07

694 16 0
                                    


Nag umpisa kaming dalawa sa pag pipinta ng mga nararamdaman namin, lahat ng kulay na ginamit ni sixto ay mga dark colors, nagre-represent sa kalungkutan samantalang sa akin ay red as anger and green as a new start.




Habang nagpipinta ay hindi namin maiwasang dalawa na maluha pag naalala namin ang mga ginawa sa amin ng ex namin, ang hirap pala ng ganito, araw araw kang iiyak dahil araw araw mong maalala kung paano ka ginago ng ex mo.




Mahal mo pa kase sya e, sobrang inlove na inlove ka sa kanya tapos biglang malalaman at makikita mong niloloko ka nya at sa bestfriend mo pa talaga,



Lahat ng galit at naiisip ko ay ibinubuhos ko sa pagpipinta kasama si sixto na hinang hinang nagpipinta, hindi na nya kaya, naiintindihan ko sya kase nga ten years kayong nagsama tapos nawala lang iyon at nasayang dahil sa mas pinili nyang magloko keysa sa mag stay,





"Ang hina mo naman pala e, ako nga babae pero mas malakas pa pala sayo" biro ko habang nagpipinta, umangat ang tingin nya sa akin at naglabas ng buntong hininga,




"Hindi ako mahina, sadyang nalulungkot lang ako sa sampung taon na pagsasama naming sinayang ni jas"



"Sa totoo lang, hindi naman dapat ikaw ang nanghihinayang doon e, dapat sya kase sya ang tumapos ng relasyon nyo" sabi ko sabay hawak sa balikat nya, "maging malakas ka lang sixto kase alam kong maraming tao sa pilipinas na nage-expect na uuwi ka nang magaling na ang sugat sa puso"




"Do you think, mangyayari ang sinasabi mo na uuwi ako ng magaling ang hilom ng sugat sa puso?"tawa nyang tanong at napabuntong hininga ako,




"Oo naman basta sumunod ka lang sa mga ways na gagawin natin para maka move on ng sabay, makapag move forward para magbagong buhay at makalimutan ang mga nasa past natin" sabi kong nakangiti, "siguradong pag nagawa natin iyon? Baka tawanan na lang natin ang sarili natin na sobrang umiyak sa past natin na wala naman palang kwenta"






"I don't think na magagawa ko iyan"




"Both of us need to trust the process, mukha lang impossible pero kung iisipin natin na possible nating magawa iyon ay baka malay mo naman diba?"





Nag picture kami ng mga magagandang view as a memories at nagpicture kami para makita sooner kung ano ang difference ngayon sa future self namin na hindi na nasasaktan,





Nasa rooftop kami ngayon, nakaupo at nakatanaw sa mga buildings,





"If i ask you one question, do you think you can go through to this kind of situation?"tanong nya sabay tingin sa akin, napayuko ako at napailing ako.






"Hindi ko alam kase gabi gabi pa rin ako naiyak at iniisip ang mga nangyari pero kung gusto mo namang malampasan ang mga ito ay tutulungan mo naman ang sarili mo na makausad, kaya mo naman"sabi kong nakatitig sa kanya at napabuntong hininga syang napalunok at napayuko, "ikaw ba?"








"Hindi kase hanggang ngayon pa rin ay mahal na mahal ko si jas, hanggang ngayon ay nandito pa rin sya sa puso ko, nakatatak na parang tattoo na kahit anong tanggal mo ay hindi na talaga mabubura"sabi nyang naluluha, napangiti ako at napatingin sa kawalan,






"Napaka swerte naman ni jas kase mayroon sya na tulad mo, mahal na mahal at kahit niloko ka na nya ay patuloy mo pa rin syang minamahal, ako ba? Ganoon rin ba si arnold? Nagsisisi kaya sya na niloko nya ako?" tanong ko sa kawalan, "kase ako mahal ko sya kahit may puot at galit akong nararamdaman sa kanya, nakasama ko sya ng nine years kaya hindi malabong hindi ko na sya mahal kase hindi ganoon kadaling mag move on sa taong nakasama mo ng matagal at alam mo iyan sixto"







"Sana naman mag bigay ng sign si lord na may dadating na tamang tao para sa akin, yung hindi na ako lolokohin katulad ng ginawa ni jas kase ang sakit sakit e, sana yung talagang magtatagal kami with full of love and respect to each other"sabi nya, "sana maramdaman ko naman iyon, kahit mag away kami ng susunod kong girlfriend atleast hindi kami naglolokohan sa isa't isa at mahal pa rin namin ang isa't isa ay ayos lang, basta walang maghihiwalay at magloloko"





"Sana ganoon rin ako, sana bigyan ako ng sign ni lord na may dadating rin sa akin na tamang lalaki na hindi na ako gagawing provider nya, yung totoo akong mahal hindi dahil sa ibinibigay ko ang gusto nya kundi dahil sa gusto nya kung ano akong klaseng tao"







"Mangyayari iyan kase nakikita ko namang napakabait mong tao kaya deserve mo ng lalaking talagang ta-tratuhin ka ng tama"sabi nyang nakangiti sabay akbay sa akin, "sana mahanap na natin ang taong talagang para sa atin na at hindi na yung gagamitin at magsasawa sa atin"










Kada gabi pag umiiyak ako ay lagi syang natawag, agad ko itong sinasagot at may binubungad syang ngiti sa akin,





"Naiyak ka na naman, sinabi ko sayo diba na walang susuko sa ating dalawa dahil alam kong kaya natin 'to, hindi man ngayon hihilom ang sugat na nasa puso natin pero soon kaya magpakatatag ka lang"sabi ni sixto, "gusto mo dalhan kita ng food para hindi ka na umiyak?"





Mugto ang mata nya at halatang kagagaling lang sa iyak, pareho kaming 10pm onwards naiyak dahil nasa bahay na lang kami, mag isa at walang kausap kaya mas lalo naming naaalala ang mga nangyari, ayaw man namin maalala pero wala kaming magagawa dahil mismong utak at puso na namin ang nagpapaalala ng mga masasamang nangyari sa nakaraan naming relasyon.






"Hindi na sixto, ayos lang ako, kailangan ko lang talagang ilabas ang luhang ito kase pag hindi, mahihirapan ako sa pag hinga"sabi ko sabay punas ng luha ko para hindi na sya mag alala,





"Hayaan mo dahil soon, hindi na tayo iiyak at pag nangyari iyon? Magpapa lechon ako!"masaya nyang sambit at ngumiti ako,







"Himala na lang na mangyari iyon kase alam kong napaka impossible dahil sa sobrang mahal natin ang mga taong iniiyakan natin ngayon"sabi ko at napanguso sya,








"Huwag na lang kaya tayo umiyak kase iniisip ko na iniiyakan natin sila tapos tinatawanan lang pala tayo 'no?"



Natawa ako bigla at bumuntong hininga, "ang likot ng utak mo 'no para maisip na ganyan ang ginagawa nila habang tayo naiyak?"







"Kase bakit naman nila tayo iiyakan? Sila nga itong nagloko at ibig sabihin lang no'n ay gusto na nilang kumawala sa atin kaya siguradong nag celebrate ang dalawang iyon dahil wala na tayo sa buhay nila, wala na si nine years at wala na si ten years kaya happy go lucky na sila"sabi ni sixto sabay buntong hiningang tumingala sa ceiling,







"Sana iniisip rin nila tayo 'no na paano na kaya sila"sabi nya at napabuntong hininga ako, "tapos pag chinat ako ni jas kung okay lang ba ako, agad akong sasagot ng yes po mahal"






"Ang rupok mo naman, niloko ka na nga tapos parang babalikan mo pa, iiyak ka lang nang iiyak kung babalik ka pa sa taong niloko ka"sabi ko at natawa sya,






"Syempre biro lang, sino ba namang tanga ang babalik sa nagloko nilang ex?"tanong nya, "dinadaan ko lang talaga sa biro muna ngayon para mabawas-bawasan ang stress na nararamdaman ko sa mga nangyari at mamaya kase ay iiyak na naman ako kaya idaan ko na muna sa biro bago humagulgol"







Natawa kaming pareho at nagkwentuhan pa para mabilis na malibang at makatulog nang hindi umiiyak.






__________________
_____________________
:)

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon