27

400 10 0
                                    

Nasa tabi ako ngayon ni sixto, hawak na naman ang kamay nya at nakangiti akong naluluhang nakatitig sa kanya,

Nakokonsensya ako dahil ipinangako ko sa kanya na kahit anong mangyari ay sya ang pipiliin ko sa huli pero hindi ko naman kayang hindi piliin ang nanay ko, nanay ko na kailangan ako.

"S-sorry mahal"sabi kong naluluha, "sorry dahil hindi ko natupad ang pangako ko sayo na ikaw ang pipiliin ko sa huli"


"Sigurado namang maiintindihan iyan ni sixto, alam ni sixto iyan at maiintindihan nya iyan panigurado kaya huwag ka ng mag alala hija" napa angat ang tingin ko sa lola nya at napangiti,


"Nakokonsensya po kase ako na ang unang pangako ko sa kanya ay napako na"sabi kong naluluha,


"Pero tutuparin mo naman diba ang pangalawa mong pangako sa kanya diba? Ang makapag tapos ng pag aaral" sabi ng lola nya at tumango akong nakangiti,


"Opo, sisiguraduhin ko pong pagbalik ko ng paris ay may dala akong diploma para ihatid sa kanya at ipagpasalamat sa kanya iyon"sabi kong nakangiti.

Kung maibabalik ko lang ang araw na naaksidente si sixto, gagawin ko at sa araw na iyon ay pipigilan ko na sya kahit anong pilit nyang umalis ay dapat sinundan ko kahit mabasa ako sa ulan patuloy ko pa rin syang hihigitin pabalik sa bahay para hindi mangyari ito.

Ang sakit sakit kase sa akin na makita ang pinakamamahal ko na nakikitang nakahiga, walang malay at may bandage sa ulo.

"Hayaan mo mahal dahil babalikan kita, tatapusin ko na muna ang lahat ng dapat tapusin sa pilipinas bago ako bumalik sayo"sabi ko sabay halik sa noo nya bago umalis nang umiiyak.

Labag man sa kalooban ko ang iwanan sya pero fix na ang desisyon ko, kahit ayoko at kahit masakit para sa akin na iwanan sya ay iiwanan ko na muna sya dahil ang gagawin kong ito ay para sa pangarap ko at pangako ko na gusto ni sixto na matupad ko.

Natigil ako sa may poste sa labas ng hospital at doon naluluhang nakatulala sa kawalan,

"Ang dami ko namang problema, pwede mo bang bawasan Lord? Kase ang sakit na po, hindi ko na po kaya" pag luha ko at unti na lang, gusto ko ng lumuhod sa sobrang pagod, stress at daming isipin.

Umalis na rin ako kaagad na parang walang nangyari, nagbook ako ng flight bago mag impake ng mga gamit ko.

Habang iniimpake ko ang mga gamit ko ay natigilan ako nang makita ang picture frame ni sixto sa loob ng cabinet, napangiti ako at hindi maintindihan kung ano ba ang mararamdaman? Saya o lungkot.

Kinuha ko iyon at niyakap ko habang humahagulgol,

"Sana maintindihan mo kung bakit ako aalis at iiwanan ka muna pansamantala sixto"sabi kong naluluha sabay halik sa picture frame nya, napapikit ako at nanginginig na napalunok.



Pagka impake ko ng gamit ay nilock ko ang bahay namin ni sixto sabay ngiti, maraming memorya na nakapaloob sa bahay na ito at sana pagbalik ni sixto ay malagyan pa nya 'to ng mas maraming masayang memorya pag umuwi ulit sya dito.





Nasa byahe na ako ngayon pauwi sa pinas, nakatulala lang akong nakatingin sa may bintana nito at naluluha, paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na ginawa ko naman yun para sa mommy ko at sa pangako ko kay sixto na magtatapos, iniisip ko rin na maiintindihan naman nya siguro diba pag gising sya at wala ako sa tabi nya?



Pag uwi ko sa pinas ay sinalubong ako ni mommy at ni daddy, niyakap nila ako at doon ko binuhos ang luha ko sabay hawak sa pisngi ni mommy.



Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon