CHAPTER 8

11.4K 292 23
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na nagmula sa doorbell ng condo ko. Nilagyan ko kasi ng door bell baka masira ang pinto ko. Si Sania kasi parang may galit sa pinto pag kumakatok ito. Pinabayaan ko lang ang doorbell dahil aalis din naman 'yan pag mainis. Pero parang ako naiinis dahil ayaw talaga mag patalo nakakainis. Padabog akong bumangon at tinignan ang alarm clock ko. 6am pa lang pambiriha.

Hindi ko na inayos ang sarili ko dahil inaantok pa ako at kung sino man ang animal na 'yan ay mapapatay ko talaga siya. Binuksan ko ang pintuan at walang sabing pumasok si Sania at Angela sa condo.

"Buti naman naisipan mo na buksan ang pinto." Sania said sarcastically. I rolled my eyes at pinapasok si Esabella.

Nakita ko si Angela na parang reyna na nakaupo sa living room at hindi ko naman matagpuan si Sania. Umupo si Esabella katabi ni Angela. At alam ko kung saan si Sania.

"Sania wag mo ubusin ang pagkain ko!" Sigaw ko feeling ko nagising na talaga ako ng tuluyan nang narinig ko ang mga kalabog galing sa kusina, parang mabilis pa ako kay flash nang tumakbo ako sa kusina.

Nang nakarating ako sa kusina parang gusto kong saksakin si Sania gamit ang toothpick, nahulog niya ang isang tray ng itlog at mga gatas ko.

"Sania!" Sigaw ko. Napakamot lang siya ng batok sa sigaw ko. Susugurin ko sana ito pero napigilan ko ni Esabella.

"Hindi ko sinasadya, nadala siya nong hinila ko ang cake mo." pangrarason niya.

"Angela request back up!" Sigaw ni Esabella. Pumipiglas perin ako, gusto ko ko siyang balatan gamit ang blade na maliit walang hiya siya, nang bulabog siya sa condo tapos minurder niya ang itlog at mga gatas ko.

"Oh my god!" Angela exclaimed. Umakyat si Sania sa counter at dun dumaan palabas.

"Bumalik ka dito! Sasaksakin kita gamit ang toothpick! Magtago kana dahil kahit mamatay man tayo papatayin parin kita sa impreyno! Walang hiya ka Maureen!" Galit kong sigaw, hindi kinaya ni Esabella kaya nagpatulong ito kay Angela.

"Calm down bibili tayo ng bago." Pangaalo ni Angela. Kahit na sayang ang pagkain, animal na Sania.

Kumalma ako at si Esabella na ang naglinis ng kalat. Hindi ko alam kong saan si Sania eh. Naligo ako at nangbihis dahil kukuha kami ng entrance exam sa Wanivas University. Sasama lang si Angela dahil aalis ito ng bansa.

I wear a sleeveless, square neckline fitted white shirt that has a watermelon design. High-waisted jeans at sneakers. Hindi ako marunong mag make up, hindi rin ako naglalagay ng lipstick dahil kinakain ko lang. Ayoko pangit ng lasa.

I ponytail my long hair, kinuha ko ang maliit na bag pera cellphone at requirements lang naman ang laman 'don. At konting chocolate hihihi.

Lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko agad ang dalawang naghihintay sakin. Nasaan na kaya ang bruhang 'yon? Hindi ko siya mapapatawad hmp.

Sakto naman ang umupo ako sa tabi ni Esabella ay bumukas ang pinto. Niluwa si Sania an may dalang plastic.

"Sania hindi pa tayo tapos!" Tatayo na sana ako ng hatakin ako ni Esabella paupo.

"Kumalma ka nga." Sabi niya. Napanguso na lang ako at nag cross arm.

"I can explain in tagalog magpapaliwanag ako in japanese--" I glared at her kaya natigil ito.

"Nasagi lang ng siko ko pramis." Dugtong niya.

"Sabi mo nadala nanghinila mo ang cake! Tapos ngayon nasagi ng siko pinagloloko mo talaga ako kasi alam mong uto-uto ko!" Paawa kong sabi kaya nakatikim ng isang batok si Sania kay Angela.

THE ONLY EXCEPTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon