31

371 8 0
                                    

Sabay kaming pumasok sa university at dahil pareho kami ng kurso ay sa kapareho rin kaming department pumunta para hanapin ang pangalan namin,

Lumingon na lang ako sa kanya nang makita kong sinusundan pa rin nya ako na dapat ay hinahanap na nya ang pangalan nya,



"Sixteen, hanapin mo na pangalan mo" sabi ko,


"Samahan na muna kitang mahanap yung iyo para alam ko rin yung room mo at alam ko kung saan ko ipapadala mga pagkain na iluluto ko para sayo" sabi nyang nakangiti at napabuntong hininga ako,



"First day of college, baka ma-late ka" sabi ko at natawa syang napakamot sa ulo nya,




"Ayos lang atleast magaan yung loob ko na nahatid kita ng safe, baka kase pag iniwan kita nang hindi ko man lang al alam ang kalagayan mo baka hindi ako mapakali"sabi nya at napairap akong bumuntong hininga,




"Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin, basta pag nalate ka, huwag mo akong masisisi"pag irap ko at naglakad na,




"Okay po madam ko"habol pa nyang sambit.




Hinanap ko na ang pangalan ko, nasa 2nd floor pa kami, nagtatalon pa ako dahil finally nahanap ko na rin ang pangalan ko sa listahan, maging sya ay nakita kong ang saya saya kaya nagsalubong ang kilay ko,






"Bakit?"tanong ko,



"Magkaklase tayo!"sabi nyang nakangiti at napairap ako,



"Badtrip naman oh, bakit kita kaklase, araw araw mo lang akong kukulitin" sabi ko at natawa syang kinurot ang pisngi ko,




"Cute mo pag nagmamaldita ka"sabi nya, "swerte mo, kaklase mo ang pinaka pogi sa university na ito"



Natawa ako at naubo pa sa narinig ko mula sa kanya,




"Ako'y tigil tigilan mo"sabi ko.

Kami ay pumasok na sa classroom kasunod ko sya, bawat row ay tig dalawang upuan, nang umupo ako sa isang upuan ay akma syang uupo roon nang ilagay ko ang bag ko para di ko sya makatabi dahil alam kong kukulitin nya ako nang kukulitin at baka nga mamaya ay hindi na ako maka-focus sa gagawin ko.




Agad syang natigil at napabuntong hiningang tumingin sa akin,




"Pwede mo naman ata akong paupuin diba?"tanong nya,




"Marami namang bakante dyan, bakit ayaw mo na lang umupo sa ibang upuan?"masungit kong sambit,




"Mas mahihirapan akong mag aral kung malayo ako sa inspirasyon ko" sabi nya at natigilan ako,




"Sixteen, maraming bakanteng upuan at please huwag mo akong gawing inspirasyon kase hindi naman habang buhay makikita mo ako"sabi ko at napayuko syang bumuntong hininga.



Dahan dahan syang umalis at sa ibang upuan naupo, napalingon ako sa kanya at nakita ko na nakatitig sya sa akin kaya umiwas na agad ako ng tingin,






"Blessed Morning Everyone"bati ng professor namin nang makapasok ito sa classroom namin, lahat kami ay tumayo at sabay sabay bumati.


Naupo kami at nagsimula na ang pagtawag nito ng mga estudyante para sa attendance, nagsimula ito sa male at nagulat na lang ako nang malaman ko kung sino talaga si sixteen.






"Alonzo, Sixteen?"tanong ng professor at natigilan akong napalingon kay sixteen,



"Present po sir"sabi nya sabay tingin at ngiti sa akin, nabalik ako ng tingin sa harapan at hindi makahinga sa pwesto ko dahil sa narinig ko,




Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon