08

638 15 0
                                    



"Uy goodmorning! Gising ka na pala"

Napangiti ako bigla nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad na sa akin si sixto at may dala syang pagkain,


"Ang aga mo naman"


"Syempre para on time ka rin kumain kase alam kong ang dami mong nilabas na luha kagabi kaya kailangan mo ng energy ngayon"sabi nya habang hinahainan na ako, napangiti ako at napaupo sa may dining at tumitig sa kanya,




"Akala mo naman hindi rin sya ganon" pag ngiti ko at napangiti sya,



"Same lang tayo, same lang tayong umiiyak gabi gabi sa maling tao"sabi nya at inabot na nya sa akin ang pagkain, "kumain ka na, mamaya may pupuntahan tayo para makarelax relax ang isip natin"


Habang nakain ako ay hindi naman ako nabuburyo dahil kinekwentuhan nya ako at pinapatawa, tapos na daw syang kumain kaya ako na lang daw, para daw hindi ko na maisip ang trauma na idinulot sa akin ni arnold ay kekwentuhan daw nya ako.






Pagtapos no'n ay sya ang namili ng damit para sa akin,


"Kailangan comfortable ka sa susuutin mo para freely ka makapag likot likot sa pupuntahan natin"nakatitig nya sa aking sabi at napangiti ako sa kanya,



"Heto oh, bagay sayo tapos ternuhan mo pa nitong coat"pag bigay nya sa akin, "ano? Okay ba 'to sayo? Kung ayaw mo ng mga pinipili ko para sayo, ayos lang, magsalita ka at ikaw na lang ang pumili kase ikaw naman ang makakasabi kung ayos ba o comfortable ka sa damit na iyon kase ikaw ang magsusuot"


Kinuha ko ang damit na hawak nya at napangiti sa kanya, "ayos na ako dito, salamat sixto sa pagtulong sa akin"



"Wala iyon, sabi ko nga sayo, sabay nating kahaharapin ang anumang struggles na kinahaharap natin"sabi nyang nakangiti.





Naligo na ako, pagtapos no'n ay sa mismong banyo na ako nagbihis, paglabas ko ay nakita ko syang iniimis ang apartment ko, natigil ako sa may pinto ng banyo at napangiting nakatitig sa kanya,



Ang dami ko kaseng kalat na naiwan dahil sa pag iyak ko kagabi, hilig na hilig ko kaseng mambato ng mga gamit pag nade-depressed ako, nagpapasalamat na lang ako dahil nandyan si sixto para tulungan ako na mabilis maka-move on,




Umiwas ako sa pagtitig nang makita ko syang tumingin sa akin at napangiti,


"Tapos ka na pala, hindi mo naman ako ininform"sabi nyang nakangiti,


Habang nagsusuklay ako ay kinuha nya iyon maging ang blower,



"Ako na dyan sixto"pag angkin ko pero nilayo nya iyon,


"Ako na, para hindi ka na mahirapan, ang gawin mo na lang ay mag make up ka para mukha kang presentable atsaka para hindi halata ang mugto ng mga mata mo"sabi nyang nakangiti, natigilan ako kase sa buong buhay ko ay never kong narinig ang mga salitang iyan kay arnold,






Sya ang taga blower at suklay sa akin habang ako naman ay taga make up sa sarili ko, habang ginagawa namin iyon ay sinasamahan namin ng nakakatawang kwentuhan para hindi kami ma-bored at iniiwasan nyang maipaalala na naman ng utak ko sa akin ang ginawa ni arnold sa akin kaya sinasambot nya iyon at nilalagyan ng masayang kwentuhan.






Pagtapos no'n ay ako naman ang nag ayos sa kanya ng coat nya at sabay na kaming umalis, pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya at bumyahe na sya,




Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon