20

530 12 0
                                    

Nagsimula ulit kaming dalawa, dito kami sa paris, nagsimula kaming dalawa nang kami na, boyfriend ko sya at girlfriend nya ako.

Ang saya na kasama ko sya ay never kong naranasan nung kasama ko si arnold,



"Nung ngayong naging tayo na, naniniwala ka na ba sa love?"tanong ni sixto habang nakatingala kaming pareho sa nailaw na eiffel tower, tumingin ako sa mga mata nya at napangiti,




"Simula nang maging boyfriend kita, naniniwala na ako sa love kase nung naging tayo na ay ramdam na ramdam ko ang pure and genuine love na never kong naramdaman"sabi kong nakangiti, bumaling sya ng tingin sa akin at napangiti,



"Umpisa pa lang iyan at marami pang susunod"sabi nyang nakangiti, lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya nang mahigpit, naluluha dahil hindi ko akalain na may ganito pa palang lalaki sa mundo na magbibigay ng totoong pagmamahal sa iyo.






Araw araw nya akong dinadalhan ng bulaklak sa apartment ko, pag tulog naman ako ay lagi nya akong nilulutuan ng pagkain, lagi akong may kiss at iba't ibang kulay ng paper rings ang binibigay nya sa akin,






"Bakit mo pa ako binibigyan ng bulaklak araw araw, e tayo naman na" sabi ko habang hawak ang bouqet ng bulaklak,






"Kahit tayo na, araw araw pa rin kitang liligawan at araw araw pa rin akong magpapasalamat dahil naging girlfriend kita"sabi nyang nakangiti sabay halik sa noo ko,






"Love mag ayos ka na"sabi nya habang kinakabit ang relo nya, nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka, wala namang okasyon para pag ayusin nya ako,







"Bakit?"




"Pumunta yung lolo at lola ko dito sa paris, ipapakilala na kita sa kanya"sabi nyang nakangiti,






Natigilan ako at napangiti, ang ganitong pangyayari ay hindi ko pa nararanasan, hindi ko pa kailan nararanasan na maipakilala sa mga magulang bilang girlfriend kaya natutuwa ako,





"Talaga ba?"tanong ko, hindi lang talaga ako makapaniwala na ipapakilala nya ako sa lolo at lola nya, nakakatuwa kase gagawin nya iyon kahit bago pa lang kami, 




"Oo naman"sabi nyang nakangiti,





"P-pero bakit?"




"Dahil sigurado na ako sayo, alam ko sa sarili ko na ikaw na ang tamang tao para sa akin at oras na para maipakilala sa lolo at lola ko ang taong nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal"sabi nyang nakangiti,





"Pagtapos ng nangyari sayo at sa ex mo, tingin mo mapagkakatiwalaan pa nila kaya ako?"tanong ko, "kase baka isipin nila na lolokohin rin kita"




Lumapit sya at hinawakan ang kamay ko sabay akbay sa akin,






"Always silang nagwe-welcome ng taong nadating sa buhay ko, hindi ka nila ipagtatabuyan kung ramdam at alam nilang hindi mo gagawin ang ginawa sa akin ng ex ko noon"sabi nyang nakangiti, "huwag ka ng mangamba, hindi mo naman diba yun gagawin?"







"Oo naman, natatakot lang ako na baka pagdudahan nila ako na lolokohin ka rin nila"sabi ko at umiling sya,







"Makita nila at ramdam nilang masaya ako sa kasama ko ay masaya na rin iyon at tatanggapin ka nila katulad ng pagtanggap ko sa iyo"sabi nya at hinalikan ako sa noo.




Nag ayos na ako, sya pa nga ang nagmake up sa akin dahil medyo nahihilo ako dahil sa puyat ako kagabi dahil sa may inasikaso ako sa phone ko,




Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon