39

347 10 0
                                    

Matagal ko ng iniiwasan si sixteen dahil nga sa pangyayari na hindi ko ikinatutuwa dahil alam kong masasaktan si sixto pag nalaman nya iyon.

Second year college na kami ni sixteen, magkaklase pa rin kami, gusto ko man magpalipat ng ibang section para maiwasan sya pero puno na ang ibang section kaya nag stay na lang ako dito kahit ayoko syang kasama,

"Mr Alonzo and Ms Salvador, kayo ang magkapartner sa gagawin nating activities"banggit ng professor namin, napaangat ang tingin ko at napalingon kay sixteen na focus pa rin sa pagsusulat,

"Uh ma'am?"tinaas ko ang kamay ko, tinawag ako nito at tumayo ako,

"P-pwede po bang sa iba mo na lang po ako igrupo?"tanong ko,

"Ms salvador, okay na at lahat may partner na, kung hahanapan pa kita ng partner, magkakagulo lang at gagaya yung iba na ayaw sa kapartner nila" sabi ng prof namin,

"Miss, may problema po kase between me and mr alonzo, hindi po namin kayang magkasama"sabi ko at natawa ang prof namin,

"Wala ka ng magagawa miss salvador, be professional na lang, isipin nyo na lang na kaya kayo nagsama ay para sa grades ninyo"sabi nya sabay alis,

Tumingin ako kay sixteen na ngayo'y nagsusulat pa rin katulad kanina.

"Sixteen, ito na lang ang task na ibibigay ko para sayo tapos ako na dito sa iba"sabi ko nang hindi natingin sa kanya para maiwasan ang awkwardness.

"Gusto mo ba akin na lang lahat ng task na iyan? Ako na gagawa para makapag pahinga ka na lang"sambit nya at umangat ang tingin ko sa kanya,


"Ayokong maging pabigat sixteen, kung ano lang ang binigay kong task sayo, ayun lang ang gawin mo"sabi ko sabay alis na para umuwi.


Nakita ko sa bintana ng school na naulan kaya sinuot ko ang hoodie ko, wala pa naman akong payong kaya tumakbo na lang ako palabas ng university. Muntikan pa nga akong madapa dahil hindi ko napansing hindi pala nakasintas ng maayos ang sapatos ko,


Tumigil muna ako para itali iyon nang maayos, natigil ako sa pagsisintas nang may nakita akong tao na nakatayo sa harapan ko, nawala rin ang nararamdaman kong pagtulo ng ulan sa hoodie ko,

"Wala ka palang payong, dapat nakisabay ka na lang sa akin keysa sa magpakabasa ka sa ulan"sambit nito sa malamig at malalim na boses, dahan dahang umangat ang tingin ko dito at nakita si sixteen na nakatayo sa harapan ko at may hawak hawak na payong at nakapwesto iyon sa akin kaya sya ang nababasa.


Tumayo ako, hindi pa maayos ang sapatos ko pero aalis na agad ako, ayaw ko pang magtagal sa harapan nya dahil alam kong magkakaroon na naman ng malisya kung mag uusap pa kami.

Naglakad na ako palayo sa kanya nang higitin nya ang braso ko pabalik, binitawan nya ang payong at lumuhod sa harapan ko, inayos nya ang pagkakatali ko sa sapatos ko. Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko.



"Sixteen, ako na dya----

"Madadapa ka"sabi nya sabay tayo, kinuha nya ang payong at pilit nyang pinahawak nya iyon sa akin, "ayokong magkakasakit ka, ayaw ni kuya na napapabayaan ang pinakamamahal nya"

Iyon ang huli nyang sinabi bago nya ako nilampasan.

"Hindi ko alam ma, kung sa nakita ko, iisa lang ba si sixto at sixteen o kambal talaga sila na pareho lang magsalita at ng ugali?"tanong ko habang nakatingin sa kawalan habang si mommy ay nakaupo sa tabi at nainom ng gatas,





Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon