09

558 14 0
                                    


Tw: Suicide

Pagkahatid nya sa akin sa apartment ko ay nagpasalamat ako sabay pasok ko na sa loob, pagpasok ko ay tumunog naman ang phone ko,



Nagpost ang bestfriend ko ng picture nila ni arnold na magkasama kaya nanghina ako at napaupo sa hagdan ng apartment ko, napaluha ako at napakapit sa railings habang nakatitig sa picture nilang dalawa,


Still him since 2017

Akala ko ay masasaktan ako sa picture nila pero mas nasaktan ako sa caption, nagulat ako sa natuklasan ko na matagal na rin pala sila, 2017? Kami pa no'n ni arnold at wala akong natandaan na nag away o nag hiwalay kami ni arnold nung 2017,

Napakasakit malaman na matagal na pala nila akong ginagago, akala ko ngayon lang pero matagal na pala, 2017 pa kung kailan kami pa ni arnold?


Naluha ako at napakapit nang mahigpit sa coat ko at sa railings habang nakatitig sa old photos na pinost nila hanggang ngayon, yung old photos nila ay yung araw na nahuli ko silang nagpicture at pinalusot nila na pang update lang daw nya iyon sa boyfriend nya tapos iyon pala ay hindi, ang boyfriend nya pala ay ang boyfriend ko rin.


Nag away away pa sila kuno sa harapan ko at sinusulsulan pa ako ng bestfriend ko na ayaw nya kay arnold tapos kinabitan nya pala?

Sa sobrang napuno ako ng galit ay binato ko ang phone ko, dali dali akong pumasok sa kwarto ko at pinag babato lahat ng gamit ko sa sobrang galit, hindi ko na nakontrol ang sarili ko dahil sa galit na dati pa pala nila ako ginagago at pinagmumukhang tanga, siguro ang saya saya nila na pinagmukha nila akong tanga, matagal na, sobrang tagal na pala tapos proud pa sila?


Sinuntok ko ang salamin at kinuha ko ang bubog nito, lumuluha ako at napaupo sa tabi,


Sobrang sakit na at punong puno na ako ng galit at lungkot, deserve ko naman na siguro na matapos na ang buhay ko 'no? Deserve ko naman na siguro manahimik kaya heto na lang ang gagawin kong way, ang hiwain ang sarili ko at ilubog isa isa ang bubog sa katawan ko para maubusan na ako ng dugo at mapabilis ang paglaho ko sa mapait na mundong kinatatayuan ko.


Habang ginagawa kong ilubog ang bubog sa katawan ko ay biglang may bumukas ng pinto,


"Itigil mo iyan cai!"


Sixto




Habang na-byahe na pauwi ng apartment ko ay natigil ako nang makita ko na naiwan pala ni cai ang bag nya sa likod ng kotse ko,


Natigil ako sa isang tabi at iniliko pabalik sa apartment nya, medyo malayo na ako sa kanya pero babalik pa rin ako sa apartment nya dahil nandito lahat ng kailangan nya,





Pagdating ko dito ay dahan dahan akong pumasok sa hindi nya naka lock na apartment, nagtaka nga ako dahil hindi ito naka lock at bumungad ang cellphone nyang basag basag sa sahig malapit sa hagdanan nya,




Nakita kong may picture ng babae at lalaki iyon, naka tag sa picture na iyon ay Arnold, siguro ito ang ex nya.




Still him since 2017



"Fuck!"bulong ko sabay bitaw na sa phone nya at akyat para hanapin si cailen,




"Cai! Nasaan ka cai!"


Saktong pagbukas ko ng pinto nya ay natigilan ako sa labas nang makita ko syang duguan ang katawan, walang malay kaya nagulantang ako, agad kong nabitawan ang sling bag nya at binuhat palabas ng apartment nya,





Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon