16

493 14 0
                                    

"Anteh hayaan mo na muna, baka na- insecure kase sya nung makita ka nya, ang ganda mo kase tapos baka feeling nya ay hindi sya pogi para sayo"sabi ni alexa, nasa balcony nya ako, nakasandal sa may sliding door at sya naman ay nagtatahi,

"Sinabi ko naman sa kanya na tanggap ko sya basta mamahalin nya ako ng buo, hindi naman ako tulad ng ibang babae dyan na itsura lang ang gusto" sabi ko, "katulad nyan, pogi si arnold pero manloloko naman kaya wala rin akong napala, mas okay yung patama man o sablay ang itsura atleast maganda ang kalooban at tunay magmahal aba okay na yun, doon na ako keysa sa pogi nga, maraming nagkakagusto, malakas ang dating katulad ni arnold pero manloloko naman pala"


"Hindi pa ba kayo nag uusap ni gel pagtapos ng tampo mo na hindi sya sumipot? Na bigla na lang syang umalis?"tanong ni alexa at bumuntong hininga akong tumingin sa kawalan,


"Hindi pa rin, hindi naman na ako nagtatampo sa kanya kase naiintindihan ko naman sya na hindi pa sya handa pero ayaw pa rin nya makipag usap, takot sya na baka pag nakita ko daw sya ay iwanan ko na lang sya"sabi ko, "bakit kaya? If itsura nya ang ikinahihiya nya, bakit naman sya mahihiya? Be confident enough to show yourself, as long as hindi ka manloloko, pogi ka na no'n"



"Ang mysterious naman ng deadshot shawty mo huh, magkikita na kayo pero biglang umatras, baka mamaya kilala mo yan o kaaway mo kaya nung nakita ka nya ay umatras na sya"sabi ni alexa at nagkunot ang noo ko, nag overthink na dahil what if totoo nga?

"Ayos ka na ba dyan anak?"tanong ni mommy at kausap ko sya sa video call, "naka move on ka na ba kay arnold?"


"Hindi ko lang po sure ma, naiisip ko pa rin sya at kada naiisip ko sya ay hindi ko mapigilang maiyak at mambato ng mga gamit sa galit ko sa kanya pero sana sooner or later ay maging ayos po ako"sabi kong may pilit na ngiti,


"Nako cailen, mag move on ka na ng mabilis, subukan mo kayang mag date ng stranger para maka move on ka sa past toxic relationship mo, makakatulong iyon para ma enjoy mo rin ang buhay mo dyan sa paris ay dapat may katuwang ka sa pag buo ng plano o goals mo dyan"sabi ni mommy at bumuntong hininga ako,



"Sinusubukan ko po mommy"


"Kung alam mong hindi mo deserve ang taong iyon at kung alam mo sa sarili mo na hindi sya worth it na iyakan sa huli ay huwag mo ng piliting mahalin pa ang taong iyon dahil ikaw lang ang masasaktan sa huli"sabi ni mommy at napangiti ako.




Bumisita ako sa may seine river, naglakad lakad, nagpapahangin para sakaling gumaan ang loob ko, ang nararamdaman kong depression at trauma.




Kada napunta ako sa lugar na ito, lagi kong naalala si sixto, dito rin ang lugar kung saan nare-relax ang isip ko, nakaka stress ang mga nangyayari sa buhay ko kaya nagpapasalamat ako na this place exist.

May paglalabasan ako ng sama ng loob ko at may lugar akong pag rerelax-an ng isip kong gulong gulo at hindi na alam kung ano ang gagawin,


Habang nakatanaw sa malayo ay may naramdaman akong humawak sa balikat ko,


"Cai, im back"

Dahan dahan akong napalingon at nang makita ko sya ulit? Napuno ako ng galit at sobrang pagkapikon nang makita ko ulit sya,


Hindi sya dapat nandito dahil lalo lang akong magagalit at hindi makaka move on,




"Anong ginagawa mo dito?"kalmado kong tanong at nakita kong napangiti sya,





Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon