25

399 9 0
                                    

Pagbalik ko ng bahay namin ni sixto ay tulala ako, nanghihina kaya imbes na dumiretso ako sa may kwarto ay umupo ako sa may sahig ng sala at umiiyak,

Nagdadasal, patuloy nagdadasal na sana ayos si sixto. Hindi kaya ng konsensya ko kung ano ang mangyari sa kanya nang dahil lang sa akin,


Habang naiyak ay biglaan namang tumawag si mommy, agad ko itong sinagot pero bago ko pa man din ito sagutin ay pinunasan ko na muna ang luha ko,



"Nak"


Hindi ko mapigilang maluha nang marinig ko ang boses ni mommy, sya ang comfort ko, sya yung taong laging nandyan para icomfort ako tuwing may problema ako.


Kaso sa ganitong sitwasyon, hindi ko kase kayang sabihin sa kanya ang problema ko ngayon dahil hindi nya alam na nagkaroon ako ng jowa dito sa paris at hindi nya alam o kilala si sixto,

"Ayos ka lang ba? Naiyak ka"sabi ni mommy at napailing akong pinunasan ang luha ko,

"Wala po, namiss lang po kita mommy" sabi kong nakangiti at napangiti sya pabalik,

"Miss na rin kita anak, miss na miss ka na namin ng daddy mo"sabi nya, "kailan ka ba uuwi ng pinas para makapiling ka na namin ng daddy mo?"

"Malapit na po mommy, mag stay lang po ako dito ng limang araw tapos uuwi na po ako dyan"sabi kong nakangiti, dahil hindi ko na kayang maglagay ng pilit na ngiti sa harap ng camera ay ibinaba ko na ito sabay hagulgol na ulit.


Pumasok na ako sa may kwarto, umupo sa may kama at iniisip kung tutuloy pa ba ako sa pilipinas?

Parang hindi ko kase kayang iwanan si sixto at baka mamaya ay bigla na lang syang mawala, baka pagbalik ko ng paris ay wala na sya at hindi ko na ulit sya matagpuan pa.


Takot na takot na akong magmahal sa phase kong ito, ganito na ba ako kamalas? Iyong una kong relasyon, tumagal pero nagloko naman iyon tapos ngayong nahanap ko na ang para sa akin, yung talagang nag trato sa akin ng tama saka naman sya naaksidente tapos pinalayo pa ako ng lola nya sa kanya.


Kinuha ko ang unan ko para iyon ang yakapin pero nakita kong may papel doon na kulay purple at paper ring, kinuha ko iyon at dahan dahan ibinuklat ang sulat,



Happy Birthday! Tandaan mo na lagi kang special, mapa birthday mo man o hindi, special ka:)

-sixto

Sa messege na nakasulat sa papel na ito ako naluha, nanginginig ang mga kamay ko sabay pikit hawak ang dibdib ko.



"Sixto.... bakit mo naman ako iniwan" bulong ko sa hangin, gusto ko man syang bantayan nang matagal sa hospital pero hindi pwede dahil sa lola nya na binigyan ako ng limitasyon.



Kinabukasan, pumunta ulit ako ng hospital para dalawin si sixto, pangalawang araw ko na ito kaya nanghihina na ako dahil hanggang limang araw lang ako dito sa paris at lilipad na ako papunta sa pinas.




"Nandito ka na naman, hindi ka ba mapapagod na umiyak nang umiyak kakatingin sa kalagayan ng apo ko?" Tanong ng lola nya at umiling ako,



"Hangga't mahal ko po ang anak nyo, hindi ako mapapagod na umiyak at hindi ako mapapagod na dalawin at kausapin kahit alam ko namang wala syang malay"sabi ko at lumabas na sila ng kwarto ni sixto,



Inilapag ko ang prutas na dala ko sa may table at tumabi kay sixto, hinawakan ko ang kamay nya at ipinwesto ko ito sa may pisngi ko.



"Gising ka na mahal, gusto ko kase mahal pag alis ko ng paris ay makita man lang kitang malakas at gising para alam kong may babalikan pa ako dito" pag luha kong nakatitig sa kaawa awa nyang mukha, "please"





Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon