23

431 10 0
                                    

"Gusto mo ba mag aral?"tanong nya,



"Uh gusto ko kaso nga wala akong pang tuition sa sarili ko"sabi ko at tiningnan nya ang hawak nyang pera,



"Meron, pag aaralin na kita"sabi nyang nakangiti, "heto oh, may pera na tayo pang tuition mo, handa kong isugal ang pera na inipon ko, matupad mo lang ang pangarap mo"



Hinawakan ko ang kamay nya at ibinalik sa kanya ang pera,




"No Sixto, itago mo iyan, sayo 'yan at kaya ko namang mapag aral ang sarili ko kung mag iipon ako, huwag mo ng ibigay iyan dahil inipon mo iyan at sayo 'yan"sabi ko,





"Ang pera ko ay pera mo na rin, wala namang masama kung magastos ko 'to dahil pangarap mo naman ang kapalit ng perang ito, mas malaki pa ang kalalabasan o resulta keysa sa halaga ng perang ito"sabi nyang nakangiti at umiling ako,






"Sa iyo iyan, nakaya ko ngang pagtapusin ng pag aaral ang kapatid ko e, sarili ko pa kaya?"sabi ko, "salamat mahal dahil nag offer ka nyan pero hindi ko matatanggap dahil sayo 'yan, ikaw ang naghirap na ipunin iyan kaya ikaw ang dapat gumastos n'yan para sa sarili mo"





"Hindi ko na 'to kailangan, mas kailangan mo ito para maabot mo ang mga pangarap mo"sabi nya at unti unti akong naluha, "sinabi ko naman sayo diba na lahat gagawin ko para sayo"




"Ganoon mo na ba ako kamahal? Handa mong isakripisyo maging ang inipon mo para lang sa akin? Para lang sa pangarap ko na hindi mo naman responsibilidad na maging way para maabot ang pangarap ko?"tanong ko at tumango syang nakangiti,





"Sabi ko naman sayo na basta mahal ko, ginagawa ko lahat lahat kahit maging kapalit man nito ay sakit sa huli atleast naging best boyfriend ako sayo, ayokong magkaroon ng pagkukulang sayo" sabi nyang nakangiti, "tanggapin mo na 'to para sa pangarap mo at para magkaroon ka ng mga bagay na hindi mo nakukuha dahil sa kakapusan"




Natigilan ako at napangiting naluluhang niyakap sya, halo halong emosyon ang nararamdaman ko dahil hindi ko maipaliwanag na kung gaano ako kamalas sa una kong relasyon ay iyon naman ang kina-swerte ko ng sobra sa pangalawa kong relasyon na mas gugustuhin kong maging huli kong relasyon.



Kinabukasan ay nag aya sya na mag mall kami, naglalakad lakad kami habang naka hawak kamay.



"May gusto ka bang bilhin?"tanong nya,


"Uh wala, kain na lang tayo sa mga mumurahing restuarant dito"sabi ko, "hindi naman ako yung tipo ng tao na maluho e, more on food lang ako"




"Bakit pa tayo kakain sa mumurahing restaurant kung afford ko naman ang kumain sa mamahaling restuarant" sabi nyang nakangiti,




"Afford mo nga pero mas better na ipunin mo iyan for yourself, gumastos ka na nga para sa tuition ko tapos gagastos ka pa ng malaki para sa pagkain natin"sabi ko, "tipid na lang tayo at iyang perang igagastos mo sa mamahaling resto ay itago mo na lang at ipunin mo para sa sarili mo"




"Ano ka ba, Cailen, ayokong kumain tayo sa mumurahing resto nang ikaw ang kasama ko, ayokong dalhin ka sa cheap na restaurant, gusto kong kasama kang kumain sa mamahaling restaurant" sabi nya, "at huwag mong alalahanin ang mga ginagastos ko for you dahil ang pera ko at ipon ko ay pera mo na rin at sayo na rin iyon dahil kahit wala pang kasal na nagaganap ay  tinuturing na kitang asawa ko"



I can't even explain how i feel right now, hindi ko ma-explain na maituturing pala akong wife, akala ko noon hanggang pang girlfriend lang ako pero hindi ko naman akalain na tinuturing ako ni Sixto na asawa nya kahit hindi pa naman kami kasal.




"Bakit naman?"tanong ko,





"Because i saw how perfect you are to be my wife, the way you care for me, the maturity and mindset you have, the way you giving me advices and the way na sinesermunan mo ko for my sakes. Doon ko naramdaman na para na kitang asawa, na parang ikaw ang pumalit sa nanay ko, sa buong buhay ko lagi akong naghahanap ng taong katulad ng nanay ko, yung mindset, yung maturity at advices na mayroon ang nanay ko ay nahanap ko iyon sayo, nakita ko iyon maging ang sincerity mo sa akin"sabi nyang nakangiti, "kaya walang duda na balang araw ay pakakasalan kita"




"Tinuturing mo pa rin ba akong asawa mo kahit alam mo na kung ano ako sa past ko?"tanong ko at napangiti syang hinawakan ang kamay ko,


"Kahit anong past mo, wala akong pake basta mahal kita. Wala akong pake kung naging kriminal ka pa sa past mo, naging prostitutes? Wala akong pake Cailen dahil mahal kita, hindi nag re- reflect ang past mo sa kung ano ka ngayon sa akin"sabi nyang nakangiti, "kahit na naging dancer ka noon sa bar at naging kung ano ka man sa bar noon, rerespituhin pa rin kita, ganoon kita ka-mahal"




"Ang dumi dumi ko kaya noon tapos ako yung ideal girl mo? Madaming body counts pa iyon pero tanggap mo ako?"tanong ko, humarap sya sa akin at hinawakan nya ang kamay ko,





"Lahat ng tao sa mundo ay may kapintasan, lahat ng tao ay may mapait na karanasan, hindi mo naman ginusto ang nangyari sayo sa past mo, ginawa mo iyon para sa magandang kinabukasan ng mga kapatid mo, lahat ng iyon ay ginawa mo nang may magandang kapalit"sabi nya, "tanggap kita Cailen, desisyon ko at choice ko na mahalin ka kaya kahit ano ka pa man ay tatanggapin kita"





Dumaan kami dito ni Sixto sa may bilihan ng mga gamit, akala ko window shopping lang kaya nagtitingin lang ako at hindi ako kumuha ng cart pero hindi ko na-realize na lahat pala ng hinahawakan ko ay inilalagay ni Sixto sa cart kaya nang makarating kami sa may cashier ay nakita ko syang binayaran lahat ng hinawakan kong gamit,






"Ano 'to Sixto? Bakit mo iyon ginawa?" tanong ko nang makalapit sya sa akin kasama ang staff ng mall na buhat buhat ang pinamili namin papunta sa kotse,





"Nakita ko kase na gustong gusto mong bilhin lahat ng hinahawakan mong gamit kaya binili ko na lang kase alam kong kahit gusto mo ay ayaw mo naman sa akin sabihin dahil takot kang makagastos ako ng pera nang dahil sayo"sabi nya sabay hawak sa kamay ko, "tandaan mo na hindi sayang ang pag gastos ko ng pera kung ikaw naman ang pag gagastusan ko"






"Hindi na dapat sixto kase kailangan mong ipunin lahat ng iyan para sayo, para sa future mo, paano kung may gusto kang bilhin tapos naubos yung pera mo nang dahil sa akin?"tanong ko at hinawakan nya ang pisngi ko,





"Nabubuhay ako at nagta-trabaho ako sa mundong 'to para maibigay at mapunan lahat ng kagustuhan mo na hindi mo nakuha noon, i want to be a better boyfriend for you, i want to be your better future"sabi nya, "kaya kung ginagawa ko man itong lahat ng ito? Dahil gusto ko lang naman na magkaroon ka ng masayang alala na kasama ako dahil alam kong anytime, pwede tayong magkalayo because if your study and your family sa pilipinas, kaya habang nandito ka pa sa tabi ko, i always make a way for you to feel proud of your boyfriend"







"Kahit naman hindi mo ako bilhan ng mga materyal na bagay, lagi naman akong proud at thankful na mayroon akong katulad mo, im always proud na nasa tabi kita, na mayroon akong sixto na talagang masasabi kong perfect na boyfriend for me kaya hindi mo na ako kailangan bilhan ng mga materyal na bagay dahil ang magkaroon lang ng tulad mo ay sapat na"









__________________
__________________________
:)

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon