10

601 12 0
                                    

Pinauwi na ako ng doctor, si sixto ang nagbayad ng hospital bill at sya ang nagtulak ng wheel chair ko at inalalayan nya ako papasok sa kotse nya.

Nagulat ako sa kanya nang inuwi nya ako sa apartment nya,

"Uy bakit mo ko dito inuwi?"tanong ko,

"Mahina ka pa kase at wala kang kasama sa apartment mo kaya dito ka na mag stay"sabi nya,

"Huh? Sixto, ihatid mo na ako sa apartment, please?"tanong ko pero wala syang imik na tinulak ang wheelchair ko papasok sa bahay nya,


"Hindi pwede, nanghihina ka pa at isa pa lilinisin ko pa ang apartment mo na napaka kalat kaya habang ginagawa ko iyon at habang mahina ka pa ay dito ka na muna mag stay para naman mabantayan kita"sabi nya at naluha ako, nagsalubong ang kilay nya at pinunasan iyon gamit ang thumb nya.




"Bakit? May nasabi ba akong masama? Nasaktan ka ba sa sinabi ko?"tanong nya at napabuntong hininga ako,


"Hindi, naalala ko na naman si arnold dahil iyan lagi ang salitang sinasabi nya pero look, iniwan nya pa rin ako, with those sweet words, nadala nya ako"naluluha kong sabi at lumuhod sa harapan ko si sixto para pantayan ako, pinunasan nya ang luha ko at hinawakan sa pisngi,



"Huwag ka ng umiyak, never ka ng maiiwan ng kahit na sino okay kase nandito ako para protektahan ka sa kahit na sino"sabi nyang nakangiti at niyakap nya ako.



Sana nga magtagal sya na po-protekta sa akin, pagod na kase akong maiwan at lagi na lang saktan ng kahit na sino, pagod na pagod na akong lokohin at gamitin, gawing pang rebound o gawing pampalipas oras lang, ayoko na kase nakakasawa na mapunta sa red flag na todo kong minahal.



"Oh heto, i prepared a salad for you" pag lapag ni sixto ng salad sa dining nya, inalalayan nya ako sa pagtayo para makaupo sa upuan sa dining at nang makaupo na ako ay hinainan na nya ako sa plato,

Nakatitig lang ako sa kanya na naluluha,

"Hindi mo na dapat 'to ginagawa sixto, dapat nga nagmove on ka e, hindi yung nag aasikaso ka at nagiging pabigat lang ako sayo"sabi ko at natigilan sya, tiningnan nya akong nakasalubong ang noo at dahan dahan syang napaupo,



"What are you talking about? Pabigat? Kailan pa? Atsaka in this way? Sa pag aalaga ko sayo at pagkasama kita? Nakakalimutan kong galing ako sa toxic na relasyon kaya nga nag eenjoy ako kase feeling ko nawawala na yung sakit na nararamdaman ko,"sabi nya,



"Isip mo lang iyan at huwag mo masyadong isipin na ako ang dahilan kung bakit ka nalilibang at nalilimutan mo ang problema mo kase hindi ako permanente dito sa paris, uuwi at uuwi ako sa pilipinas at maiiwan kita dito" sabi ko at natigilan sya,




"Iiwan mo na naman ako?"tanong nya at bumuntong hininga ako,


"Oo sixto, hindi naman kase habang buhay nandito ako sa paris para mag stay sa tabi mo at maging comfort mo"sabi ko at napabuntong hininga sya,



"Bakit ba lahat na lang kayo iniiwan ako? Nasa pilipinas si arnold, babalikan mo na naman ba sya kaya ka babalik sa pilipinas?"



"Tangina, hindi porket nasa pilipinas si arnold at babalik ako sa pilipinas ay sya na ang sadya ko, gusto ko lang bumalik at takot kase ako na ma-fall sayo at gawin mo lang akong pang rebound"naluluha kong sabi at dali dali syang humawak sa kamay ko,


"Hindi ko iyan magagawa, hindi ako katulad ng iba na lolokohin ka lang at pagtapos kang gamitin ay iiwan ka na lang, hindi ako ganoon"sabi nya at umiling ako,





"Hindi lang iyon ang dahilan"sabi ko, "mahal ko pa kase si arnold at hindi pa ako handang magmahal pagtapos ng relasyon ko sa kanya kase nararamdaman kong para ko syang niloloko, para akong naging katulad nya na cheater kaya soon as possible at kung makaramdam ng kakaiba ang puso ko para sayo ay lalayo na agad ako kase hindi ko pa kayang magmahal ulit"

Pagkasabi ko no'n ay binitawan nya ang kamay ko at napangiti sya sa akin,


"I will respect what your decision is, hindi ko pakekealaman iyan pero kung sakaling handa ka ng magmahal ulit at kailangan mo ng taong nandyan para sayo lagi, andito lang ako sa paris, mag aantay sayo"sabi nyang nakangiti,


"Hindi ka na uuwi sa pilipinas?"tanong ko,

"Masakit kase para sa akin pag umuwi pa ako ng pilipinas kase nandoon si jas, ayoko syang makita ulit kase kung patuloy ko syang makikita ay patuloy ko lang din masasaktan ang sarili ko" sabi nya at napatango ako.




Naglinis lang sya ng apartment nya tapos inayos nya rin ang mga gamit ko sa cabinet na bakante sa isang kwarto,



Dahil nga nanghihina pa ang mga kalamnan ko ay hindi pa ako makalakad ng ayos kaya naka wheel chair ako, nagpapasalamat naman ako dahil nandyan si sixto para alalayan at tulungan ako.



Maya maya pa ay lumapit sya sa akin at may dala syang green floral dress na off shoulder,



"May ganito ka palang damit, this dress fits you so well kaya, bakit ayaw mong suutin?"tanong nya,


"Sa lagay kong ito at sa pinagdadaanan ko, tingin mo may time pa ako para magsuot nyan?"tanong ko na walang reaksyon nang hawakan nya ako sa chin ko,



"Huwag mong ilubog ang sarili mo sa kalungkutan, para ma-enjoy mo ang day dito sa paris ay magpafresh ka, magpaganda ka lalo para makita ni arnold ang sinayang nya"sabi ni sixto at napangiti ako.




Tulak tulak nya ako ngayon at nag iikot kami ngayon dito sa may museum, gaya nga ng sabi nya ay sinuot ko ang floral green dress, sya nag ipit sa akin at nilagyan nya iyon ng white ribbon.




"Gusto ko sana magpa-picture kaso nakakahiya naman kung mag picture ako nang naka wheel chair ako"sabi ko at tumigil sya,




"Walang problema iyan, gawan natin ng paraan"sabi nyang nakangiti,

Inalalayan nya ako sa pagtayo at tinuruan nya ako kung paano ang pose, pinasandal nya ako sa wall at inayos nya ang buhok ko saka nya ako pinicture-an, ang galing lang kase nakapag isip sya ng paraan kung paano ako magmumukhang maayos sa picture at nagustuhan ko iyon,


"Hindi ka ba nahirapan sa pagtayo kanina? Buti hindi ka natumba"sabi nya habang patuloy nya akong tinutulak,


"Hindi, ikaw ba?"tanong ko at nagsalubong ang kilay nya,


"Huh? Anong ako? Ayos naman ako atsaka hindi ako naka wheel chair para mahirapan"sabi nyang nakangiti,

"Hindi, ibig kong sabihin ay ikaw ba? Hindi ka ba nahihirapan na alalayan ako? Para ka tuloy may matandang ala- alaga kase gawa ko"sabi ko, tumigil sya sa pagtutulak sa akin at lumuhod sa harapan ko,


"Hindi, nagpapasalamat nga ako kase nandito ka e, nagpapasalamat ako dahil ikaw ang isa sa dahilan kung bakit unti unting nabubuo ang wasak na ako" sabi nyang nakangiti sabay hawak sa pisngi ko, "kung hindi dahil sayo at kung wala ka sa tabi ko? Siguradong hanggang ngayon ay nababaliw pa rin ako, isa ka rin sa pinapasalamatan ko dahil sa oras na naiisip kong magpakamatay ay nandyan ka para maging motibasyon ko sa pag bangon ko sa oras na nahihirapan na ako dahil sa kalagayan ko"



Natigilan ako at unti unting naluha, hindi ko alam na ganoon na pala ako kahalaga sa kanya, hindi ko alam na kahit pa-paano pala ay may taong nakakakita sa akin na importante ako.



__________________
_____________________
:)

Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon