35

387 10 0
                                    

"Uy cailen, galit ka ba sa akin kaya mo ako iniiwasan?"pag iistorbo nya at pangungulit nya sa akin dito sa may library habang ako ay hindi sya pinapansin at patuloy lang sa pagbabasa,


"May nagawa ba akong masama?" tanong nya,

"Shhh! Sixteen, nasa library tayo, manahimik ka baka mamaya mapalayas tayo dito"sabi ko sabay patuloy sa pagbabasa at bumuntong hininga sya,


"Bakit kase hindi mo ako pinapansin? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo sa akin para itatama ko"sabi ko at sinara ko ang libro sabay harap sa kanya,

"Wala kang ginawang masama o wala kang kasalanan, ang gusto ko lang ay tantanan mo na muna ako dahil nag aaral ako"sabi ko sabay buklat ulit ng libro para magpatuloy sa pagbabasa.

Ang kakulitan nya ay umabot ng ilang oras, kada lakad ko o kung saan man ako pumunta ay nandoon rin sya na mas kinainis ko,

"Please, tayo na lang magkagrupo, ako na gagawa ng essay promise, titimplahan pa kita ng juice basta tanggapin mo ako bilang kagrupo mo" sabi nya,


"Kaya mo naman pala mag sulat ng essay, edi mag indibidwal ka, malaki ka na kaya, kaya mo na iyan"sabi ko at napaismid sya,


"Tandaan mo cailen, hindi ako susuko kahit gaano ka pa kasungit, hindi ako susuko na mapa-oo ka na maging ka- grupo ko"sabi nyang nakangiting bumulong sabay alis, sinundan ng mata ko ang pag alis nya bago bumuntong hininga.



Pag uwi ng bahay ay inasikaso ko na muna si mommy, pinainom ko ng gamot bago umupo sa tabi nya at nagkwento ng tungkol kay sixteen.


"Mom, ano po bang gagawin ko pag may taong inalayan ako ng kanta o libro na tungkol sa akin? Should i thank him or ignore what he have done?" Tanong ko at nagsalubong ang kilay ni mommy,


"May tao bang nag alay sayo nyan?" Tanong ni mommy, inilabas ko ang libro na gawa ni sixteen at ipinahawak ko iyon kay mommy para mabasa nya,


"A-ang gumawa po nyan ay kapatid ng boyfriend ko po, iyong kambal nya," sabi ko at unti unting umangat ang tingin sa akin ni mommy,



"Ang awkward naman anak"sabi nya at dahan dahan akong tumango,

"S-sobra po mommy kaya hindi ko po alam kung paano mag react kase parang kapatid ko na po sya pero may gusto sya sa akin"sabi ko at napangiti si mommy,



"Kung talagang mahal ka ng taong ito, re-respetuhin nya na mas mahal mo ang kapatid nya keysa sa kanya" sabi ni mommy at napangiti akong tumango.

Nang makapag imis na ako at ayos na ay humiga na ako, kinuha ang libro at binasa ulit, hindi talaga ako makapaniwala na nagawa nya ang makapal na libro sa loob ng ilang araw lang na nagkakilala kami ni sixteen.



Chapter 1

Hindi ko talaga ineexpect na makikilala ko ang katulad nya, hindi ko ineexpect na sa isang kaganapan ay magkakakilala kami.



Natigil ang pagbabasa ko nang may marinig akong nakanta mula sa labas ng bahay namin, pamilyar ang boses kaya nagsalubong ang kilay ko. Pag silip ko sa bintana ay nambilog ang mata ko nang makita si sixteen na naggi- gitara at kanta,





"Hey, there's a look in your eyes
Must be love at first sight
You were just part of a dream
Nothing more so it seemed
But my love couldn't wait much longer
Just can't forget the picture of your smile
'Cause every time I close my eyes
You come alive" pag kanta nya,



Lumabas ako ng pinto at nagsalubong ang kilay,




"Huy sixteen, gabi na ano bang ginagawa mo?"tanong kong naiirita pero patuloy pa rin sya sa pagkanta,




Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon