22

434 10 0
                                    



"Mahal!"

Natigil ako sa pag tatahi nang marinig si sixto mula sa labas, napatayo ako at sinalubong nya ako ng yakap nya,





"Bakit mahal? May maganda bang balita?"tanong kong nakangiti sabay halik ko sa kanya sa pisngi,




"Na-promote ako sa trabaho ko, natuwa sa akin yung french owner ng resto kaya pinromote nya ako"sabi nyang nakangiti, "manager na ako!"








"Wow, mahal congrats"



Sa sobrang tuwa nya ay binuhat nya ako at inikot ikot bago ako ibaba at paghalik halikan.








"

Nakapagtapos ka ba ng pag aaral?" tanong nya habang nagbibilang ng pera at ako naman ay nag phone,






"Hindi e"sabi ko, "sobrang hirap ng buhay namin, tapos inuna ko ang mga kapatid ko na makapag tapos para naman hindi sumama ang landas ng buhay nila, kahit pa hindi ako nakapag tapos ng pag aaral, natutuwa naman ako kase may napagtapos akong engineer at nurse"




Tiningnan nya ako nang may salubong na kilay,






"Diba inuwi ka sa america? Anong ginawa mo doon? Hindi ka ba nag aral?"tanong ni sixto at napalunok akong pumikit sabay iling,







"Mag aaral sana ako kaso nagkasakit si daddy doon, kaya yung tuition fee ko ay napunta sa pang gamot ni daddy, okay na yun atleast okay na si daddy" sabi ko,







"Eh paano mo napag aral ang mga kapatid mo kung hindi ka nakapag tapos ng pag aaral?"tanong ni sixto at naluha ako,





"Huwag na natin pag usapan pa iyon sixto, basta nag trabaho lang ako, iyon lang iyon"sabi ko at natigilan sya,








"Handa akong makinig cai, just tell me" sabi nya at umiling ako,






"Hindi mo maiintindihan at masusuklam ka lang sa akin sixto, ang hindi pag usapan ang bagay na iyon ay ang way para mas tumibay at tumagal ang relasyon natin kaya please huwag na"sabi kong naluluha at nagsalubong ang kilay nya,








"Wala namang masama kung sabihin mo, kung ano mang trabaho iyan tanggap ko naman iyan at baka maging proud pa ako kase iyang trabahong pinasok mo noon ay ang dahilan kung bakit napagtapos mo ng pag aaral ang mga kapatid mo"nakangiti nyang sabi at bumuntong hininga ako,








"Ayokong sabihin kase never ko namang sinabi 'to sa pamilya ko, kase baka ma- disappoint lang sila tapos ikaw pa kaya"sabi kong naluluha, "ayokong magkatawak tayo pag nalaman mong ang girlfriend mo ay dating bayaran sa bar"






Natigilan sya at unti unting ibinitaw ang paghawak nya sa akin sabay yuko,





"Oh diba, sabi ko naman kase sayo, huwag ka ng mamilit kase kahit na sino, hindi iyon matatanggap"sabi kong naluluha at bumuntong hininga sya,








"Ilang taon ka no'n?"







"Around 17 or 18? Sa america, gusto mag aral ng kapatid ko pero wala silang tuition kaya napilitan akong gawin iyon dahil sa edad kong iyon ay walang natanggap sa akin sa trabaho, si mommy naman kase hindi makakapag trabaho dahil bantay sya kay daddy sa hospital kaya habang nandoon sila ay dumidiskarte ako"sabi kong naluluha,



Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon