Pinipilit ko ang sarili kong maging okay pero bakit ganoon? Hindi ko kaya?



Dahil ba sa wala sa tabi ko si sixto na naging comfort ko before o baka dahil sa mahal ko na talaga sya pero indenial lang ako dahil takot akong umasa at masaktan sa huli.

Masasabi ko na pinagtagpo lang talaga kami ni sixto, binigyan lang kami ng tadhana ng unting kasiyahan pero pinaghiwalay rin kami at pinamukha sa amin na hindi talaga kami para sa isa't isa.









Nasa seine river ako nay bitbit na bote ng alak at dito nainom, umiiyak habang dinadama ang haplos ng hangin sa katawan ko,





Ang hirap ng ganitong sitwasyon, pinipilit mo sa sarili mo na you don't need him pero pagkalaan ng ilang araw, mapapasabi ka na lang talaga na kailangan mo pala talaga sya pero nowhere to be found na sya, hindi mo na sya makita at doon ka mas nagsisi dahil huli na ang lahat,







Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi, akala mo ayos na, akala mo okay ka nanilayuan ka na nya at hindi ka na nya sinusundan pero hindi pala, the more na tinataboy ko sya na umalis the more na mas namimiss ko sya at nagsisisi ako na sana ay hindi ko na lang sya tinaboy dahil ngayon ko na- realize na kailangan ko pala talaga sya.









Akala ko talaga hihintayin nya ako, akala ko talaga nandyan lang sya sa tabi na binabantayan ako at hinihintay kung kailan ako magiging handa na harapin sya pero it ended up na iniwanan nya ako,






Ang problematic ng plot ng story ko, paikot ikot lang ang storya ng buhay ko sa saya, lungkot, iyak, pighati at lumbay, sa lahat ng iyon ay iisa lang ang saya na nararamdaman ko at saglitan lang.









Kay arnold, nine years nga kaming nagsama pero saglit lang naman ang saya na naramdaman ko doon dahil panay kami pagtatalo lagi at hindi ko na maramdaman ang pagmamahal nya, ang tanga ko lang talaga sa part na kahit alam kong hindi na ako masaya ay nag stay pa rin ako, kase mahal ko e, sobra ko syang mahal kaya kahit alam kong di na nya na ako mahal ay nag stay pa rin ako.






Iyong kay sixto, ako naman ang may kasalanan, alam ko kaseng masasaktan rin ako sa huli kaya iniwanan ko na sya at pinipilit ko ang sarili kong kalimutan sya pero hindi ko pala kaya.








Hindi ko pala kaya na wala sya pero bakit ko pinilit ang sarili ko na layasan sya at lumayo sa kanya?





Akala ko mas masakit na ang nangyaring break up sa amin ni arnold pero mas masakit pa pala ang almost love story namin ni sixto, nandoon na kami sa part na makakabuo ng kasiyahan at mag stay sa isa't isa pero dahil sa fear ko na baka mangyari ulit ang nangyari sa past ay iniwan ko sya at pinilit ko ang sarili kong layuan sya sa pag aakala ko na iyon ang way para gumaan ang loob ko na hindi na ako masasaktan at iiyak pa pero nagkamali ako,



Mas di pa pala gagaan ang loob ko kung wala na sya sa tabi ko, masyado akong nagpakampante na anytime ay nandyan sya sa tabi ko kaya araw araw ko syang tinataboy iyon pala ay kung kailan kailangan ko na sya ay saka naman sya nawala, kung kailan gusto ko syang makita ay saka naman sya nawala na parang bula.






Iniisip ko ngayon ay baka nakahanap na sya ng ibang babae dahil pagod na sya kaka-chase sa akin, kakabantay tapos sa huli naman ay tinataboy ko sya.






"Akala ko ba hihintayin mo ko sixto?" naiiyak kong bulong sa hangin habang nainom,




"Akala ko ba lagi kang nasa tabi ko? Bakit ngayong kailangan kita, bakit saka ka nawala?"tanong kong naiiyak, lumalabas na nga ang uhog ko sa sobrang luha na inilalabas ko, hindi pa rin ako natigil sa iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko,






"Mahal na mahal kita sixto, iyong mga pagtaboy ko sayo ay hindi iyon totoo, pinipilit ko lang ang sarili ko na gawin iyon sayo dahil akala ko ay makakampante ako pag ginawa ko iyon sayo pero nagkamali ako"pag luha ko,







Kukuhanin ko pa ang isang bote ng alak sa tabi ko nang may humawak rin doon, dahan dahan kong iniangat ang tingin ko doon at nandoon si sixto, ang ayos nyang tingnan, tapos may maleta pa sya sa tabi nya,




Uuwi na ba sya ng pilipinas?






"Sa tingin mo, ang alak ang solusyon para mawala ang problema mo?" tanong nya at dahan dahan akong napangiti,





"B-bumalik ka"




"Oo, bumalik ako para sayo"sabi nyang nakangiti at napatingin ako sa maleta nya,







"Aalis ka na ba? Bumalik ka lang ba para.... para magpaalam sa akin?" tanong ko at umiling sya,







"Paalis na sana ako kaso naalala kita, inisiip ko na paano ka na kung mawala ako, mawala ang nagbabantay sayo? Kaya heto napag desisyunan kong icancel ang flight ko para mag stay pa rin sa tabi mo kahit alam kong tatabuyin mo lang ako nang paulit ulit"sabi nya, napatayo ako at agaran ko syang niyakap.








"Akala ko kaya ko ng wala ka pero it ended up na naramdaman kong joke lang pala yung nasabi kong ganoon dahil hindi ko pala kaya na wala ka" pag luha ko habang nakapikit na yakap sya, niyakap nya ako pabalik, doon ko naramdaman ang pag gaan ng loob ko,










"Sinasabi mo ba iyan dahil kailangan mo lang ng makakapag pagaan ng loob mo o dahil mahal mo ko?"tanong nya, dahan dahan akong bumitaw sa yakap at bumuntong hininga,




Hinawakan ko sya sa pisngi nya at napangiti ako,





"Nasasabi ko 'to dahil mahal kita, matagal na pala kitang mahal pero sadyang indenial lang ako dahil ayokong masaktan"sabi ko at napangiti sya,







"Tingin mo ba magagawa ko iyon sayo? Tingin mo ba ganoon akong tao? Lokohin ka katulad ng ginawa ng ex mo at ex ko?"tanong nya sabay hawak nya sa pisngi ko, "never kong magagawang magloko sa babaeng nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal"








"Baka sinasabi mo lang iyan para makuha lang ako----







"Hindi ako sa una lang magaling cai, kaya kong ibigay lahat ng kailangan mo hanggang sa huling hininga ko, ibibigay ko lahat lahat ng kailangan mo dahil ganoon kita kamahal----








"Paano kung ang tanging kailangan ko lang ay ang pagmamahal mo? Tunay na pagmamahal at long lasting relationship, kaya mo ba iyon?" tanong ko at napangiti sya, walang alinlangang ngumiti sabay hawak sa kamay ko,








"Oo naman, kahit hindi mo na hilingin sa akin iyan ay hindi ako mag alinlangan na bigyan ka ng tunay na pagmamahal"sabi nyang nakangiti, "hindi mo pa nga ako mahal noon ay binibigyan na kita ng tunay na pagmamahal e tapos eto pang magiging girlfriend na kita?"







Napangiti akong niyakap sya.





"I hope this love will never end na dahil sawa na akong masaktan pa"








_________________
______________________
:)

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon