21

508 10 0
                                    


"Labas ka na dyan cai, pag usapan natin ng maayos ang conflict natin kanina"sigaw ni sixto mula sa pinto, "kung kailan naman maayos na ang buhay nating dalawa, saka pa ba tayo mag ganito? Mag aaway sa maliit lang na bagay?"


Nakonsensya ako kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto at hinarap nya, saktong pagbukas ko ay niyakap nya ako nang mahigpit at nagawa pang humagulgol,




"Kung gusto mong umuwi na tayo ng pilipinas ngayon na, sige na, papayag na ako"pag iyak nya, "huwag mo lang akong iwanan at layuan katulad ng ginawa mo noon dahil hindi ko talaga kakayanin"





Tumulo ang luha ko, na-realize ko na sobra ko na palang mali para pilitin syang sumama sa akin kung sakaling uuwi ako ng pilipinas, ganoon na ba ang epekto sa akin ng depression ko noon? Nagiging controlling ako?


Agad akong bumitaw sa yakap kay sixto at bumuntong hininga,



"I think we should break up six"sabi ko at nagsalubong ang kilay nya,





"Bago pa lang tayong mag couple tapos naiisip mo na agad na mag break tayo? Ano bang nasa isip mo cailen at nag iisip ka ng ganito? May mali ba akong ginawa?"tanong nya at umiling ako,





"Hindi ikaw ang problema dito kundi ako, im too red flag, controlling, manipulative and abusive girlfriend, katulad kanina, ayaw mo lang sumama sa akin papuntang pinas tapos kung ano ano na iniisip ko, paranoid ako sixto kaya hindi mo ko deserve, sorry kung hindi umabot ng matagal relasyon natin pero kase mali, ako ang problema sa relasyon---- nagulat ako nang bigla nya akong halikan.


Namilog ang mata ko at hindi ko na alam kung ano pa ba ang sasabihin ko, bumitaw na ako sa halik nya at nakita kong naluluha sya,




"That is not the way para maghiwalay tayo cailen, mahal kita at naiintindihan kita kung bakit ka nagkakaganyan" sabi nyang naluluha, "walang mali sayo okay? Alam ko naman ang dahilan kung bakit ka nagiging paranoid, it is just because of your past and it doesn't mean na ayoko na sayo at hihiwalayan na kita, huwag naman tayong mag hiwalay please"







"Pero ikaw ang kawawa, minsan kase hindi ko na nakokontrol ang sarili ko na mag duda at mag control sayo" naluluha kong sambit at hinawakan nya ang kamay ko at inilagay iyon sa dibdib nya,




"Kung sa tingin mo controlling ka? Then control me, kung gusto mo sayo na lahat ng password ng social media ko or yung phone ko mismo, sayo na at kung dumating man ang time na may pagseselosan ka? Lalayuan ko ang tao na iyon for you basta huwag lang tayong aabot sa hiwalayan dahil hindi ko iyon kakayanin"






"No, huwag ka ngang magbulag bulagan!"singhal ko, "alam mo namang mali na yung ginagawa ko ayaw mo pa ako pakawalan"






"Ayun ang way para maging matibay ang relasyon natin, huwag naman natin idaan sa hiwalayan ito dahil mas lalo lang tayong masasaktan kung maghihiwalay tayo, hindi ko iyon kakayanin cailen"sabi nyang naluluha, "papa-alipin na lang ako sayo, huwag mo lang akong iwanan"







"No, walang magpapa alipin, babaguhin ko na lang ang sarili ko"pag luha ko sabay yakap sa kanya.




Ewan ko kung kailan matitigil ang ganito kong toxic trait, feeling ko hindi pa ako okay at hindi ko kayang mabago ang ganitong ugali ko pero dahil mahal ko si sixto ay gagawin kong baguhin ang ugali na ito.



Naging maayos naman kaming dalawa, bumalik ulit kami sa dati naming saya na parang walang nangyaring katoxican,


Naiinis lang ako sa sarili ko dahil kung kailan nasa tamang tao na ako ay saka naman ako ang naging toxic at red flag sa relasyon namin,








Healing Hearts In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon