CHAPTER 5

13.8K 340 56
                                    

"Don tayo sa hunted house!" Excited na turo ni Sania.

"Oh gosh! Kung you want. You na lang." Kanina pa sila nang-aaway at kami naman ni Esabella ay nag papahila na lang.

"Tara na. November naman ngayon wag kana kj d'yan." Hinila ako ni Sania kaya hinila ko si Angela at hinila naman ni Angela si Esabella.

Si Sania ang bumili ng tickets dahil siya naman ang nag-aya binigyan kami ng isang flashlight at nagreklamo pa si Sania.

"Tara kapit-kapit lang tayo. Walang iwanan." Seryosong sabi niya. Nakakapit ako sa likod ni Esabella dahil nasa likuran ko. Nauna si Sania sunod si Angela, Esabella at ako.

Napahiyaw kami ng biglang sumigaw si Sania. "Yawa!"

"What fuck you son of a bitch." Sabay sampal sa kay chukie. Napa-aray naman ang tao. Puro na lang mura ang lumalabas sa bibig nilang dalawa.

"Oh my God Esabella!?" Hanap ni Angela. Ang dilim kasi. Nahihirapan din akong kapkapin ang mga kaibigan ko. May nakawakan akong tao hindi ko alam kong sino.

"Angela?" Kabadong tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko. Ang gaspang ng kamay ni Angela ah.

"Sandali! Isa, dalawa, tatlo, apa-- Yucci? Yucci! Puta si Yucci nawala nawala si Yucci." Hysterical ni Sania.

Napalunok naman ako dahil may hawak parin ako. Nang dumapo ang ilaw ng flashlight sakin ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang nakita ko si Angela katabi ni Sania.

"Y-Yucci." Mahinang sabi ni Sania. At dahan-dahang tinuon ang flashlight sa hawak ko.

"Ahhhhhhh!" Abot japan kong sigaw. Sa subrang gulat ay nasapak ko si Valak. Ang madreng pangit.

"Jesus Christ!" Hindi makapaniwalang saad ni Angela ng hilahin niya ako habang nakatingin kay valak na walang malay.

"Sabi ko naman sayo wag na tayo dito eh." Paninisi ni Angela kay Sania.

"Malay ko bang ito ang mangyayari satin." Sagot ni Sania. Ako naman nilalamig na parang tumakas ang kaluluwa ko kanina.

"May form tayo ng circle at magdasal." Parang tanga na ideya ni Sania.

"Oh right! Lead me Lord, Lead me by the hand. Let us face the rising sun~" Tarantang kanta ni Angela si Sania naman ay parang tanga na sumasabay sa kanta kahit mali mali ang lyrics niya.

"Fuck I forgot kong ano ang kasunod."

"Gago wala kang kwenta–Ah!" Sigaw ni Sania dahil may buhok sa itaas namin. Dahil sa gulat ay nahatak niya ang buhok ng babae kaya napa-aray ito.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Esabella. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad at hanapin ang daan.

"Left or right."

"Left tayo." Sabi ni Sania.

"No, right." Hindi talaga kami makakalabas ng buhay dito pag magpatuloy pa sila.

"Left."

"Right."

Napatigil lang sila ng sumigaw si Esabella. May lumabas kasi sa pader hindi ko alam kong ano. Kanyang-kanya na lang kaming tumakbo. Hindi ko alam kong saan na sila.

"Esabella! Sania! Angela!" Sigaw ko na parang bata na naiwan, niyakap ko ang sarili at naglakad kulay red ang ilaw dito at ang disenyo pang hospital. Bahay 'to diba bakit may hospital? Parang joke ah.

"Miss... " Agad akong panalingon sa tumawag. Pero walang tao sa likod ko.

"Papa." Naiiyak kong tawag.

THE ONLY EXCEPTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon