40

380 5 0
                                    



"Sixto?"



"Hindi 'to si sixto, si sixteen 'to" sagot ko at tiningnan nya ang jacket na suot ko, hinawakan nya iyon at inamoy,





"Jacket 'to ni sixto, amoy perfume ni sixto"sambit nya, "i-ikaw si sixt----





Hindi na nya naituloy nang bigla na lang syang matumba sa kalasingan, agad ko syang binuhat at pumara ng taxi dahil pag pinilit ko syang isakay sa sasakyan ko ay pwede syang mahulog. Iniwan ko na muna ang motor ko at iniuwi ko na sya sa bahay nila.





Inalalayan ko sya papunta sa kwarto nya, hinubad ko ang sapatos nya, inayos ko sya ng higa at nilagyan ng kumot.





Aalis na ako nang hawakan nya ang kamay ko, lumingon ako sa kanya at nakita ko ang pulang pula nyang pisngi at inaantok na mga mata,





"Alam ko ikaw si sixto dahil kilalang kilala kita"sabi nya at bumitaw ako sa kapit nya,




"Lasing ka lang dahil si kuya ay nasa paris"sabi ko sabay labas na ng kwarto nya, dahan dahan kong ni-lock iyon at humarap sa magulang nya.





"Pasensya ka na at bukambibig nya si sixto, namiss nya lang kase ang kuya mo"sabi ng nanay nya at ngumiti ako,






"Ayos lang po iyon at naiintindihan ko naman po"sabi ko at inalok nila akong magkape, hindi na ako tumanggi pa dahil iyon na rin ang way ko para makausap sila at mas makilala ko pa si cailen ng lubusan.






"May balita ka ba tungkol sa kuya mo? Kung gising na ba sya o----






"Wala pa po actually, ayun nga po ang inaantay ko, update po mula sa kanya" sagot ko,






"May gusto ka ba sa anak ko kaya umaaligid aligid ka?"tanong ng daddy nya, tumingin ako dito at ngumiti,





"Hindi ko lang po sya gusto kundi mahal na rin po"sabi ko, "kaso alam ko pong mali na mahalin sya kaya pinipilit ko ang sarili kong iwasan na lang sya at pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya"





"Makakahanap ka ng para sayo sixteen, huwag kang mag alala dahil marami pang babae dyan na hindi taken"sabi ng mommy at ngumiti akong tumango.




Cailen POV




Pag gising ko ay hawak agad sa ulo ang ginawa ko dahil hilong hilo ako, inamoy ko pa ang sarili at hininga ko, amoy alak kaya agad akong dumiretso sa banyo kahit hilong hilo para maligo at mag toothbrush.




Paglabas ko ng banyo ay nandoon si mommy na inaayos ang higaan ko,




"Oh ma, ako na po dapat dyan mag ayos"sabi ko, lumingon sya at bumuntong hininga,





"Bakit ka nag inom nang hindi nagpa paalam sa amin? Buti na lang at alam ni sixteen kung saan ka pupuntang lugar kada hating gabi"sabi nya at nagsalubong ang kilay ko,




"Si sixteen ang nag uwi sa akin dito?" Tanong ko at tumango si mommy, "wait, paanong alam nya kung saan ako mahahanap?"






"Sabi nya na alam nya kung saan ka napunta ng hating gabi, wala pang isang oras ay nahanap ka na nya agad, sinama mo na ba sya sa bar noon para malaman nya kung saan ka napunta ng hating gabi?"tanong ni mommy at natigilan ako,





"Si... si sixto lang po ang may alam na nainom ako, wala ng iba kase sya lang ang tanging pinagsabihan ko na pag wala ako sa bahay ng hating gabi ay nandoon lang ako sa bar at doon naglalabas ng sama ng loob, hindi iyon alam ni sixteen kase wala pa akong sinasabi sa kanya ng ganoon"sabi ko at natigilan si mommy,





Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon